Chapter 17

9.8K 432 24
                                    


Autumn

"Kailan ka pa dumating dito?" kunot ang noo kong tanong sa babaeng ito.

She texted me early in the morning at sinabing gusto daw nyang makipagkita sa akin. Nagulat pa ako ng sabihin nyang nandito na sya sa pilipinas. Mabuti na lang sabado ngayon kaya ayos lang na gumala.

"Yesterday lang po." nangingiting sagot nya na syang ikinataas ng kilay ko bago humalukipkip sa harapan nya.

"At hindi mo man lang agad sinabi sa akin?"

Ngumuso ito bago patagilid na yumakap sa aking baywang, "Sorry na beshy. Aside kay Mom, gusto din kitang sorpresahin. So, surprise!" natawa pa ito sa sarili nyang kalokohan.

"Surprise my ass, Farah Lopez! Ang sarap mong hambalusin nitong hawak kong baseball bat."

Nandito kami ngayon sa isang sikat na mall. Nagpapasama itong mamili ng sports equipment para sa pamangkin nyang baseball player. Ako daw ang naisipan nyang isama dahil may alam ako sa mga ganito which is true.

Star player ako noon sa baseball team namin sa high school. Natigil nga lang ang pagsali ko sa mga ganyang extracurricular activities ng magkolehiyo na ako. I was more focus on my academics.

"Sorry na kasi." Umakto pa itong umiiyak dahilan para matawa ang dalawang sales lady na malapit lang sa pwesto namin.

"Itigil mo na iyang kalokohan mo. Baka hindi ako makapagpigil at tuluyan na kitang mabugbog dyan." Umirap pa ako sa kanya bago sya iniwan sa pwesto namin na parang aping-api pa.

It takes almost one hour bago kami natapos sa pagpili ng mga gamit. Paano kasi hindi matatagalan kung may kasama kang daig pa ang bata kung magtantrums. Hindi kuno pumapasa sa taste nya ang mga equipment na ipinapakita ko sa kanya. Pero sa huli iyon din naman ang pinili nya.

Abnormal talaga!

"Saan mo gustong pumunta? Medyo maaga pa para umuwi. Maglibot-libot muna tayo. Ilang taon din akong hindi nakapunta sa lugar na ito." saad nito matapos naming mailagay sa kanyang kotse ang mga pinamili namin.

Pumasok ulit kami sa loob ng mall saka naglakad-lakad. Hindi ako masyadong gala na tao kaya susulitin ko na lang ang pagkakataong ito.

Nakakatamad kasing umalis kapag nasa loob ako ng bahay. All I wanted to do is to read books and doing some stuff like painting or something.

"May gusto akong puntahan. I wanted to entertain myself." nakangising sagot ko sa kanya.

"Oh, I think I know that place."

"Timezone!" sabay naming sigaw. Pareho kaming natawa dahil sa aming kalokohan lalo na ng tumingin sa gawi namin ang ibang taong nandito.

"Let's go! I'm excited."

"Hindi masyadong halata." I sarcastically said.

Natawa na lang ako ng nagmamadali ako nitong hinila papasok sa loob ng timezone. Parang naghugis puso pa ang mata ng bruhang ito ng makita ang iba't-ibang gamit sa loob.

Agad itong bumili ng powercard saka walang habas na naglaro na parang bata na ngayon lang naipasyal ng magulang. Naiiling na lamang ako bago bumili ng sarili kong powercard.

Madalas akong makapunta dito noong high school ako dahil na rin sa aking mga pinsan. Katulad ng sinabi ko kanina, hindi ako masyadong gumagala. Pero ibang usapan na kapag ang mga pinsan ko na ang syang humahatak sa akin palabas ng bahay. Masyadong persistent ang mga iyon lalo na si Summer. Kaya nga minsan wala na akong ibang choice kundi ang magpakaladkad sa mga ito.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now