70

360 13 0
                                    

LILY

"I guess you really did fall for mister badboy" pangtutukso ni Amythest habang pinapanood namin ang apat na parang mga bata na nag-aagawan ng bola.

Mahina akong tumawa at tumango tango,"Siguro,wala na kasi akong choice"pagbibiro ko pa at sabay naman kaming tumawa.

Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang magkapatawaran kami, dahil sa sayang nararamdaman ko, hindi kona namalayan ang takbo ng panahon.

"Aalis naba talaga kayo?"tanong ko kay Amythest habang malayo siyang nakatingin.

Isang linggo na mula ng matapos ang graduation namin,  naging summa cum laude ako,at cum laude naman sila Amethyst,Bruce, Brian,Caleb at kahit si Dave!kahit ako hindi makapaniwala,summa!!

Pero 'yung saya na 'yun,nawala kaagad 'yun nang pagkatapos ng graduation ay sinabi sa'min nila Caleb na babalik na daw sila sa US.

"Yeah,we already decided,tsaka sila Daddy rin kasi yung nag suggest na bumalik na daw ako sa States at isama ko si Caleb,they said they want to meet and know him"malapad siyang ngumiti.

Mahina akong natawa at umiling-iling,"Hindi na ba kayo babalik dito?"tanong ko sa kanya.

"I don't know"

At sa mga salita niyang 'yun,kumirot kaagad ang puso ko,kaagad akong nagbaba ng tingin,dahil kumikirot ang puso ko.

Dahil sa loob ng dalawang buwan ay naging malapit na ulit kami bilang magkakaibigan,kaya ang sakit na isipin na aalis na sila bukas.

"Hey.."inakbayan niya ako,"you're about to cry?"malambing na tanong ni Amythest.

"Hindi!"depensa ko,pero ang totoo ay pinipigilan ko ang nga luha kong tumulo mula sa mga mata ko.

Tumawa naman siya at mahigpit akong niyakap,"Don't worry,we will visit here sometimes,kapag may time kami"paliwanag niya.

"Okey sabi mo eh,"tumalikod ako sa kanya at pinunas ang luha na akmang tutulo,humarap ulit ako sa kanya, "seryoso na talaga kayo sa isa't isa noh?"tanong ko sa kanya.

Hindi ko parin talaga matanggap na aalis na sila,ang dami naming pinagdaanan bago magkasundo sundo ulit,tapos aalis na kaagad sila? Nakakainis!

Tapos hindi rin ma-process ng utak ko ang sinabi nilang plano nila pagkatapos nilang grumaduate, magpapakasal sila! Can yoi believe it?!

Magse-second year college palang sila pero pina-plano na kaagad nila ang gagawin nila pagkatapos nilang grumaduate in the future.

"Yes,marami na kaming pinagdaanan ni Caleb,"mapait siyang ngumiti at tumingin sa'kin,"mula pagkabata namin hanggang ngayon,hindi kona mabilang ang mga pagsubok na pinagdaanan namin,and look at us now,we're still strong,together."

Mahina akong natawa at tumango tango,"Alagaan mo 'yang si Caleb ah, kapag talaga niloko mo lang 'yan babyahe talaga ako papunta dun para lang sabunutan ka"pagbabanta ko.

Pareho naman kaming tumawa.

"BABE!"

Napatingin kami saa pinanggalingan ng boses at nakitang si Dave ay dinadaganan ng tatlo habang pilit na inaagaw ang bola sa kanya.

"Babe help me!!!"sigaw niya,"they're gonna get the ball lily babe!"sigaw niya ulit habang mahigpit na nakayapos sa bola.

Nandito kasi kami sa resort nila Brian,naglalaro sila ng volleyball,pero dahil parang mga bata sila,naging agawan ng bola ang laro nila,at kung sino daw ang makakuha ng bola,siya daw ang pinakagwapo. Mga bata talaga.

Tumatawang umiling kami ni Amythest at tumayo sa buhangin, pinagpag namin ang puwetan ng shorts na suot namin para tanggalin ang buhangin.

"Tara na!Let's eat!I'm hungry!"sigaw ni Amythest sa kanila.

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon