13

404 15 2
                                    

Chapter 12

“Nasa chocolate hills nga tayo!” Tili ko dahil sa ganda ng tanawin,sabay pabirong sinuntok si Brian sa balikat.

“Tangina ang sakit nun!” reklamo naman niya at madramang hinaplos ang braso habang nakasimangot.

“Ang OA mo naman!Ang ganda lang kasi talaga!Hindi pa kasi ako nakapunta dito eh,ano?Pwede ako parin picturan niyo dito?” Suggest ko naman,pero hindi parin sila nagsalita.

"Uy!" Napasimangot naman ako dahil sa hindi nila pamamansin sa'kin.

Kanina kopa talaga napapansin,akala ko baka may tampuhan lang sila,pero bakit parang pati sa'kin galit din sila?!

“Uh...h-hoy!” tawag ko,napatingin naman sila sa'kin,malalamig ang mga mata bago nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam,pero sa tingin nila, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabibin,pakiramdam ko galit sila, pero parang may iba pa.

“Lily,hayaan mo muna 'yan,tara mag date tayo," biro pa ni Brian sabay inakbayan ako.

Sisikmuraan ko na sana siya,pero hindi na 'yon natuloy dahil naunahan ako ng malakas na sigaw ni Dave.

“Tangina mo!” pagmumura pa ni Dave kasabay ay ang biglang paghila niya kay Brian.

“Wow!Relax!” Nagtaas pa ng dalaw niyang mga kamay si Brian na para bang sumu-surrender na siya kay Dave.

“Lily,ikaw at ako dito,” saad ni Bruce sabay ngumiti,ngumiti din naman ako pabalik sa kanya at tumango bilang pag-sang ayon.

“No you're not,ako at si Lily” ma-awtoridad namang sabi ni Dave at hinawakan ang pulsuan ko.

Naikunot ko ang aking noo dahil sa biglang inasal niya,pinagsalinan ko silang dalawa ng tingin.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko,nang makitang halos magpatayan sila ng tingin.

“Ah...” wala akong ibang nagawa kundi ang tumahimik na lamang dahil walang matitinong salita ang lumalabas mula sa bibig ko.

“Kayo na sa beach,kami naman dito,” mariin na sabi ni Bruce at hinawakan din ang kabila kong pulsuan.

Parang naku-kuryente ako sa mga hawak nilang dalawa,naninindig ang balahibo ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Aray ko ano ba...” Napaungot na ako dahil unti unti ng humihigpit ang pagkakahawak nila sa pulsuan ko.

Pilit kong binabawi ang pulsuan ko, pero mas lalo lang nilang hinihigpitan ang hawak doon.

“Bitawan mo siya Dave,nasasaktan na si Lily!” May bahid ng gigil at iritasyon ng boses na sabi ni Bruce.

“At bakit ako ang bibitaw?Ikaw ang bumitaw,ako ang nauna.” Ganti naman ni Dave.

“Hindi porket ikaw ang nauna,ibig sabihin sa'yo na agad.”

“At bakit hindi?Finders keepers nga diba?So back off!” tinulak ni Dave si Bruce,pero hindi natinag si Bruce at nakahawak parin sa pulsuan ko.

Ngumisi at umiling si Bruce,“Hindi bagay si Lily,at lalong hindi siya bagay sa'yo.”

Halos literal na mahulog ang panga ko dahil sa sinabi ni Bruce,pakiramdam ko ay may nagliliparan na mga paru-paru sa tiyan ko.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon