Chapter 10

9.9K 482 24
                                    

Autumn

Napapabuntong hininga ako habang nakatingin sa harap ng salamin. Maayos na naman ang ayos ko pero hindi ko maiwasang kabahan.

Susunduin ko lang naman si Payton pero bakit pakiramdam ko hindi na ako makakalabas ng buhay once na umapak ako sa bahay nila? Ang weird masyado ng pakiramdam ko.

"Apo?" napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ni lola. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na ito sa loob ng kwarto ko.

"Yes, La. May kailangan ka po?"

"Nothing, iha. Anyway, kanina ka pa andito. Dapat sinusundo mo na ngayon ang girlfriend mo."

Nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Lola. Mas lalo lang ata akong kinabahan dahil doon na mukhang napansin nya pa ata dahil sa kakaibang ngiti na napaskil sa labi nito.

"You're nervous, are you?" mapang'asar na tanong nito.

Malalim akong napabuntong hininga bago nag'iwas ng tingin rito. Iyon naman talaga ang nararamdaman ko kahit wala naman dapat ikabahala.

Ang kailangan ko lang gawin ay sunduin sya and that's it! Pero ang siste ay para akong sinisilaban dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman ko ngayon.

"Relax, Autumn. Hindi ka pa naman aakyat ng pamamanhikan para kabahan ka ng ganyan." tudyo pa nito na mukhang nagpapula sa magkabila kong pisngi.

Bago pa man nito mapansin ang pamumula ng aking mukha ay hindi na ako nagdalawang isip na magpaalam sa kanya at kumaripas ng takbo palabas ng kwarto ko.

Rinig ko pa ang pagtawag nito sa aking pangalan na hindi ko muna pinansin. Bahala ng mapagalitan mamaya pag'uwi kesa naman ang makatanggap na naman ng tukso mula sa mabait kong lola.

"Aalis kana? Tamang-tama, katatapos ko lang linisan iyang kotse mo." bungad sa akin ni tatay Carlo pagdating ko sa garahe ng sasakyan.

Agad akong ngumiti rito, "Salamat po. Sige 'tay, mauuna na po ako."

"Mag'iingat ka sa pagmamaneho. Galingan mong manuyo, Autumn. Para naman payagan ka ng mga magulang nya na itanan--- este isama ang anak nila rito." panunudyo ni 'tay Carlo.

Mukhang nagkasundo ata silang dalawa ni lola ngayon para tuksuhin ako.

"Tatay naman! Pati ba naman ikaw?" napapadyak ko pang tanong rito na tinawanan nya lang.

Nakasimangot akong pumasok sa loob ng sasakyan at umupo sa driver's seat. Pinaandar ko muna iyon ng ilang segundo bago minani'ubra palabas ng mansyon.

Habang nagmamaneho ay nag'text ako kay Payton na papunta na ako sa bahay nila. Alam naman nyang may usapan kami na ganitong oras ko sya susunduin. Siguro naman nakapaghanda na sya sa kanyang sarili. Ayoko pa namang naghihintay ng matagal.

Ilang minuto lang ang ginugol ko sa pagmamaneho ng makarating ako sa labas ng subdivision nila. Hindi na naman nagtanong ang mga guard kung sino ang pakay ko sa loob dahil agad akong pinapasok ng mga ito.

Namumukhaan na siguro ako ng mga 'to dahil sa paghatid ko minsan kay Payton sa mala'mansyong bahay nila.

Pansin ko iyon kahit hindi pa ako nakakapasok sa loob. Tingin ko sila lang din ang may pinakamalaking bahay na nandito sa loob ng subdivision na ito.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now