Chapter 29

10.9K 433 25
                                    


Veronica

"Hanggang kailan ka magkakaganito?" Lumingon ako sa pintuan ng kwarto ko matapos marinig ang boses ni kuya Spencer.

Isang linggo na ang nakakaraan matapos kong malaman ang lahat. At sa isang linggong iyon wala akong ginawa kundi ang magkulong sa aking kwarto. Wala akong kinakausap kahit sino man rito sa bahay namin. Wala rin akong ganang kumain, pakiramdam ko hindi tinatanggap ng aking katawan ang pagkaing ibinibigay nila. I just cried and cried hanggang sa mapagod at makatulog ako.

Umuwi agad sina Mom dito matapos malaman ang kalagayan ko. Siguro nagsumbong ang isa sa mga kasambahay namin. Alam ko namang nag'aalala sila sa kalusugan ko, pero anong magagawa ko kung katawan ko na mismo ang umaayaw. Pakiramdam ko nagsara lahat ng pintuan para sa akin. Pati ata ang langit ayaw na sa akin dahil sa katangahan at kagagahan na nagawa ko sa taong mahal ko.

"Veron, you have to help yourself. Hindi na maibabalik ng pagmumukmok mo ang lahat ng nangyari. Instead na magkulong ka rito sa kwarto mo. Bakit hindi kana lang gumawa ng paraan para bumalik sya sayo?" Suhestyon nito.

"Ang daling sabihin pero ang hirap gawin" I answered him habang nakahiga pa rin sa kama at nakatanaw sa labas ng bintana ng kwarto ko. "Do you think may mukha pa akong maihaharap sa kanya ngayong nalaman ko na ang lahat?"

May luha na namang nagbabagsakan sa aking mga mata. Kailan ba sila titigil sa paglabas? Nakakapagod ng magpahid ng mukha.

"Paano mo malalaman kung hindi mo gagawin?"

Walang kabuhay-buhay ko itong nilingon. "Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko ngayon. So please, stop it."

"Hindi nga ba? Or you're just a coward to face the truth?" May inis na sa boses nito. "Pwede ba, Veron? Kahit ngayon lang, magpakatapang ka naman para sa kanya. Hindi ka nakinig sa kanya noon dahil sa takot mo na maaaring totoo ang sinasabi ng Cassy na iyon. Ngayon naman ayaw mo syang harapin dahil natatakot ka na baka hindi na ikaw ang laman ng puso nya. Tama ba ako, Veronica?"

Tuluyan na akong humagulgol ng iyak dahil sa kanyang sinabi. He's right, I was afraid na baka wala na ako sa puso nya ngayon. Na baka sa apat na taong iyon, may nakilala syang mas higit pa sa akin. Isang babae na handang makinig sa kanya. Isang babae na kaya syang samahan sa lahat ng hirap na pagdadaanan nya. Isang babae na hindi sya basta-basta iiwanan.

Umiiyak akong yumakap sa aking kapatid ng lumapit ito sa akin. He told me yesterday kung ano ang huli nilang napag'usapan noon ni Autumn, at iyon ang ikinatatakot ko. Aside from that, hindi ko sya sinisisi sa hindi pagsabi sa akin ng lahat ng iyon dahil sa kagustuhan ng babaeng mahal ko.

Walang sino man ang pwede kong sisihin kundi ang sarili ko dahil naging sarado ang utak ko sa mga panahong iyon.

"Paano kung hindi na ako, kuya? The last time we met, hindi na sya ang dating Autumn na minahal ko. She looked at me like I'm just a stranger to her. Like she didn't know me."

"Shhh, don't overthink too much. I'll help you to get her back, okay? C'mon, tahan na bunso." Marahan nitong hinahaplos ang likod ko.

"Thank you, kuya. Thank you for everything." Ang syang naisatinig ko matapos kong humiwalay ng yakap sa kanya.

"No worries. Ayusin mo ang sarili mo. May pupuntahan tayo." He smiled while caressing my hair. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.

"Where?"

"Secret bunso." sagot lang nito bago lumabas ng aking kwarto matapos humalik sa aking noo.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now