Chapter 19

9.4K 471 85
                                    


Autumn

I groaned nang maramdaman kong may malambot na kamay ang marahang humahaplos sa aking pisngi. Parang natatakot pa itong magising ako.

Damn! So nakatulog nga talaga ako?

"Hmm" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata upang makita ang pangahas na taong ito.

Pero mukha atang lumabas ang kaluluwa ko sa aking katawan ng makita kung sino ang taong nakaupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Mabilis pa sa kidlat akong bumangon sa kama ngunit agad ding napasapo sa aking ulo ng kumirot iyon.

Letche! Mukhang matutuluyan pa ata akong magkaroon ng headache.

"Are you okay? Ba't ba kasi bumangon ka bigla." May pag'aalala sa kanyang magagandang mata.

"Anong ginagawa mo rito? At paano mo nalamang nandito ako?" Kumunot ang aking noo habang umiiwas ng tingin sa kanya.

Hindi pa rin ako maka'move on sa nakita ko kanina kaya huwag syang tumitig sa akin ng ganyan.

Nakakainis! Dapat ayos lang sa akin 'yon dahil wala naman talaga kaming totoong relasyon. But damn! Ang sakit nila sa mata kanina. 'Tsaka ang sakit sa dibdib lalo na ngayong inaamin ko na sa sarili ko na may nararamdaman na ako sa babaeng 'to.

"Our professor slash my cousin told me na nandito ka. Nurse Karen inform that to her who happened to be her girl friend."

Agad akong lumingon sa direksyon ni nurse Karen na ilang hakbang lang ang layo sa amin. Kumindat pa ito na syang ikinasimangot ko.

The heck!

Kaya pala nahanap nya ako rito dahil kaibigan pala ng nurse na ito si miss Cortez.

"Uuwi na ako." malamig kong saad bago tuluyang bumaba ng kama.

Kinuha ko na ang aking backpack sa single sofa na mayroon dito. Walang lingong-likod akong lumabas ng infirmary. Hindi ko na syang hinayaang makapagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

"Bakit hindi mo ako tinawagan? Sinabi mo sana sa akin na masakit ang ulo mo para ako na ang nag'alaga sayo." sambit ni Veronica na nakasunod pala sa akin.

I grit my teeth dahil sa kanyang sinabi. Here we go again with her mixed signals.

"Stop following me, Payton." madiin kong sabi na hindi humihinto sa paglalakad.

"Ano ba ang nangyayari sayo? First, hindi ka man lang nagpakita sa akin kanina. Second, hindi mo sinabi sa akin na pumunta kang infirmary. Third, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naiinis ka sa'kin. Pwede bang ipaliwanag mo sa akin lahat ng ito dahil hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan." Litanya nito na hindi ko pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit agad ding natigil ng hawakan nya ang aking braso. Wala sa sarili kong hinawi ang kanyang kamay na syang ikinagulat nya.

Hahakbang na naman sana ako ng bigla syang sumigaw.

"Autumn, ano ba?! Hindi na nakakatuwa huh. Kanina pa ako nagsasalita rito pero parang wala akong kausap."

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now