30

273 14 0
                                    

LILY

Napatigil ako sa paglalakad ng may humawak sa braso ko,kaya nakakunot noo akong lumingon para tignan kung sino siya

"Anong kaylangan mong g*go ka?!" nakatikom kamao kong tanong sa kanya,kulang nalang at lumipad ang kamao ko papunta sa pagmumukha niya

"Lily wala kaming masamang ginagawa"pagpapaliwanag niya

Malakas ko namang hinila ang braso ko at tumingin sa kanya

"Alam ko"mahinang sabi ko at tumalikod ulit para umalis na sana pero biglang hinila niya ulit ako

"Wag kanang magalit babe"aniya at pinalibot ang mga braso niya sa'ken,saka mahigpit akong niyakap

"Hindi ako galit,naiinis lang, siguraduhin mo lang na hindi niyo ako pinagpupustahan ng mga tropa mo kundi humanda ka talaga saken" pagbabanta ko

Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at nalilitong tumingin saken

"Bakit naman namin gagawin yun?"tanong niya

"Eh kasi sa wattpad ganyan yan eh, pinagpupustahan nila ng tropa niya yung babae,kung sino ang unang makakapagpasagot sa babae siya ang panalo" napasimangot naman kaagad ako

Natawa naman siya at biglang hinalikan ang noo ko "Babe,sana magdahan-dahan ka sa pagbabasa ng wattpad okey?"aniya at yinakap muli ako

Umirap naman ako"Siguraduhin mo lang na hindi mo'ko lolokohing g*go ka" pagbabanta ko ulit sa kanya

"Don't worry babe,I promise cross my heart even if I die,ikaw lang ang mahal ko" nakangisi niyang sabi

"Siguraduhin mo lang"matalim ang tingin ko sa kanya habang sinasabi iyon

"Babe,bakit ganyan ka umarte? you're acting like a jealous girlfriend,and believe,gustong gusto ko kapag ganyan ka, pakiramdam ko girlfriend na k--" namilog ang mga mata niya sa gulat "No way..."parang gulat na gulat niyang sabi at sabay nun ay ang pagngiti niya

"Bakit ayaw mo?!"inis kong tanong sa kanya habang mahigpit na nakahawak sa bag ko

"That means....y-you're my g-girl-"

"Bakit ayaw mo?!"ulit ko sa tanong ko kanina

"Gusto!!"mabilis niyang sabi at biglang napayakap sa'ken "Yes yes yes!!!!"mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa'ken

Napakagat labi naman ako para pigilan ang ngiting gustong mabuo sa mga labi ko

"Tara date tayo!!"mabilis niyang sabi at hinawakan ang pulsuan ko sabay hila sa'ken

"Hoy!may pasok pa tayo mamaya!!" inis na sabi ko habang pilit na binabawi ang kamay ko mula aa pagkakahawak niya

"Mamaya pa naman"sabi niya habang patuloy ang paghila saken

Kilala ko ang g*gong toh,at alam ko na kung anong gusto niya,gusto niya na yun ang masunod,kaya hindi na ako makikipagtalo sa kanya dito,gutom na din ako eh

"Uy sa'n punta?!"napalingon naman kaagad ako kung saan nanggaling ang boses na iyon
"Sama kami!"sigaw ni Brian habang humahabol samin

Napansin ko din na mas bumibilis ang paglalakad ni Dave

"Tang*na kayo!!hindi kayo kasali sa date namin!!!" malakas na sigaw ni Dave

Napansin ko ang panglalaki mg mga mata ng mga estudyanteng nasa paligid namin

"Magde-date kayo?!G*go!mas lalo naming kaylangang sumama!!diba Bruce?!"sabay sinuntok ni Brian si Bruce sa balikat

"Oo nga nagugutom na din ako" mahinahon pero nakangising sabi ni Bruce na para bang nang aasar

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon