23

323 20 0
                                    

LILY

Buong magdamag akong hindi pinatulog ng narinig kong sinabi ni Dave,kainis naman kasi eh,hindi ko maintindihan kong totoong sinabi niya ba yun o guni-guni ko lang iyon

"Lutang tayo ah"

Napalingon naman ako kay Brian na kanina pa pinaglalaruan ang dulo ng buhok ko

"Tigilan mo sabi ang buhok ko!" inis na sabi ko at hinugot yung dulo ng buhok ko paalis sa kamay niya

"Shesh!don't tell me may regla ka padin?" nakangising tanong niya sinamaan ko naman siya ng tingin "joke lang toh naman" itinaas pa niya yung dalawang kamay niya sa ere

Inirapan ko siya at tumingin nalang sa hawak kong chicharon at bulaklak,na bigay ni Bruce at Dave

Napatingin naman ako kay Brian ng bigla siyang tumawa ng malakas na halos dinig na ata sa buong library

"Yung mga g*gong yun!!"sabay tawa ulit siya

"Anong nakakatawa?!"inis na tanong ko sa kanya

"Kasi diba sabi ko sa'yo kanina, kung sino ang magbibigay sayo ng paborito mong bulaklak,siya ang dapat para sa'yo,at ang paborito mong bulaklak ay chicharon bulaklak,kaya yan ang binigay nila sa'yo!chicharon.."tinuro niya ang hawak kong chicharon "at bulaklak!" sabay turo ulit siya sa hawak kong bulaklak at tawang tawa pa ang g*go

"Sshh!!"saway samin ng masungit na librarian

"Tumahimik ka nga!"pabulong kong sabi at hinampas siya sa braso

"Alam mo Lily,kung ako sa'yo, magpagawa ka ng task!kung sino ang unang maka suceed,siya sagutin mo!" advise pa niya at proud na proud na nagtaas noo

"Sira ulo kadin eh ano?!sabi kona nga din sa kanila na hindi ako nagpapaligaw eh!" inis na sabi ko at inilapag sa table ang chicharon at bulaklak

"Sus!umaasa ka padin dun kay Caleb noh?!"pangungulit niya pa

Sa loob na dalawang buwan na nakalipas,ang dami ng nalaman nitong lalaking toh sa'ken,kaming dalawa kasi palagi ang magkasama,medyo umiiwas nadin kasi ako kela Bruce at Dave,ayoko kasing maapektuhan ang pagkakaibigan nila dahil sa'ken

Sa nagdaang buwan kasi,hindi na kagaya ng dati sina Bruce at Dave, kung noon sabay sabay silang nagtatawanan,ngayon ay halos hindi na sila mag pansinan

"Wag ka ngang chismoso bwesit ka" inis na sabi ko at tumayo sabay kinuha ang librong binabasa ko

"Uy antayin mo naman ako!"sigaw niya habang papalabas ako ng library

"Sssshhh!!"saway naman ng librarian

Kasalanan toh ni Brian eh,ang ingay ingay!!

"Sa'n punta mo?friday ngayon, don't tell me magpapractice ka?" may pabirong ngiti pa sa labi niya

"Uuwi na kaagad ako,tapos na naman akong attendance eh"sabi ko habang pinapasok ang chicharon sa loob ng bag ko

"Seryoso Lily,sa kanilang dalawa, sino ang gusto mo?"tanong niya habang naka akbay sa'ken

"Wala"agad na sagot ko

"Ang harsh mo,I mean..kahit like manlang,sino sa kanila?"tanong niya ulit

Pareho ko silang like "Wala sabi" ulit ko sa sagot ko kanina

"Alam mo Lily,antalitalino mo sa klase pero antanga mo sa pag-ibig," pinukol ko naman siya ng masamang tingin "kasi nag aantay ka padin diyan sa childhood best friend mo samantala andami namang lalaking nagkakagusto sa'yo"

"Wala namang masama sa pag aantay ko ah"depensa kopa

"Anong walang masama?!tignan mo nga sina Dave at Bruce!pareho mo silang nasasaktan,nasasaktan mo din ang sarili mo dahil hindi mo matanggap sa sarili mo na hindi na talaga babalik ang Caleb na yan at sa tingin ko kinalimutan kana talaga niya,kasi kung may balak siyang bumalik,ede sana nag text o tumawag manlang siya,kung wala siyang number mo ede sana in-add ka nalang niya sa facebook at chinat ka niya,kaso hindi eh,kaya ano pang naging basihan mo na babalik pa siya?!"

"N-nangako siya eh"ang nanlulumo kopang sagot

"Alam mo Lil..marami na ang mga pangakong di na natutupad uy! twenty one na!" pang aasar pa niya

"Sa tingin mo kaylangan ko ngag move on sa kanya?"tanong ko

Malakas naman siyang tumawa na mas nakairita pa saken "Hindi lang sa tingin!DAPAT lang na mag move on kana,dude!it has been years!!"

"Siguro nga"

Yun na ang huli naming paguusap bago ako umuwi ng bahay

"Nak,ayos kalang?"biglang tanong ni mama sa'ken habang kumakain ako

"Ma,sa tingin mo ba kaylangan ko pang hintayin si Caleb?"tanong ko

Napatigil naman si mama sa pagsubo ng kinakain niya,inilapag niya ang kutsara at tinidor saka tumayo at may puting envelope na kinuha mula sa taas ng cabinet namin

"Ano yan ma?"tanong ko

Binuksan naman ni mama ang envelope at inabot sa'ken ang isang malaking puting papel

"Ano toh ma?"imbes na basahin ko ay nagawa kopa talagang mag tanong

"Pinadala yang sulat nayan ni Caleb"

Kaya pala,kaya pala parang napaso ako ng iabot iyon sa akin ni mama, galing pala sakanya

"Ah,m-mamaya ko nalang po babasahin ma" pinilit ko ang sarili kong ngumiti

Tiniklop ko ulit ang sulat at itinabi muna,pinilit ko ang sarili kong kuhanin muli ang kutsara't tinidor at kumain

"Nak,may mga picture din pala dito"inabot sa'ken ni mama ang envelope

"Lapag mo nalang ma diyan" yun nalang ang sinabi ko at minadaling kainin ang natitira kong pagkain

Ginawa naman ni mama ang sinabi ko,itinabi niya ang envelope sa tabi ng sulat

Tahimik lang akong kumain, ginawa ko ang best ko para lang hindi ako maiyak sa harap ng pagkain

Nang matapos akong kumain ay inilagay ko kaagad ang pinagkainan ko sa lababo,ang sabi ko kay mama ay matutulog na ako at bukas nalang ako maghuhugas

Kinuha ko kaagada ang envelope at ang sulat saka pasimpleng umakyat sa kwarto,pagkarating ko ay agad ko iyong ni-lock

Inihilata ko na agad ang emvelope at ang nakatiklop na sulat sa ibabaw ng kama ko

Hindi kopa mga nababasa ang sulat ay ramdam kona kaagad ang hapdi ng puso ko

Hindi ko alam kung bakit,siguro dahil matagal lang akong nag antay na bumalik siya,tapos ang dadating ay sulat lang at mga litrato?

Paano niya nagawa saken toh?mahigit siyam na taon na akong nag aantay na bumalik siya,hindi ba manlang niya naiisip kung anong mararamdaman ko?

Pinulot ko ang sulat,at napakagat labi ako kasunod ay ang sunod sunod na pagtulo ng luha ko ng mabasa ko ang unang sulat na nakalagay sa ibabaw ng nakatiklop na sulat

Hi Lil,I miss you but..I think hindi na ako makakbalik..I hope you understand

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon