Chapter 2

13.5K 471 72
                                    


Autumn

"Masaya akong makita kang muli Miss Autumn," bati sa akin ni Tatay Carlo pagkalapit ko sa pwesto nya dito sa transit lounge nitong airport.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ito. Hindi pa rin sya nagbabago, hanggang ngayon yun pa din ang tawag nya sa akin.

"Autumn na lang po. Masyado pong pormal kapag ikaw ang tumatawag sa akin ng ganon." napailing ito dahil sa sinabi ko.

Matagal na din itong naninilbihan sa amin kasama ang asawa nya. Sa sobrang tagal itinuring ko na silang myembro ng pamilya. Sina lola na din ang nagpa'aral sa dalawa nilang anak.

Nakapagtapos na ang panganay ng mga ito, habang ang pangalawa naman na ka'edaran ko lang ay malapit na ding magtapos sa kolehiyo.

"Hindi ka pa rin nagbabagong bata ka. Masyado ka pa ding mapagkumbaba hanggang ngayon."

"Wala naman po kasing dapat ipagmayabang." malumanay kong sagot sa kanya bago umupo sa tabi nya habang inuunat ang mga binti ko.

Nakakapagod din kasing umupo at tumunganga ng ilang oras sa byahe.

"Umuwi na tayo upang makapaahinga kana. Akin na iyang dala mo."

Agad ko itong pinigilan ng akma na sana nitong kukunin ang dalang kong maleta.

"Ako na po tay. Hindi dapat nagbubuhat ng mabibigat ang mga matatanda." pagbibiro ko sa kanya.

He's already fifty-four years old pero ayaw pa din nitong magpa'awat sa pagtatrabaho. Pinatigil na ito ni kuya Troy, yung panganay nyang anak, pero hindi ito nakinig.

"Ganon na ba ako katanda sa paningin mo?" parang nagdadamdam pang tanong nito na ikinatawa ko ng mahina.

"Biro lang 'tay. Pero dapat nasa bahay kana lang ngayon. Ba't ba kasi nagpapakapagod pa kayong magtrabaho gayong wala na naman kayong anak na maliliit. Si kuya Troy na nga din mismo ang nagsasabi 'non."

I'm just curious. Ganap ng attorney si kuya Troy at may kaya na sila sa buhay pero mas pinili pa din ng mag'asawa na manatili sa amin.

"Utang na loob ko sa pamilya nyo kung ano ang narating ng mga anak ko sa buhay. Hindi ito mangyayari kung 'di dahil sa kabaitan nyo. Kaya kahit anong mangyari, mananatili kaming tapat sa inyo." parang hinaplos ang puso ko dahil sa sinseridad sa boses nito.

"Deserve nyo po iyon 'tay. Wala po kayong dapat ikatanaw na utang na loob dahil pinagtrabahuan nyo naman lahat ng iyon. Dapat ini'enjoy nyo na lang ni 'nay Marta ang buhay. Hindi yung nagpapakahirap pa kayong magtrabaho." litanya ko bago tumayo mula sa pagkakaupo.

"Saka na ako aalis sa puder nyo kapag may ipinakilala kana sa amin." pilyo itong ngumisi sa akin.

"Huwag nyo ng hintayin. Baka po maghintay lang kayo sa wala 'tay." nakasimangot kong sagot bago hinila ang maleta palabas ng airport.

Natatawa lang itong nakasunod sa akin, marahil dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ko.

Kapag matatanda talaga ang kausap mo, love life mo agad ang hinahanapan nila ng butas. Asar!

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now