68

230 12 0
                                    

LILY

"I did all those things because of my love for Bruce,I'm so sorry Lily, please sa'kin ka nalang magalit,'wag kang magalit kay Caleb,he came here for you,to see you again,he explained to me that he only comeback to clear things with you,because he wanted to be your friend again,and that's the thing I misunderstood."

Napatalikod ako sa kanya dahil hindi kona kayang itago ang sakit na nararamdaman ko,bumuhos ang mga luha ko na akala ko ay wala na sa sistema ko.

"Lily please,talk to me"may pagmamakaawa sa boses niya.

Napakagat labi ako bago siya nilingon, "Sorry,patawarin mo din sana ako sa ginawa ko,s-sa ginawa kong pag-away sa'yo,h-hindi ko k-kasi alam na ganoon pala ang pinagdaanan niyo, p-pero hindi r-rin naman kasi t-tama ang ginawa niyo s-sa'kin."

"I'm sorry.."paghagulhol niya,sa isang iglap ay yakap yakap na niya ako, may naramdaman ako sa loob ko,na ni minsan ay hindi ko naramdaman, pakiramdam ko ay yakap yakap si p-papa,tang ina!ano ba 'tong iniisip ko!iniwan na niya kami! "forgive me.. Forgive us.."

Niyakap ko siya pabalik,"gago ka, magpasalamat ka at mabait ako,kundi sinabunutan na ulit kita!"pabiro kong sabi sa kanya.

Mahina naman siyang natawa, "Sinugod muna nga ako eh,"tumawa ulit siya,"I guess 'yun yung mga kaya nating gawin para sa pag-ibig."

Pareho kaming natawa bago tuluyang naghiwalay,natatawang pinunas ang mga luha namin at matamis na ngumiti sa isa't isa,nagpapahayag ng kapatawaran sa isa't isa.

"Thank you,thank you thank you!" masayang niyang sabi at niyakap ulit ako saka humiwalay,"I'm sure Caleb will be relieved!"masaya niyang sabi at kinuha ang phone niya mula sa bulsa niya.

Sa hindi malamang kadahilanan, bigla akong nakaramdam ng kaba ng nawala ang ngiti niya sa labi,muling namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata niya habang ang mga mata niya ay pababa ng tingin sa phone niya na tila may binabasa.

Bigla siyang huminto at nanghihinang tumingala sakin,habang nagsisimula na namang tumulo ang mga luha niya, "A-amethyst?anong problema?" nag aalala kong tanong sa kanya.

Napahagulhol siya at umiling iling, "n-naaksidente si C-Caleb,h-he's in the o-operating room now..delekado daw ang lagag niya.."nagpatuloy siya sa kanyang pag-iyak,habang ako ay natulos at napako sa kinatatayuan ko.

N-naaksidente siya?

Panginoon ko,patawarin niyo po ako kung hindi ko muna inalam ang buong pangyayari,'wag niyo pong kunin sa'kin si Caleb.

"I-I have to go,I-I need to see him!" malakas siyang napahagulhol habang sinasabi iyon.

"Sasama ako!"pagpipresenta ko at nagmamadali siyang sinundan.

Diyos ko..karma ko ba toh kasi hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya? Panginoon kung karma ko toh patawarin niyo po sana ako sa mga kasalanang nagawa ko...

Habang tumatakbo kami ni Amethyst palapit sa kotse niya,kaagad kong hinugot ang cellphone ko mula sa bulsa ko at itinipa ang number ni Dave.

Pinindot ni Amethyst ang control ng kotse niya at kaagad din yung umilaw, binuksan niya kaagad yun,binuksan niya ang pinto sa shotgun seat kaya kaagad din akong pumasok habang nagnamadaling tinatawagan si Dave.

Puno ng paghikbi ang kotse,at halos paliparin na din ni Amethyst ang sasakyan sa bilis ng pagmamaneho niya.

Pagkatapos kong mahanap ang number ni Dave ay kaagad ko 'yung pinindot at tinawagan,sa ilang segundo lang ay sa wakas sumagot siya.

"Hey Lily babe,what's—"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita at kaagad na nagsalita.

"P-pumunta ka sa pinakamalapit na h-ospital mula dito sa school,pupunta kami d-doon ngayon.." pautal utal kong sabi dahil sa mga hikbing kumakawala sa'kin.

"Fck why?!what happened to you Lily babe?are you okey?are you hurt?were you inju-"

"A-ayos lang ako,p-pero si Caleb h-hindi,n-naaksidente siya.." paghugulhul ko habang nanginginig na din ang mga kamay ko.

Napamura siya bago sumagot ulit, "okey lily babe,I'm coming,take care,I love you"

"I l-love you"sagot ko bago ibinaba ang tawag.

"Lord God..'wag niyo po siyang kunin sa'kin" dinig kong bulong ni Amethyst habang nagmamaneho.

Sa mga oras na ito,pareho kami ng panalangin.

Lord alam kong naging makasarili ako nang hindi ko pakinggan ang paliwanag niya,patawarin niyo po ako...

'wag niyo po siyang kukunin samin, kaylangan ko pang humingi ng tawad sa kanya,gusto ko pang makasama ang lalaking yun..

Please Lord,'wag niyo po siyang kukunin samin...

Mas lalong lumakas ang hagulhul ni Amethyst habang palapit kami ng palapit sa hospital,kahit ako ay hindi ko mapigilang mapahagulhol.

Kaya nang makarating kami sa hospital ay kaagad niyang ipinara ang kotse,at mabilis pa sa alas kwatro, sabay kaming bumaba at tumakbo papasok,hindi na namin inalintana ang pagharang ng mga gwardiya at nilagpasan kaagad namin sila.

"Ma'am,who—"

"Caleb Villa Valdez"mabilis na sabi ni Amythest at hindi na pinatapos sa pagsasalita ang nasa front desk.

Kaagad na tumango nag nurse sa front desk at nagsimulang kalikutin ang records at tumawag sa telepono.

Pagkatapos ay kaagad niya iyong ibinaba at ngumiti,"sa operating room ma'am"tinuro niya ang kwarto na nasa gitna ng mga silid.

"Thank you"magkasabay naming sabi ni Amethyst at kaagad na tumakbo papuntang operating room.

Kahit ako ay nagtaka ng hindi kami ginawang harangin ng mga nurses sa paligid,lalo pa't kung nag-o-opera, dapat ay pinigilan nila kami.

Pero hindi na ako nag aksaya ng panahon at kaagad kaming pumasok sa kwartong tinuro ng nurse kanina.

Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko at ang pagtikom ng kamao ko ng makita ang lalaking nakahiga sa kama ng hospital habang may benda ang ulo at mga kamay.

Nagkatinginan kami ni Amethyst,ni isa sa amin ay hindi makagalaw sa kinatatayuan namin,parang na-glue sa sahig ang mga paa namin,nanatili lang kaming nakatitig sa lalaking nakahiga sa kama.

Nanghihina ngunit nakatikom kamao, pareho kaming napabulong,

"C-Caleb"

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon