31

235 15 0
                                    

LILY

Magi-isang buwan na ang nakalipas magmula ng naging kami ni Dave, sa loob ng dalawang linngo na yun,puro kasiyahan ang naramdanan ko

Pero ngayon,sobrang kinakabahan ako,pakiramdam ko ay nagju- jugging ata yung puso ko,ganun naba ako kataba para papatayin na niya sarili niya?hmp!

"Nak"

Napalingon naman agad ako kay mama na naghihiwa ng mga gulay na lulutuin niya para daw kay Dave

Yes,para kay Dave,dahil nung araw din mismo na naging kami,at sinabi ko kaagad kay mama na kami na,ayaw ko kasing naglihim sa kanya

Pero ngayon,parang nagsisisi na ako,kasi kagabi,kinausap niya ako at sinabi niyang gusto niya raw makausap si Dave,at pinatawagan niya siya saken si Dave at pinasabi na pinapapunta siy dito ni mama

And take note!!habanh nag uusap kami ni Dave,naka loud speaker yung phone at nakikinig si mama, para daw kasi isigurado na hindi ako nagpapalusot

At simula kagabi,ay naging ganito na ang puso ko,hindi na siya mapakali

"Nak relax ka lang,di ko naman kakainin 'yang si Dave eh" sabay tawa pang sabi ni mama

"Ma naman kasi eh,ambilis naman, 'di po ba pwedeng after 1 year nalang?kinakabahan talaga ako eh" reklamo ko pa kay mama habang tumutulong sa paghihiwa

"Asus!nahiya kapa sa'ken,tsaka kilala ko naman 'yang Dave na yan eh,kaya 'wag kang mag alala nak, hindi ko kayo paghihiwalayin" sabay tawa naman si mama

Nanahimik nalang ako at nagpatuloy lang sa paghahati ng mga gulay

Sana maging okey mamaya,diyos ko daig ko pa ang bibitayin sa sobrang kaba!

Sana lang maging okey ang lahat, teka?ba't ba ako alalang alala? tss...ganun ba'ko ka inlove sa g*gong yun?

Nakaupo ako dito sa sofa, habang kinakabahang pinaglalaruan ang mga daliri ko

Napabaling ang atensiyon ko sa pinto ng may marinig akong katok, siya na ba yan?yeah,siya nga yan

"Pasok k-"naputol ang sasabihin ko ng imbes si Dave,ay ibang tao ang nakatayo ngayon sa harap ng pintuan namin

"Hi Lil,musta?" nakangiti niyang sabi

Halos mahulog ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon,siya yun,siya
yung lalaking nasa picture na pinadala ni..

"C-Caleb?" nauutal kong tanong at mabilis na napaatras

"Hi Lil,namiss kita" aniya at mabilis akong niyakap

Si C-Caleb?bumalik na siya?bakit? bakit pa?!

Kumawala ako sa pagkakayakap niya"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang pinipigilan ang sarili kong mga luha na tumulo galing sa mga mata ko

"I came back for you,sabi ko kay Dad na dito na ako mag-aaral,gusto ulit kitang makasama eh,why?" puno ng pagtataka ang tanong niya

At ano daw?he came back for me? ansarap niyang suntukin sa pagmumukha

"A-ah,okey,"sumilip ako sa labas para tignan kung nandiyan na si Dave,pero imbes na tao,isang sports car ang nakita kong nakaparada sa harap ng bahay namin

Sa kanya ba yan?

"Ang ganda noh?"tanong niya sabay akbay sa'ken at tumingin din sa kotseng nasa labas

Feeling close.

"Oo"sabi ko sabay inalis yung braso niya sa pagkakaakbay sa'ken

"Uy,Lil naman,'di kaba masaya na andito na ulit ako?"tanong niya habang sumasabay ng lakad sa'ken papuntang kusina

"Hindi"bulong ko sa sarili ko

Nang makita ko si mama,agad akong lumapit sa kanya

"C-Caleb?"gulat na tanong ni mama sabay tinuro si Caleb

"Opo" maikling sagot ko

"Naku diyos ko!anlaki mo na ah!" masaya namang sabi ni mama at lumapit sa kanya at lumakad paikot kay Caleb na para bang sinusuri niya siya

"Hi tita,kamusta po?"tanong niya at nagmano pa kay mama

"Naku hijo!anlaki muna!mas matangkad kana sa'ken,dati-rati ang bangot bangot mo pa" tumatawa namang sabi ni mama

"Tita naman.."halata ang hiya sa mukha ni Caleb dahil sa sinabi ni mama

Napabuntong hininga naman ako, aalis na sana ako sa kusina,pero biglang tumunog ang phone ko na nasa ibabaw ng mesa

Tumingin kaagad ako roon at dinampot yun

1 message from Dave koh

Napangiti naman agad ako nang mabasa ko ang nickname niya, at syempre hindi ako tanga para maglagay ng nickname na yan, si Dave mismo naglagay niyan

Hey babe,sorry 'di muna ako makakapunta,may emergecy kasi talaga eh,hope you understand, babawi ako next time

Mapait naman akong napangiti sa message niya,hindi ko alam sa sarili ko,pero alam ko na ngang emergency,bakit kumikirot parin yung puso ko?

Dapat naiintindihan ko toh kasi emergency,alangan namang nasa akin lagi yung atensiyon niya diba?

Bumuntong hininga ako bago nag reply

Okey sigi,ingat ka♡

Nilagyan ko nalang ng heart para hindi halatang nasasaktan ako, kasi wala naman akong dapat na ikasait eh,emergency daw eh,so.. yeah

Ipinasok ko nalang yung phone ko sa bulsa ng palda ko,tumingin ako kela mama na ngayon ay nakaupo na sa may sala habang masayang nagki-kwentuhan

Sana kagaya din ako ni mama, kayang umarteng wala lang yung nangyari,

Napagdisisyonan ko nalang na umakyat nalang sa kwarto ko at matulog,paggising ko wala na toh

"Nak sandali!"dinig kong tawag ni mama

Napatigil ako sa paglalakad paakyat ng hagdan at tumingin nalang kay mama

"Po?"sagot ko naman

"Asan na si Dave?"tanong niya at tumingin sa orasan na nakadikit sa pader namin

Mapait naman akong napangiti "Hind po siya makakapunta, may emergency daw kasi" pagpapaliwanag ko naman

"Naku!sayang naman yang niluto nati--ay hindi pala,andito naman si Caleb,Caleb dito kana mag hapunan" pag-aaya naman ni mama kay Caleb

Teka ano?!

"Sige po,namimiss kona rin po ang luto niyo" aniya at tumawa pa

Ang gwapo parin niya..pero 'di hamak naman na mas gwapo si Davw,wait?!bakit koba kasi sila kinukompara?!

"Nak sabayan muna kami" pag aaya ni mama

Umiling naman ako "Wala na po akong gana ma,sigi po ma, akyat na muna ako sa kwarto" sabi ko at umakyat na sa hagdan

Nang papasok na ako sa kwarto ko,bigla kong narinig ang boses ni mama kaya napatigil naman ako sa paglalakad

"Pasensiya kana Caleb ah, wala lang talaga siya sa mood ngayon" sabi naman ni mama

Ba't pa siya nagpapaliwanag sa lalaking yan?!

"Ayos lang po,pero tita,sino po si Dave?"tanong naman ni Caleb

"Ah,boyfriend niya.."pagki-kwento naman ni mama at narinig kona ang tunog ng kutsara at mga plato, kaya I guess nasa kusina na sila

"Ah"yun lang ang narinig kong sagot ni Caleb

Napakunot noo naman agad ako bago pumasok sa kwarto ko at padabog na sinara yung pinto.

Bahala siya sa buhay niya

————————————————————————————————————————————————

Votes,Comments and follows are highly appreciated po! Also,do message me if you want. I reply quickly! Thank you for reading bb's!

Falling For Mister Badboy (Falling Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon