60

261 9 0
                                    

LILY

Himala at hindi nag text o tumawag manlang si Caleb na hindi niya ako susunduin,kataka taka naman iyon,siguro busys siya, pero simula kasi ng bumalik siya wala na siyang ibag ginawa kundi ang kulitin ako,maliban nalang ngayon.

Kinuha ko ang bag ko sabay isinaklay iyon,kinuha ko rin ang libro ko saka nagpaalam kay mama na aalis na ako bago nagsimulang maglakad.

Huminto ako sa paglalakad ng marinig ko ang busina ng kotse, hindi man ako lumingon ay alam kona kaagad kung sino ang nasa likod ko.

"Morning babe,sakay kana." huminto ang sasakyan ni Dave sa tabi ko,binuksan niya ang pinto ng shotgun seat at tinapik iyon na nagsesenyas saken na umupo na doon.

Pinaikot ko nalang ang mga mata ko bago tuluyang pumasok, akmang magse-seatbuilt na ako ng pigilan niya ang kamay ko, nagtaas ako ng kilay at pinakatitigan siya.

Tumawa lang ang gago bago umiling,hinawakan niya ang seatbuilt at saka isinuot sa'ken.

Bahagya akong tumigil sa paghinga ng dumampi ang dibdib niya saken,"S-salamat."saad ko ng humiwalay ang katawan niya sa'kin saka bumuntong hininga.

"You look tense,you okey babe?" tanong niya habang ngising ngisi pa at nagsimula ng magmaneho.

"Ayos lang ako,tsaka tigil tigilan mo ako sa kaka english mo, lalagnatin ako sa'yo eh." komento ko at madrama pang humawak sa ulo ko.

He laugh,"Parang hindi kapa nasanay."saad niya at ang sunod niyang ginawa ay naging dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at ang panlalaki ng mga mata ko, idinampi niya ang mga labi niya sa labi ko. "Good morning kiss para ma-inspired ka mag aral." aniya at ngumisi.

"Nahahawaan kana ni Brian ah." komento ko bago palihim na binasa ang mga labi ko.

"Syempre,nagpaturo ako sa kanya kung paano magpakilig noh, siya ang expert samin eh."aniya at tumawa.

Napasimangot naman kaagad ako, kaylangan niya pa talagang magpaturo?eh halos araw araw eh tumatalon yung puso dahil sa ka-kornihan niya eh.

Sabagay,si Brian naman talaga yung pinaka-expert kumbaga pagdating sa pagapapakilig eh, kaya siya talaga yung dapat na hinihingian nila ng advice tungkol sa mga bagay sa lovelife.

Kaya nga hindi na nakapagtaka na marami ng babae ang naiuwi ni Brian eh,bolero kasi ang lalaking iyon.

"What are you thinking?" biglang tanong ni Dave na halata na namang naiinis dahil sa higpit ng hawak niya sa manibela.

"Si  Brian,"agad kong sagot, nagtagis naman kaagad ang panga at lumingon saken "iniisip ko na kaya marami na siyang babaeng naiuwi kasi pareho kayong bolero." pagpapatuloy ko,baka kasi kung ano na naman ang isipin nito.

"Oh,"halata ang pagkakuntento sa boses niya "well babe,pareho kaming gwapo,kaya nga habulin kami ng mga babae eh,"hangin, "pero siya lang yung nag uuwi ng babae noh!"

"Buhat ng sariling banggko." pabulong kong sabi at tumawa.

"Hey babe,I've heared that!" reklamo pa niya at sumimangot.

"Siguro sarap na sarap kayo sa buhay niyo noh?kasi kahit sinong babae naiuuwi niyo at nakakama niyo pa." lintik na bibig kong toh, ang daldal pero ako parin naman yung nasasaktan.

Sa iisipin kasi na marami na siyang naging babae,nakaka-aray sa pakiramdam.

"Hindi naman lahat,may isang babae ako na hindi ko parin nakukuha hanggang ngayon," pakiramdam ko ay bigla nahulog sa tiyan ko yung puso ko at sinisimulan na iyong e-digest! Ag sakit puta! "Oh I mean,nakuha kona siya dati,kaso nakipag break siya sakin,kasi gago naman talaga ako hindi ako marunong mag alaga mg girlfriend,but I'm starting to change now,para naman bumalik na siya sakin."

Nakaramdam kaagad ako ng lungkot,yung puso ko,kumikirot, kung may hinihintay pala siya!! Ede sana hindi nalang siya nag ayang makipagbalikan--

Napatigil ako sa pag-iisip ko at gulat na tumingin sa kanya,naka ngisi lang siya habang nagmamaneho.

Gago talaga ang lalaki toh!

"Jealous with yourself?"tanong niya at binalingan ako ng tingin.

Nag init naman kaagad ang pisnge ko at kaagad na nag iwas sa kanya ng tingin,malay koba kasi na ako yun!

"You're so cute babe,"ginulo niya ang buhok ko "and to correct you babe,si Brian lang ang maraming naikakama,but me,"tinuro niya ang sarili niya,"I'm still a virgin." taas noo niyang sabi.

Nabilaukan naman ako sa sarili kong laway dahil sa diretso niyang mga salita.

"Hey babe,"hinimas niya yung likod ko,"ikaw naman,"hininto niya muna yung kotse at may kinuha sa likod ng kotse saka inabot sakin,"drink this."

Kaagad ko namang tinanggap ang tubig at uminom ng marami, gago talaga toh!

"Babe,namumula kana kaaubo mo,"hinawi niya ang buhok ko na nakakalat sa may mukha ko at inilagay iyon sa may taenga ko "you okey now babe?" tanong niya habang patuloy na hinihimas ang buhok ko.

"Bwesit ka talaga alam mo ba yun!" sinuntok ko siya sa dibdib "magsisinungaling ka na ngalang yung hindi pa kapani paniwala!" sigaw ko at tinulak siya para mas makahinga ako ng maayos.

"Babe naman,it's true!I'm still a proud virgin!" sigaw niya,kaagad kong tinakpan ang bibig niya ng kamay ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Manahimik ka nga!nakakahiya!" saway ko sa kanya,hinawakan niya ang magkabilang pulsuan ko saka iginiya niya iyon payakap sa leeg niya saka inilapit ang mukha miya sakin.

"It's true,yes I've already kissed a lot of women but I never fcked any of them,I'm reserving myself for you babe."aniya at idinampi ang mga labi niya sa labi ko.

Napapikit nalang ako ng pumalibot ang mga kamay niya sa likod at batok ko.

Hindi ko alam kung maniniwala ako,kasi ang sabi sabi sa school namin silang tatlo daw ang playboys,ginagamit lang daw nila ang mga babae at iiwan kaagad pagkatapos.

Kaagad akong humiwalay sa kanya ng maramdaman ko ang pangangapos ko sa hininga, napahawak kaagad ako sa dibdib ko.

"I swear babe,kahit tanungin mo pa sila,I promise!I'm still a virgin!" taas noo pa niyang sabi.

"Tumahimik k-ka nga!nakakahiya ka!"saad ko habang init na init ang mga pisnge ko,"u-umalis na tayo, b-baka kung anong isipin ng mga m-makakakita sa sasakyan mo dito." nagbaba ako ng tingin.

Mahina siyang tumawa at tumango, "Basta,sayo lang toh sasaludo." aniya dahilan para mas lalong mag init ang pisnge ko.

"B-bastos ka talagang lalaki ka! Bilis na!m-malelate na tayo!"

Tumawa siyang ulit,"okey okey, but what I've said is true babe,I'm still a virgin,and so you are,so we're a perfect match!" aniya at madaliang hinalikan ang pisnge ko.

"B-bilis na!malelate na t-tayo."
Hindi ko parin magawang nag taas ng tingin dahil sa kahihiyang toh, pakiramdam ko ay sinusuway kona ang mga utos ni mama na 'wag daw magta-topic ng mga ganito ka bold na mga topic.

"Yes ma'am!"aniya at pinaandar ang kotse.

Relax Lily,siraulo lang talaga yang boyfri—ex mo,kaya mo toh.

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon