41

210 12 0
                                    

LILY

"Lily,makinig ka naman sa'ken.."  pakiusap ni Dave pero patuloy parin akong naglakad ng mabilis
"Lily please.."pagmamakaawa pa niya habang patuloy na sinusubukang hawaka ang kamay ko

Dahil sa sobrang irita,ay tumigil ako sa paglalakad at kaagad na lumingon sa kanya

"Sige,magsalita ka"sabi ko habang walag emosyon sa mukhang nakatingin sa kanya

"L-Lily..e-emergency kasi.." nauutal niyang sabi

"Emergency?anong emergency?" nakataas kilay kong tanong

"S-si Amethyst kasi.."halata ang pag alangan sa boses niya habang sinasabi ang mga katagang iyon

"Ano si Amethyst?naaksidente? Nabangga ng ten wheeler na track?nahulog sa bangin at nagkalasog lasog ang katawan? Nalunod sa ilog at kinain ng pating ang katawan kaya hindi niyo mahanap at natagalan ka?o kaya naman nilunok ng malaking ahas? O kaya naman kinid-nap at humingi ng ranson?ni-rape? Natamaan ng ligaw na bala?ano?!"

Halata ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa mga sinabi ko, hindi ko siya masisisi,dahil miske ako ay nagulat sa mga pinagsasasabi ko, pero hindi ako nagsisisi na sinabi ko yun

Napataas kilay ako"Ano?!wala kang sasabihin?!"sigaw ko

Napakurap naman siya na tila ba nagising mula sa panaginip

"Don't think like that.."

"So ano nga?kung ayaw mong mag isip ako ng masama,sabihin mo?! Anong emergency yan?!ha?!"  kulang nalang ay sampalin ko siya sa pagmumukha

"B-buntis siya,kinailangan ko siyang bantayan kasi wala pa si tita"

Agad na nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya,hindi ko alam pero dapat ay naiintindihan ko siya, pero bakit ang sakit?ang sakit sakit?!

"P-paano siya nabuntis?s-sino ang ama ng baby niya?" hindi kona pinigilan ang sarili kong magtanong

"H-hindi niya sinasabi"sagot niya habang nakatungo

Tumango tango naman ako "Okey, I understand"sabi ko saka tumalikod sa kanya at naglakad ulit

Nang makatalikod ako ay doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko,mga luha na hindi ko inaasahang nasa loob pala ng mga mata ko.

Dapat naiintindihan ko siya eh, buntis ang hinayupak na Amethyst na yun,dapat naiintindihan ko siya eh.

Pero bakit?hindi ko maintindihan, ang sakit sakit parin,kumikirot ang puso ko,lalo pa't alam ko na inuna niya si Amethyst kesa sa'ken.

Agad kong pinahid ang mga luha ko,hindi..hindi ako ganito lintik! Hindi ako iyakin!!

HINDI AKO IIYAK!

Sabi ko sa sarili ko,pero patuloy parin na naiipon ang mga luha sa mga mata ko,pinilit ko ang sarili kong hindi kumurap,dahil sigurado ako na kapag ginawa ko iyon,ay kaagad na tutulo ang mga luha sa mata ko.

"Lily" boses iyon ni Bruce at Brian, agad akong lumingon sa kanila, at agad na dumiretso kay Brian at agad na yumakap sa kanya at humagulhol ng iyak

"Sshh,'wag ka ditong umiyak, nagmumukha kang baby"aniya at tumawa pa ang gago

Pabiro ko naman siyang sinuntok sa dibdib,pareho naman silang tumawa

"Tara"dinig kong sabi ni Bruce

Naramdaman ko naman ang paghaplos ni Brian sa buhok ko, at ang paggiya niya sa akin sa paglalakad,at sumunod naman ako.

Narealize ko nalang na nasa loob na pala ako ng isang kotse,habang nakayakap parin kay Brian

"Sshh,tahan na,gusto mo suntukin ko siya para sa'yo?" pabiro namang tanong ni Brian habang hinahaplos ang buhok ko

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon