32

223 12 0
                                    

LILY

Naglalakad na ako ngayon papunta sa school,hindi ko nga alam kung bakit hindi ako sinundo ni Dave,sa nakalipas na mga linggo kasi,lagi niya akong sinusundo

Tapos dumagdag pa ang bike ko, naflat yung gulong,ewan,siguro may nasagasaan akong matulis kahapon

Siguro kaya hindi niya ako nasundo dahil sa sinabi niyang emergency,siguro nga

'peeeet!'

Napaigtad ako bigla dahil sa malakas na busina ng kotse, nakakainis naman!pwede namang isang beses lang bumusina!bakit kaylangan pang damiha!lintik! anong akala niya sa'ken bingi?! atsaka!nasa side walk na kaya ako!!

Mas gumilid nalang ako at hindi na nilingon ang lintik na driver ng kung kanino mang kotse yan, lintik siya,maaksidete sana

"Lil!!"

Napahinto kaagad ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na iyon,napakunot noo naman ako,at dumiretso nalang ng lakad ng hindi manlang lumilingon

Maya maya pa ay narinig ko ang tunog ng biglang pagharurot ng kotse,bago pa ako makalingon ay nakaparada na ang kotse sa harap ko

"Lil sakay kana" aniya at binuksan pa ang pinto ng front seat ng kotse niya

Lintik yang sports car niya, masita sana ng mga pulis

Umakto akong walang narinig at naglakad nalang ulit,anong karapatan niyang bumalik sa buhay ko?na para bang walang nangyari

Kung makipag-usap siya,akala mo naman e close na close pa kami,
g ago din toh

"Ah!"napatili ako ng nakaramdam ako ng mga kamay na pumalibot sa likod ng tuhod at balikat ko

Naramdaman ko nalang na nakalutang na ako,tumingala agad agad ako at nakita ang gwa—ang pangit at g ago niyang mukha

"CALEB IBABA MO'KO!!!"sigaw ko habang nagpupumiglas mula sa pagkakakarga niya

"Naiinis na ako sa'yo alam moba yun?"

Natahimik naman ako nang marinig ko ang lamig sa boses niya,nalulungkot ba siya?

Huminto siya sa paglalakad sa tapat ng kotse niya saka yumuko at pinaupo ako sa front seat

Tahimik lang ako habang nilalagay niya yung seatbuilt,saka niya isinara ang pinto at umikot papuntang driver's seat

Gusto kong lumabas,pero bakit ganon?parang na glue ang katawan ko sa upuan na toh

Napatingin ako sa kanya ng marinig ko ang pag start ng kotse, saka ko napansin ang I.D niya,at agad din naman akong nag iwas ng tingin

Totoo nga ang sabi niya,dito na talaga siya mag aaral,yung uniform niya kapareho narin ng uniform namin

Maya maya lang ay pinaandar na niya ang kotse,hindi nalang ako kumibo

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang message box ko, pero wala parin eh,usually kasi nagtetext si Dave sa'ken kapag hindi niya masusundo

"Can you please put your phone down even just for a minute and talk to me?"

Napatigil naman ako sa kakakapa ng phone ko at agad iyong binalik sa bag ko

"Ano 'yun?"tanong ko at tumingin sa kanya,pero naka focus lang amg tingin niya sa daan,kaya umiwas nalang ulit ako ng tingin

"Bakit ba parang galit na galit ka sa'ken?" biglang tanong niya habang nakatingin parin sa daan habang nagmamaneho

"G ago karin eh ano?putang ina ka alam mo ba yun?'wag kang tanong ng tanong kasi alam kong alam mo 'yung sagot" hindi kona namalayan na nakadalawang mura pala ako, bago yun ah

"Nagmumura kana,dati kapag nagmumura ako,ikaw yung nagsasabi sa'ken na 'wag akong nagmumura kasi bad 'yun"

"G ago yun noh Lil!?akala niya masasaktan ka niya eh.." sabay naman siyang tumawa

"Uy..'wag ka magmura,bad yan"

"Time changes" yun nalang ang isinagot ko nang maalala ko ang nakaraan namin

Tss..parang tanga,ambabata pa namin nun,hindi ko nga alam sa sarili ko kung pa'no ko nagawang seryosohin ang pangako niya,eh mga bata pa kami nun

"Yeah it does,mas lalo ka na ngang gumanda eh,tapos antangkad muna,dati umaangkas kapa saken kasi naiiwan kita kapag namamasyal tayo kasi masyadong maliit ang mga paa mo kaya kaunti lang ang nagagawa mong hakbang kaya naiiwan kita" dirediretso niyang sabi habang may halong kalamigan sa boses niya

"Yeah,pero iniwan mo parin ako"

Katahimikan,'yan ang biglang bumalot sa loob ng sasakyan,sabi nga ni mama,may dumaan daw na anghel

"Atleast nagparamdam parin ako kahit malayo ako,eh ikaw?"

Bigla akong natauhan sa tanong niya,anong pinagsasasabi niya?
g ago talaga toh eh,eh ikaw nga ang walang paramdam!!

Bago pa ako makapagtanong,ay inihinto na niya ang kotse at napansin ko nalang na nasa loob na kami ng skwelahan at pinarada na niya ang kotse at agad siyang bumaba

Tinanggal ko kaagad ang seatbuilt ko,at hindi kona nagawag buksan ang pinto dahil binuksan na pala kaagad ni Caleb

"Salamat" sabi ko at bumaba kaagad,pinagpag ko ang palda ko at inayos ang uniform blouse ko, medyo nagusot kasi kanina nunh binuhat niya—argh!bwesit!

Nagsimula na kaagad akong maglakad,ramdam ko na nakasunod parin siya sa'ken,pero hindi na ako lumingon

Nang malapit na ako sa room, ramdam at dinig ko parin ang tunog ng sapatos niya,kaya agad ko siyang hinarap

"Sinusundan moba ako?!"nakataas kilay kong tanong sa kanya

"Hindi,magkaklase lang talaga tayo" mabilis niyang sabi na nagpahiya naman sa'ken

Lintik naman oh!makalipat nga ng section!

"Okey"sabi ko at tumalikod nalang sa kanya at pumasok na sa room

Napansin ko kaagad ang ingay ng mga estudyante sa room namin, at may mga estudyanteng babae ang nagkukumpulan sa iisang upuan at nagbubulong bulungan naman ang mga lalaki

"Ganito ba talaga sa room niyo?"

Napalingon naman ako kay Caleb na halatang nagulat din sa nakita niya

"Oo,kaya kung ako sa'yo,lumipat ka nalang ng section" nice work Lily

"Nope,I like it here"nice job Lily "and besides,the girl I like is here" teka ano?wait,is he talking about me?no way..

Naghanap naman siya ng upuan, at napansin ko na nang makita niya ang upuan na may kaunting bondpaper na may pangalang Lelliana Madrigal na nakadikit doon,doon agad siya dumiretso

Oh no...

Tinitigan niya din ang isang upuan sa kanan ko na walang pangalan,at lintik!doon niya nilagay ang bag niya!

Naagaw naman ni Caleb ang atensiyon ng kababaihan sa room ng umupo siya sa upuan na tabi ng upuan ko

"Girl,new classmate.."
"Ang gwapo ah.."
"Oh my God..kasama niya si-"

Namutla naman ako ng tumingin sila saken,

"Who is it?" tanong ng isang boses babae

Nagsialisan naman ang mga nag kukumpulang mga babae sa isang upuan,at tumambad ang isang magandang babae, teka.. p-pamilyar siya

T-tama...siya yun,siya yung babaeng..k-kasama ni Caleb sa picture...siya si Amethyst.

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon