Chapter 6

9.9K 502 36
                                    


Autumn

"Kapag ako nainis ipapalapa kita sa alagang tigre ni kuya Timothy." nayayamot kong banta kay Maxine na kanina pa ako kinukulit.

Nagpapasama kasi ang isang 'to sa mall pagkatapos ng klase namin pero wala ako sa mood mag'gala ngayon.

"Grabe ka naman sa ipapalapa. Pwede bang si kuya Timothy na lang ang lumapa sa akin?" malanding sambit nito. Sinapok ko nga ang gaga. Napaghahalatang patay na patay sa pinsan kong iyon.

Pero kung sabagay, kamukha naman kasi ng pinsan ko si Damon Salvatore ng The Vampire Diaries.

"Tigil-tigilan mo ako Maxine ah. Baka isumbong kita kay kuya. Sasabihin kong pinagpapantasyahan mo sya."

"Ay, bet ko 'yan mare. Sige na, magsumbong ka sa kanya. Gusto mo samahan pa kita eh. Malay mo may hidden desire din sya sa oh-so-yummy kong katawan." taas baba ang kilay nito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Oh shit!

"Hays. Huwag kanang mangarap, kahit isang porsyento wala kang pag-asa sa kanya."

"Che! Wag ka ngang nega dyan. Kita mo na ngang gumagawa ako ng pangarap rito eh." nakairap na sambit nito na syang ikina'iling ko na lamang.

I was about to say something nang makuha ni Payton ang atensyon ko. Agad akong napa'poker face ng makitang may bago na naman syang sinampal na studyante dito sa field.

Hindi ko alam kung ano na naman ang rason nya this time pero wala akong pake! Kahit sabunutan at sampalin nya pa ang lahat ng mga babaeng studyante rito hindi ako mangingi'alam.

The last time na nagmagandang loob ako sa kanya wala man lang itong sinabing maganda. Kinabukasan matapos ang parking lot incident nya ay hindi man lang ito nagpasalamat sa paghatid ko sa kanya sa bahay nila.

Instead nga na magpasalamat ito, todo irap at matatalim na titig ang nakuha ko sa kanya.

Aba, matindi din ang babaeng ito.

Ilang linggo na din naman ang nakakalipas pagkatapos mangyari yun pero hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa kanya.

Simula din nong mangyari ang encounter naming iyon, araw-araw ko na itong nakikita na may inaaway. Hindi natatapos ang araw na wala syang pinapahiya, sinasabunutan o 'di kaya'y sinasampal.

Ang sama talaga ng ugali.

"Gusto kong isipin na nagme'menopause na iyang si Payton. Grabe, palagi na lang mainit ang ulo. Mas lumala din ang kasamaan ng ugali nito ngayon kung saan malapit ng grumaduate. Tingin mo, may nangyayari kayang 'di maganda sa bahay nila?"

Napalingon ako kay Maxine dahil sa tanong nyang iyon.

Tinaasan ko ito ng kilay, "Malay ko sa buhay nya. Hindi ako marites katulad mo, 'no."

"Marites agad? Hindi pwedeng curious muna?"

"Ganyan din naman ang mga marites eh. Palaging naku'curious sa mga nangyayari sa paligid nila." walang gana kong sagot sa kanya dahilan para irapan ako ng gaga.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now