35

233 14 0
                                    

LILY

Andito ako ngayon sa loob ng sasakyan ni Dave,ayaw ko nama sanang magpahatid sa kanya eh, kaso binuhat niya ako at pinasok sa kotse niya,kaya sumakay nalang ako

Buong araw kong pinigilan ang sarili kong pansinin siya,pati sina Brian at Bruce,mga busy din kasi sila sa mga buhay buhay nila eh

Panigurado pagkauwi ko mamaya, iiyak na naman ako,kasi pagsasabihan na naman ako ni mama,oo hindi siya nananakit ng physical,pero pagdating sa feellings,yes na yes,basta,bahala na,ihahanda ko nalang ang sarili kong umiyak

Napatingin ako kay Dave ng bigla niyang iparada ang kotse,wala pa kami sa bahay,ba't huminto agad siya?!

"Dave ano ba naman?!kaylangan ko ng umuwi!!" sigaw ko at sinubukan pang buksan ang pinto ng kotse,pero huli na dahil nai lock na pala niya ito

Bumuntong hininga ako at naiinis na tinadyakan ang lintik na pinto ng kotse niya,wala akong pakialam kung mamahalin toh!

"Lily what the fck!"hinawakan niya ang dalawa kong binti para pigilan ang pangtatadyak ko sa kotse niya,pero nagpumiglas ako
"Fck!!"mura niya ng aksidente ko siyang masipa sa mukha

Napatigil naman kaagad ako "S-sorry,ikaw kasi!!sinabi ko ng gusto ko na agad na umuwi eh!!" inis kong sabi habang alalang hinawakan ang pisnge niya tinamaan ng sapatos ko, namumula na yung pisnge niya.

"Mag usap muna tayo babe ko, mahal na mahal kita,ayokong nagagalit ka sa'ken,hindi ko magawang makapag focus sa kahit na anong ginagawa ko kapag alam kong galit ka sa'ken,halos mabaliw ako kakaisip kung paano makakabawi sa'yo at kung pa'no ka susuyuin,sorry na babe ko, promise sa susunod isang suntok lang yung ibibigay ko sa kanya.."

Ewan pero parang nagpakawala siya ng spell sa'ken dahil bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko,at parang yung inis na nararamdaman ko sa kanya ay biglang nawala,lintik naman kasi 'yanh pagmumukha niya eh!!'di ko matiis!!

"Bati na tayo.."Napalunok ako ng bigla siyang humiga sa mga hita ko at pinalibot ang mga braso sa bewang ko saka sinubsob ang mukha niya sa tiyan ko

Puny*ta toh ah!!

"Sorry na..mahal na mahal kita, may emergency lang kasi talaga kaya 'di ako nakapunta sa inyo kahapon,sorry kasi nabugbug ko yung hinayupak na Caleb na 'yun, hinalikan ka kasi niya eh!!dapat kasi ako lang ang hahalik sa'yo! sorry na..bati na tayo please.." parang bata niyang sabi habang nakasubsub parin ang mukha sa tiyan ko

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago hinaplos ang buhok niya "D-dapat kasi nag text ka sa'ken na hindi ka pala pupunta,p-para hindi na kami nag abala pang magluto para s-sa'yo" pinigilan ko ang sarili kong maiyak dahil kumikirot na naman yung puso ko

"Sorry na babe ko...papunta na talaga kasi ako dapat dito eh,kaso tinawagan ako ni mommy na sunduin ko daw si Amethyst sa airport"

Napatigil ako sa paghaplos sa buhok niya ng marinig ko ang pangalang Amethyst,si Amethyst?

"Y-yun ba yung babaeng nagalit kanina at sinisi ako na nabugbog si Caleb?" tanong ko

Tumingalan naman siya saken "Oo, pasensiya kana sa inasta niya ah, ganun kasi talaga yun pagdating sa mga kaibigan niya,pero kapag nagkakilala kayo,magkakasundo talaga kayo"

Paano niya nalamang magkaibigan sina Amethyst at Caleb?

"Magkakilala na kayo ni Caleb?" tanong ko sa kanya,habang palala ng palala ang sakit at kirot sa puso ko,pinili kong 'wag umiyak

"Kanina hindi pa,kaya nga nabugbug ko siya eh,pero pagkatapos nun kwenento sa'ken ni Amethyst na siya daw yung naging isa pa niyang bestfriend sa States,kaya pala nagalit siya sa ginawa ko"

Tinanggal ko ang kamay ko na nasa buhok niya "Magkaibigan din kayo ni Amethyst?" tanong ko

"Oo,kaso nung mag grade 8 siya, lumipat na sila sa States" pagpapaliwanag niya

"Ah,t-tapos?" bakit pa siya bumalik?!

"Nagkaroon parin kami ng connection through internet,pero nung mag grade twelve,hindi na masyado"

"A-ah..b-ba't siya bumalik?" tanong ko

Bigla namang napaluwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko "A-ah,magbabakasyon daw eh" tumawa naman siya

"Ah,kelan sila babalik?"

Bigla naman niya hinalikan ang tiyan ko dahilan para mapasinghap ako

"Hindi ko alam" umayos siya ng upo at hinalikan ang noo ko "Bati naba tayo ulit babe ko?promise magpapaliwanag din ako kay tita, kahit anong sabihin mo gagawin ko basta hindi ka lang magalit sa'ken,kung gusto mo magiig-"

"Hep!" pagpapatahimik ko sa kanya "Hindi mo kaylangang gawin ang kahit ani except sa maging loyal ka sa'ken,y-yun lang naman ang gusto ko eh,may tiwala naman ako sa'yo" ngumiti ako

Ngumiti naman siya pabalik at hinalikan ang magkabilang pisnge ko,ang noo ko at ang labi ko, ilang sigundo din ang lumipas bago humiwalay ang mga labi niya sa mga labi ko

"I love you" bulong niya sa pagitan ng aming mga labi

"I trust you" balik ko naman sa kanya

"I will take care of your trust,I will never break the trust that you gave me" aniya at hinalikan ulit ako sa noo

"Salamat"sabi ko bago isinandal ang ulo ko sa dibdib niya

"Babe"tawag niya

Tumingala naman ako at sinalubong ang tingin niya "Hm?"

"Promise me,kapag may nagtangka sayong humalik ulit,please suntukin mo,o kaya naman tuhurin mo"

Natawa naman ako bago tumango tango "Yes sir" mahina kong sabi na napangiti din sa kanya

"Ang hot mo" aniya at hinalikan ulit ang noo ko "Ang swerte ko talaga sa'yo,bukod sa maganda at sexy at matalino at magaling magluto at matapang,mabait pa"

Natawa naman ulit ako "Wag muna akong bulahin,sabi ko bati na tayo,kaya hindi muna kaylangang gawin 'yan"

Tumawa naman siya bago tinanggal ang seatbuilt ko at hinawakan ang magkabila kong bewang saja binuha at pinaupo sa mga hita niya

"Mahal na mahal kita,sobra.." aniya habang sinisiksik ang ulo sa leeg ko

"Oo na.." nakakainis talaga ang g agong toh!

"Magpapaliwanag ako kay tita" aniya habang nakayakap parin sa akin

"Wag na"

"Magpapaliwanag ako,baka magalit si tita sa'yo eh,tsaka alam ko ring galit si tita sa'ken,kaya magsosorry ako,para lumakas ulit ako sa kanya"

"G ago ka talaga" sabay kaming tumawa

"Hindi na nga masyado eh,binago mo kasi ako"

Nag iwas naman kaagad ako ng tingin,para itago ang ngiting lumalabas sa bibig ko ay tinakpan ko ang mukha ko ng buhok ko

"Hey.." hinawi niya ang buhok ko "You look beautiful when you blush,don't cover your face okey?"

"O-okey" sagot ko

"That's my good girl"aniya at hinalikan ang noo ko

"And that's my badboy.."ganti ko bago yinakap siya ng mahigpit

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon