Chapter 3

11.3K 490 7
                                    

Autumn

"Are you sure na hindi kana magpapahatid kay Carlo, apo?"

Nakaharap ako sa salamin na nandito sa kwarto ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko. And it was my gorgeous Lola.

"Hindi na po, La. Marunong naman po akong magmaneho, tsaka alam ko na po kung saan ang paaralan na papasukan ko." nakangiti kong sagot rito habang sinusuklay ang buhok kong hanggang kili-kili lamang.

Ngayon na magsisimula ang unang araw para sa second semester. Medyo kinakabahan ako at 'di ko alam kung bakit. Maybe because mga bagong mukha na naman ang makakasalamuha ko. I'm kinda introvert person, that's why.

Isang jeans and loose shirt lang ang suot ko na paparesan ko ng white converse shoes mamaya. Mabuti na lang walang uniform ang Payton university katulad ng dating school na pinapasukan ko. I'm not fond sa mga maiiksing damit and skirt. Hindi dahil sa may lawit ako, kundi dahil sa pakiramdam ko wala akong suot na damit.

"Binata--- este dalaga kana talaga apo. Pero hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend. Wala ka naman sigurong balak na tumandang dalaga, ano?"

Pakiramdam ko nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni lola. Sa mukha ko naman sana inilagay ang pulbos pero feeling ko nalunok ko lahat.

"I'm just twenty-one years old, La. Hindi naman siguro kayo nagmamadali." rinig ko ang mahina nitong pagtawa.

"At least man lang makita ko pa ang magiging anak mo bago ako---" I immediately cut her off.

"Please don't say that, La. Para ka namang nagpapa'alam nyan eh."

She just smiled at me at marahang hinaplos ang pisngi ko. She smiled like nothing happened. Na para bang wala syang dinaramdam na sakit.

"Hindi natin alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito, apo. Kapag nangyari yun, wala na tayong magagawa pa. Ang akin lang, ayokong nakikita kang nag'iisa. Iba pa din sa pakiramdam kung may laman ito." turo nito sa dibdib ko.

"Nandyan ka naman eh. Si Dad at ang pamilya natin. Hindi po ako nag'iisa, La" I reason out.

"Soon, maiintindihan mo kung ano ang ibig kong sabihin." malaki ang ngiting saad nito na hindi ko na lamang pinansin.

___

"Akala ko hindi ka muna papasok ngayon. Kanina pa ako naghihintay rito. Hindi ka din sumasagot sa tawag ko." ungot agad ni Summer pagkalabas ko sa sasakyan ko.

"I didn't know na tumawag ka pala." I fished out my phone from my jeans pocket at kita ko nga na nakakailang tawag ito.

I am probably preoccupied kanina habang nagmamaneho kaya siguro hindi ko napansin na tumatawag ito. Hindi ko pa rin kasi maiwasang isipin ang sinabi ni lola kanina.

"Sorry about that. Naka'silent mode kasi ang phone ko." I said which is true naman. Lagi ko iyon ginagawa lalo na kapag wala akong inaantay na tawag.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now