06

557 25 0
                                    

Chapter 6

"Give us your number." Utos ni Dave sabay abot ng cellphone niya sa'kin,at ganoon din ang ginawa ng dalawa pa niyang kasama,si Brian at Bruce.

"Ayoko,"maikling sagot ko sabay tumalikod sa kanila habang nakahawak sa straps ng bag ko.

Hindi pa ako nakakalimang hakbang nang bigla nalang akong naibalik sa pinanggalingan ko ng biglang may humatak sa bag ko.

Napakunot noo naman ako at tumingin sa likuran ko,"Ano ba!" bulyaw ko sa kanila.

"I said give us your number." Pag-uulit pa ni Dave.

Alam kong hindi ako mananalo dito, kaya naman una kong kinuha ang phone ni Brian at nilagay ang number ko,at kasunod naman ay ang cellphone ni Bruce.

Pagkatapos ay ibinalik ko kaagad sa kanila ang kanilang cellphones, napansin ko na parang nagpipigil sila pareho ng tawa,lobong-lobo na ang mga pisngi nila at namumula ang mga mukha.

Napansin ko din na may papel silang pinagkakaabalahang tignan,at iyong papel ay pamilyar sa'kin,kailangan ko kaya 'yan nakita?

Ah...ewan!

Tumalikod na ulit ako para umalis na sana,pero bago ulit ako makahakbang palayo,hinila na naman ang bag ko dahilan para kasabay na mahatak ang katawan ko.

Kunot noo akong tumingin ulit sa likod,"Ano?!"galit kong sigaw nang makitang si Dave na naman.

"I said give US your number." Ulit niya pa sa sinabi niya kanina,at diniinan pa talaga ang US.

Pinaikot ko ang mga mata ko.

As if naman ibibigay ko ang number ko sa'yo,baka kung ano-anong kalokohan ang i-send mo sa'kin e.

"Hingin mo nalang sa kanila." Pagmamatigas ko pa.

Tumalikod na ulit ako,pero gaya ng nangyari kanina,hinila na naman ako.

"Ano ba?!" Gigil kong sigaw kay Dave.

Nanatiling walang reaksyon ang mukha niya,pero may pagbabanta ang mga tingin niya,"I said put your number on my phone."

Sa mga oras na 'to,wala akong ibang gustong gawin kun'di pilipitin ang leeg niya.

Ang kulit e!Sabi ng hingin nalang sa kanila e!

"At sabi ko rin hingin mo nalang sa kanila."nakataas kilay kong saad sa kanya.

Akmang tatalikod na ako pero hindi kona natuloy nang bigla siyang magsalita,"Hihilain ko ulit ang cheap na bag mo kapag sinubukan mo ulit na tumalikod." Pagbabanta niya pa.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa katigasan ng ulo niya.

Peke akong ngumiti,"Okey,"kinuha ko ang inaabot niyang cellphone sa'kin.

Pagpindot ko pala ng power button, halos matunaw na agad ako ng makita ko ang wallpaper niya kasabay ng panlalaki ng mga mata ko.

Isang babae na masayang nakangiti habang naliligo sa dagat,nakalugay ang buhok niya at nakasuot ng two piece,red na bra at panty.

Napalunok ako nang makilala ang babaeng nasa picture,ako 'yon.

Napalunok ako kasabay ng pagbalewala ko muna sa wallpaper niya.

Pinindot ko kaagad ang contacts,at doon nilagay ang cellphone number ko.

Pagkatapos ay nagmamadali kong ibinalik sa kanya ang cellphone niya.

Ramdam ko ang sobrang pag-iinit ng pisngi ko,nanginginig din ang tuhod ko ng iabot ko sa kanya ng telepono niya.

"Good girl,"dinig kong pabulong niyang sabi sabay ginulo ang buhok ko.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon