Chapter 28

10.8K 448 46
                                    


Veronica

"One more martini, please." Utos ko sa bartender na nasa harapan ko.

Matapos ang usapang naganap sa pagitan naming dalawa ni Autumn kanina ay parang bigla na lamang akong nawalan ng lakas. Hindi ako makapag'focus sa ginagawa ko dahil paulit-ulit iyong nagre'reply sa utak ko.

Pilit ko man iyong iwaksi, pilit din itong bumabalik sa utak ko. Kaya kahit hindi ako madalas uminom ay naisipan kong pumunta dito sa bar na pagmamay'ari ng isa kong kakilala matapos kong magpalit ng damit kung saan komportable akong kumilos.

Hindi dapat ako nakakaramdam nito. Wala akong kasalanan para makaramdam ng guilt pero bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ako ang may malaking kasalanan sa aming dalawa? Bakit pakiramdam ko mali ang ginawa kong pag'alis four years ago?

"Are you okay, Miss?" Blangko kong tiningnan ang bartender dahil sa tanong nyang iyon na mukhang napansin nya pa ata. "Um, umiiyak po kasi kayo."

Agad kong kinapa ang aking pisngi at tama nga ito. May luhang nagbabagsakan sa aking mata na hindi ko man lang namamalayan.

"I'm okay." Mabilis kong pinahid ang luha gamit ang aking palad.

Binayaran ko na din ang nainom kong inumin saka ako umalis mula sa pagkakaupo sa bar stools.

Papalabas na sana ako sa bar na ito ng may makabungguan akong tao na sa tingin ko ay babae base sa perfume na gamit nito.

"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." may pag'aalala sa boses nito.

"It's okay." Tipid akong ngumiti ng mag'angat ng tingin ngunit bigla akong natigilan ng makilala kung sino ito.

Pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa galit. Gusto ko syang sampalin ngunit nagpigil lang ako dahil matagal ng panahon iyon.

"Payton" Gulat na sambit nito but I just rolled my eyes at her. Lalagpasan ko na sana ito ng hawakan nito ang aking braso.

Masama ko itong nilingon. "Let go, Miss Lagman. Baka makalbo kita ng wala sa oras."

Yes! It's Cassy Lagman. Ang babaeng dahilan at puno't-dulo ng mga nangyayaring 'di maganda sa past ko.

What a coincidence! Nagkita pa talaga kami ng mang'aagaw at bruhang ito. Sa lahat ng lugar na pwede nitong puntahan dito pa talaga.

Tuluyan na akong lumabas ng bar matapos nyang bitawan ang braso ko. Ngunit sadyang makapal talaga ang pagmumukha ng bruhang ito dahil sumunod pa ito sa akin sa labas.

"Please mag-usap tayo. May importante akong sasabihin sayo."

Pagak akong natawa bago bumaling sa kanya, "How dare you para kausapin ako na parang wala kang ginawang mali? Ganyan na ba talaga kakapal ang pagmumukha mo para hindi tablan ng hiya sa panggugulo mo sa akin noon?!" tuluyan na akong sumabog dahil sa galit at inis na matagal kong kinikimkim.

Pansin kong naiiyak ito matapos kong sabihin ang mga bagay na iyon. I snorted dahil sa paawa effect nito.

"Oh please, stop the drama. Wala tayong audience sa paligid. Sayang lang ang luha mo." I mocked her na hindi nito pinansin.

"I'm sorry. Alam kong galit ka sa akin dahil sa ginawa ko sa relasyon nyo noon ni Autumn. But please, Veronica. Hear me out. Kahit ilang minuto lang, please pagbigyan mo ako." She's begging like her life depends on it.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now