Chapter 21

10K 425 15
                                    


Veronica

"Pwede mo ba akong samahan na pumunta sa bar, beshy?" kunot noo akong lumingon kay Cassidy dahil sa sinabi nyang iyon.

I admit, this friend of mine is a party goer and a play girl, pero mukhang may nakikita akong kakaibang emosyon sa kanyang mga mata ngayon. We've been friends since highschool, kaya hindi na mahirap sa akin na alamin kung may problema man ang babaitang ito o wala.

"Anong meron?"

She shrugged her shoulders, "I just wanna get wasted."

Simple lang ang sagot nito ngunit alam kong may malalim syang dahilan. Maybe it's about Summer---again.

That girl, really. Hindi nya ba nakikitang seryoso ang kaibigan ko sa kanya? Bakit ba kailangan nyang maging manhid sa nararamdaman ni Cassidy para sa kanya? Hays!

"Okay, we'll go. Pero sandali lang tayo doon, Cass. May klase pa tayo bukas at ayokong mapagalitan ni Dad. You knew him very well." Buti nga wala sina Mom ngayon dahil may pinuntahang party.

Tumango lang ito bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Para itong problemado tingnan mula sa pagkakakunot ng noo nito.

"May problema ba? Alam mo naman siguro na anytime mo akong pwedeng sabihan, 'di ba?"

"I know. I will tell you kapag hindi ko na kaya. For now, hayaan mo muna akong sarilihin ang bagay na ito." She smiled at me kaya ako naman ngayon ang napabuntong hininga.

Busy ako kanina sa pagpapaturo kay manang Felda kung paano magluto ng empanada nang dumating ang babaitang ito. Akala ko pa nga kung napano dahil ang tamlay nya. Daig pa ang namatayan ng aso.

"Okay, hintayin mo na lang ako rito sa baba. Magbibihis lang ako."

Agad na akong pumanhik sa taas ng tumango ito. Mabilis akong naligo at nagbihis dahil alam kong mainitin ang ulo ng babaeng yun. Kay Summer lang naman talaga mataas ang pasensya ng isang yun.

Naglagay lang ako ng light make up sa aking mukha. I also wore a simply fitted jeans and a crop top na pinaresan ko ng three inches black high heels.

"Gorgeous as always." Puri ni Cassidy sa akin pagkababa ko ng hagdan habang may ngisi sa kanyang labi.

Natawa ako dahil doon, "Of course. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang maganda sa ating dalawa." kunwa'y pagtataray ko sa kanya.

Nakasuot kasi ito ng red fitted dress na above the knee habang naka'black high heels din katulad ko. Litaw na litaw tuloy ang kaputian naming dalawa dahil sa suot namin.

Agad ko na itong inakay palabas ng bahay upang makauwi din kami ng maaga. Hindi naman talaga ako mahilig pumasok sa mga ganyang lugar pero ayoko namang pabayaan ang isang 'to. Kaya nga hindi ako nagsuot ng dress dahil alam kong maraming mga mata ang tititig sa amin mamaya, and I hate that.

Ang sasakyan ko na din ang ginamit naming dalawa dahil sigurado akong maglalasing ang kasama kong ito. Ihahatid ko na lamang sya mamaya sa kanilang bahay.

"Saang bar tayo pupunta?" I asked her habang nasa daan ang aking atensyon.

"Sa bar na lang ni kuya Wesley." tukoy nito sa nag'iisang malapit na pinsan sa father side nya. Ang iba kasi masyadong ma'attitude.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now