Chapter 18

9.9K 411 20
                                    


Autumn

"Ang ganda ng tanawin pero iyang mukha mo parang pinagsakluban ng langit at lupa. You look problematic, what's wrong? Care to share?"

Umangat ang tingin ko dahil sa tanong na iyon ni Farah. Nang wala itong makuhang sagot mula sa akin ay agad itong umupo sa aking tabi, dito sa dalampasigan.

Yes, we are at the beach right now. Ngayong araw ang birthday ng mama nya at dito nila naisipang mag'celebrate sa pagmamay'ari nilang beach resort. Dito na din kami magpapalipas ng gabi. Nagdala na nga lang din ako ng damit para hindi na ako umuwi sa bahay bukas. Diretso na lang ako sa paaralan.

My cousins was invited too pero si Raine lang ang nakasama. Busy sa company si Winter while si Summer naman ay tumulong sa restaurant ng kanyang ina dahil naka'on leave ang dalawa nilang trabahante. Sabi nya susunod sya na hindi naman nangyari, o baka busy lang talaga sila ngayon?

"Wala lang 'to." I smiled at her.

"Wala nga ba? Eh, kulang na lang marinig ng mga tao rito ang malalalim mong pagbuntong hininga. Huwag ako, Autumn. I already know you besh. So, tell me what's bothering you."

I guess hindi talaga ako makakalusot sa babaeng 'to.

"It's about Veronica."

"Okay? What about your girlfriend?" She asked emphasizing the last word.

She already know what's the real deal between me and Veronica Payton. I told her everything pero wala naman itong gaanong naging reaksyon which is I find it weird.

Isang linggo na ang nakakaraan ng mangyari ang unexpected mall incident na iyon. At isang linggo na rin akong binabagabag ng aking isipan at ang kakaibang pakiramdam kapag kasama ko si Veronica.

"I don't know. I just felt...something everytime na kasama ko sya."

"O--kay? And what are those feelings of yours?" She asked habang nakatukod ang mga kamay sa buhangin.

Pareho kaming nakatanaw sa malumanay na karagatan habang suot ang aming jacket. It's already eight thirty in the evening kaya malamig na ang simoy ng hangin.

"I felt happy and at ease everytime that I'm with her." Bumuga ako ng hangin before I look up. Napangiti ako ng makita ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan.

"Alam mo yun? Yung parang kuntento na ako kahit sa presensya nya lang. Yung kahit na anong pagtataray ang gawin nya parang wala lang sa akin. Parang ikinatutuwa ko pa ngang makita ang pagsasalubong ng kilay nito."

Natawa ako ng sumagi sa aking isipan ang pikong mukha ni Veronica. Sya lang ata ang nakilala kong babae na kahit nakasimangot maganda pa rin.

"How about your heart? Does it beat so fast kapag nakikita mo sya?"

I was caught off guard because of what she asked. Wala sa sarili kong kinapa ang aking dibdib.

Does it?

"Yeah, pero hindi lang iyon. Kahit sumagi lang sa isipan ko ang maganda nyang mukha pakiramdam ko hindi na ako makahinga ng maayos dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso ko." I honestly answered.

Napapabuntong hininga akong bumaling ng tingin sa kanya and ask this question na gusto kong hanapan ng kasagutan.

"Do you think I already like her?" puno ng kuryusidad kong tanong sa kanya na tinawanan nito.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon