28

286 16 0
                                    

LILY

Nakaakbay si Dave habang naglalakad kami papasok sa school,ayaw ko naman talagang nakaakbay siya sa'ken eh,kaso ang kulit eh,kaya hinayaan ko nalang

Napatingin naman ako kay Brian na may hawak hawak na chicharon bulaklak,napangiti naman kaagad ako,my favorite flower

"Brian,pahinge naman ako kahit isa lang please.."pagmamakaawa ko pa

"Sure thing babe"aniya at binigay lahat saken

"Yes salamat!!"kumawala ako sa pagkakaakbay ni Dave at niyakap si Brian

"You're welcome.."sabi niya at hinimas ang buhok ko

Napabitaw naman kaagad ako sa pagkakayakap ko kay Brian na may malakas na tikhim akong narinig

"Would you mind telling her who bought that flower at kung sino ang nagpapabigay niyan sa kanya?!"inis niyang tanong kay Brian

Tumawa naman kaagad si Brian at tumingin saken "Siya ang nagpapabigay sayo niyan" sabi niya habang tinuturo si Dave

Nagtaas naman ng kilay si Dave "So I believe na ako ang deserving sa yakap mo at hindi siya" pinagkrus niya ang mga braso niya sa dibdib niya

"Ah,S-salamat"nauutal kong sabi at kinakabahang ngumiti

"Salamat lang sa'ken?si Brian yakap?"reklamador talaga ang lalaking toh

"Pff..fine!"lumapit ako sa kanya at niyakap siya,naramdaman ko naman kaagad ang mga braso niya sa likod ko

"Tama na yan male-late na tayo" biglang sabi naman ni Bruce

"Selos ka lang"panunukso naman ni Brian at pabirong sinuntok si Bruce sa braso

"Hindi ah,naka move on na ako"mahinang sabi ni Bruce na nagpalala ng tawa ni Brian

"Kaya pala inaya mo'kong uminom kagabi!"tawang tawa pang sabi ni Brian

Teka?mag-inom?

"Tara na nga!!"halatang nainis si Bruce na pinagsasasabi ni Brian

Natawa naman ako sa mga kalokohan nila at umiling nalang

Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa'ken at hinalikan ang noo ko bago hinawakan si Brian sa bag niya at hinila siya papasok sa room

Napalunok naman agad ako bago umikot at tumingin kay Dave, halos matumba ako sa panginginig ng tuhod ko ng makita kong masama siyang nakatingin sa pinto ng room namin kung saan pumasok sina Bruce at Brian, habang nakatikom kamao

"D-Dave,h-"lumunok ulit ako"Halika na at male-late na t-tayo"hinawakan ko siya sa braso at sinubukan siyang hilain,pero matigas ang braso niya

Bigla siyang may kinuha sa bag niya at nakita kong isang panyo iyon,ano namang balak niyang gawin diyan?

"Come here"bigla niyang hinawakan ang pulsuan ko at pinunasan ang noo ko

"Ano bang ginagawa mo?"inis na tanong ko habang patuloy parin ang pagpunas niya sa noo ko

"Para matanggal ang germs ni Bruce" sabi niya at pinasok ulit sa bag niya ang panyo niya

"Grabe ka ah,alam mo napapansin ko na kaugali muna yung possessive boys sa wattpad" natatawa kong sabi sa kanya

"Nagbabasa ka ng stories ni cecelib?" nakataas kilay niyang tanong

"Ikaw mapanghusga ka,oo inaamin ko na nagbabasa ako ng stories niya,pero ini-skip ko naman yung mga mature contents, magaganda kasi yung plots ng story niya,pero promise,ini-skip ko talaga yung may mature contents, hindi naman ako kagaya ng iniisip mo" tumalikod ako at naglakad na palapit sa room namin

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon