15

410 26 0
                                    

Chapter 15

LILY

"Matulog muna tayo ngayon,bukas na natin isipin kung paano tayo makakaalis dito" sabi niya habang nakaupo ako dito sa maalikabok na kama

Napagalaman namin na wala naman palang nakatira dito,luma na kasi ag mga gamit,at ang ibang mga gamit ay sira-sira na

Hindi ko alam pero di naman talaga ako matatakutin,pero pagdating kasi sa mga ganitong lugar,sobrang creepy para saken

"Pa'no ka?" ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at tinanong ko iyon

"Alam kong concern ka sa'ken,pero dito nalang ako sa luma at maduming couch" Nangongonsensiya ba siya?and teka,ano daw?concern?ako?

"Hoy hindi ako concern sa'yo, tinatanong lang kita" sabay irap kong sabi

Pinagpag ko ang kama,at ayun nag silabasan ang mga alikabog bwesit, antagal na talaga siguro ng bahay na toh

Lihim akong tumingin kay Dave na ngayon ay pinapagpag din ang couch, pinag-u-untog niya yung mga unan ng couch at nagsisilabasan nga ang alikabok

Hindi sa gusto ko siya oh ano pa man, pero ngayon ko lang narealize na ang gwapo pala niya,tapos ang swabe pa ng galawan niya

Yung buhok niya kahit magulo,gwapo parin,yung damit niya,ngayong madumi na kakasiksik namin sa gubat,gwapo parin siya,siguro kahit naman basahan isuot nito,gwapo parin siya

"You know what Lily,sabihin mo nalang na naga-gwapohan ka sa'ken, hindi yung tinitignan mo ako na parang gusto mo akong hubaran, you're eye r-ping me"

I blushed,mabilis na nag inita ng pisnge ko dahil sa nahuli niya akong nakatingin sa kanya

"Hindi ako naga-gwapohan sa'yo, sakto lang naman ang itsura mo" hindi ko alam na may ganoon pala akong lakas ng loob

"Deny and deny it to yourself Lily, per alam ko naman na nagagwapohan ka saken,bulag lang ang hindi"

Napangiwi naman agad ang labi ko, hindi kona siya pinansin ang pinapatuloy nalang ang pag pagpag sa kama

Ilang minuto lang at natapos na din akong magpagpag,at umupo na kaagad ako sa sobrang pagod

Krr..

My eyes widened,napahawak kaagad ako sa tiyan kong tumutunog na at napatingin kay Dave na ngayon ay lobong lobo na ang pisnge,halatang piniligilan ang sariling tumawa

"Tigilan mo'ko!!"sigaw ko"Hindi pa ako kumakain kaya 'di mo'ko masisisi kung gutom na gutom na ako!!" binato ko siya ng unan at humiga sa kama

Bwesit ang baho nitong kama..kung di sana ako umalis sa van kanina,ede sana maayos sana ang hinihigaan ko ngayon

Sigurado akong nag-aalala na si mama ngayon,baka pinapahanap na niya ako sa pulis,pero...hindi pa nag twenty four hours na nawawala kami,kaya di pa ako hahanapin ng mga pulis

Tapos paano naman malalaman ni mama na nawawala kami eh wala nga kaming contact kasi walang signal ang bwesit na gubat na toh

"Aray!"tili ko ng bigla akong batuhin ni Dave ng bag niya "Ano ba!!?"

"May pagkain diyan,may chips at chocolate,buti nalang at nadala ko yang bag kanina" sabi niya sabay umupo sa couch

Binuksan ko kaagad ang bag at tinignan ang laman nun,may mga chips and chocolate nga!!

Kumuha ako ng nova at isang dairy milk,may isang chips pa,isa nalang

"Dave,oh,"hinagis ko sa kanya yung isang nova "hati nalang tayo dito sa chocolate ah" sabi ko at binuksan ang dairy milk

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon