Chapter 33

11.6K 416 29
                                    


Veronica

"Kailan sya bibisita rito, 'nak?" tukoy ni Mom kay Autumn.

Well, they already know na okay na kami ng babaeng mahal ko. Kuya Spencer told them na nagkabalikan na kaming dalawa ni Autumn. I didn't know kung saan nya nakuha ang impormasyong iyon. Sa pagkaka'alam ko kasi hindi ko nabanggit sa kanya ang bagay na iyon since busy ako sa mag-ina ko.

Ganito din ang nangyari noong nagkukulong ako sa bahay matapos kong malaman ang katotohanan. Nagulat na lamang ako ng malaman ko na umuwi na pala sina Mom galing sa ibang bansa.

Akala ko pa naman ang mga kasambahay namin ang nagsumbong kina Mom, yun pala ang magaling kong kuya. Sya rin ang nagsabi sa parents namin kung ano ang nangyari sa aming dalawa ni Autumn four years ago.

"I don't know, Mom. She's super busy this past few days. Sya ang nagma'manage sa lahat ng businesses ng kanyang parents." Hindi nakatinging sagot ko sa kanya.

Nagluluto ako ng pagkain para kay Autumn. Alam kong makakaligtaan na naman nyang kumain ngayon ng lunch dahil sa sobrang pagka'busy nya. Si Valerian naman ay isinama ni Raine sa bahay ng kanyang parents dahil malapit ang bata sa pamilya ng girlfriend ko.

"Are you sure about your decision, sweetie?"

Nabaling ang atensyon ko dahil sa biglaang tanong na iyon ng aking ina.

"What decision, Mom?"

"You know, living with her? In the same roof?" patanong na sagot nito.

"Yes, Mom. Sigurado na po ako. Four years is enough. Ayoko ng sayangin ang bawat oras at araw na hindi sila kasama. It's all my fault na hindi ako nakinig sa kanya noon. This time, I wanted to make sure na makakabawi ako sa lahat ng pagkukulang at mga maling desisyon na nagawa ko noon."

Living with her is the best decision I ever made. Ako talaga ang pumilit kay Autumn na magsama na kami sa iisang bubong. Marami akong na'realize noong gabing nagkaayos kaming dalawa. Isa na doon ang katotohanan na hindi ko pala talaga kaya na mawala sa akin ang babaeng mahal ko.

"I understand, sweetie. We will support your decision. Kung saan ka masaya, then go. Nandito lang kami ng Dad at kuya mo." I instantly smiled because of what my Mom said.

Nagpaalam kasi ako sa kanila kahapon tungkol sa paglipat ko sa bahay ni Autumn. Syempre nagulat ang mga ito pero sumang'ayon din naman kalaunan, except kay Dad. Hindi ito umiimik ngunit wala namang pagtutol sa kanyang mga mata, and maybe I will take that as a yes. Ipinadala ko na din kahapon sa bahay ni Autumn ang aking mga gamit.

"Thanks, Mom." Humalik ako sa pisngi nito.

"You're always welcome, anak. Oh sya! Magbihis kana doon. Ako na ang tatapos nitong niluluto mo." Presinta nito kaya agad na akong pumunta sa aking kwarto at mabilis na naligo.

"Magdadala ka lang naman ng pagkain sa girlfriend mo pero para kang may pupuntahang party." Natatawang komento ni kuya Spencer na biglang sumulpot sa aking tabi habang pababa na ako ngayon ng hagdan.

Nakasuot kasi ako ng kulay pula na above the knee fitted dress. Off shoulder ito kaya kitang-kita ang magaganda kong collarbone. Pinaresan ko din ng black high heels ang suot kong ito habang nakalugay ang medyo may kataasan kong buhok.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now