Chapter 14

9.7K 469 30
                                    

Autumn

"Hindi ka ba pupunta?"

Natigil ako sa paglalagay ng aking gamit sa backpack dahil sa tanong na iyon ni Maxine.

"Pupunta saan?" nagtataka kong tanong sa kanya pero mahina lang ako nitong hinampas sa braso.

"Alam mo? Kung ako ang naging girlfriend mo matagal na talaga kitang hiniwalayan. Gosh! Napakabato mo talaga minsan." Humalukipkip pa ito sa aking harapan na animo'y naiirita sa akin.

"Pwede bang diretsuhin mo ako? Hindi kita maintindihan."

She rolled her eyes at me, "May friendly game ngayon ang Volleyball team natin at ng Harrison University. And obviously, kasama sa volleyball team ng paaralan natin ang girlfriend mo. She's a star player and a captain ball, para lang sa kaalaman mo po."

I was shocked a bit dahil sa nalaman ko. Hindi kasi halata sa mukha at kilos ni Payton na marunong syang maglaro. Akala ko kasi ayaw nya sa kahit anong sports. Saka wala din naman syang nababanggit tungkol dito. Or maybe hindi lang talaga ako marunong magtanong sa kanya?

"I...didn't know that." Halos pabulong ko ng sabi. Hindi ko pa nga talaga masyadong kilala ang babaeng yun.

"Obviously. Halata naman siguro sa reaksyon mo. So ngayong alam mo na, pwede na ba tayong pumunta sa gym? Magpakita ka man lang ng suporta sa girlfriend mo. Jusko!" Umirap pa ito dahilan para matawa ako.

Masaya akong nagkaroon ng ganitong kaibigan. Kahit alam nyang pagpapanggap lang ang meron kami ni Payton, nandyan pa rin sya para suportahan ako. Lately nga napapansin kong mas lalo nya akong pinagduduldulan sa babaeng yun.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" mataray na tanong nito na hindi ko na lamang pinatulan.

Imbis na sumagot sa kanya, may pagmamadali ko itong hinatak palabas ng classroom upang pumunta sa gym. Kaya pala hindi ko makita sa dalawang subject si Payton. Yun pala may laro sya ngayon na kung hindi pa sinabi nitong kasama ko hindi ko pa malalaman.

Akala ko pa naman may nangyari sa kanya kaya hindi sya naka'attend ng klase. Balak ko pa naman syang tawagan pagkatapos ng klase pero heto nga, nalaman ko na ang dahilan ng pag'absent nya.

"Ang daming tao. Hays! Wala bang klase ang mga 'to? 'Diba kapag ganito mga player lang naman ang excuse sa klase?" tanong ko rito sa katabi ko na kanina pa palinga-linga sa paligid.

"Huwag kanang magtaka bes. Maglalaro ang dalawang taong kinababaliwan ng mga estudyante rito at ng ibang university, kaya malamang magka'cutting class ang mga iyan. Tsaka yung iba dyan baka vacant time nila ngayon since malapit na din naman ang lunch time." Litanya nito.

"At sino naman iyang kinababaliwan kuno nila?"

Ang o.a naman masyado ng mga estudyanteng ito.

"Hindi ako sigurado kung hindi mo talaga alam o wala ka lang talagang paki-alam? Syempre, sino pa ba ang tinutukoy ko? Kung hindi ang girlfriend mo at ang bestfriend nito na laging nakabuntot kay Summer."

Wow, athlete din pala ang Cassidy na iyon?

"Speaking of the devil. Mukhang may mauupuan na tayo." Hinatak ako nito sa pangalawang bench mula sa unahan. Malapit lang sa kinauupuan ng mga player ng paaralang ito.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon