Chapter 31

12.3K 464 52
                                    


Autumn

"I already forget and let go of our past. So please, do the same." seryoso kong sambit.

"Please....don't say that." Mas lalo itong humagulgol ng iyak habang mahigpit na nakahawak sa aking damit na para bang takot akong mawala sa kanyang tabi.

I felt my heart clench because of that sight. It's been what? Four years? Pero hanggang ngayon ay ayaw ko pa ding nakikita itong umiiyak at nasasaktan.

Aaminin kong sobra akong nasaktan noong umalis sya. Mas lumala pa iyon nang mamatay ang isang taong laging nandyan sa aking tabi simula ng magkaisip ako sa mundong ito...si Lola Edith.

I was devastated and depressed that time dahil naghalo-halo na ang sakit at pangungulila na nararamdaman ko para sa dalawang tao na mahalaga sa akin. I almost took my life na syang pinagsisihan ko kahit sabihin pa nating hindi iyon natuloy dahil sa pinsan kong si Raine.

Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, nakalimutan ko ang mga tao na laging nandyan sa aking tabi. Nakalimutan kong nandyan pa rin ang pamilya ko at mga kaibigan na syang nasaktan dahil sa ginawa ko, especially my father.

Masyado akong nabulag sa sakit na aking nararamdaman to the point na nakalimutan ko ang mga taong ginagawa ang lahat mapasaya lang ako. Mga tao na hindi ako sinukuan kahit man na ipinagtutulakan ko pa sila palayo sa akin. Mga tao na handa akong damayan sa pighati at sakit na nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Kaya ng matauhan ako sa mga pinaggagawa ko, ako na mismo ang nagpresinta na sumangguni sa isang psychiatrist na kilala ng pamilya namin. Muli akong nagpakatatag para sa aking sarili at para sa mga taong nagmamahal sa akin.

Walang maidudulot na maganda ang pagsu'suicide. Oo, maaari mong matakasan ang realidad at ang sakit na nararamdaman mo kapag nawala kana sa mundong ito. Ngunit paano ang mga taong naiwan mo?

Paano ang mga taong nagmamahal sayo at patuloy na magmamahal sayo? Paano ang maganda mo sanang kinabukasan na naghihintay sayo?

Sasayangin mo lang ba iyon sa dahilang hindi mo na makayanan ang sakit na nararamdaman mo?

I'm sure those people who loves you will get hurt too kapag nawala kana. Natakasan mo nga ang problema mo, ngunit mas lalo mo lang pinapalala ang sitwasyon. Nakatakas ka nga sa sakit, ngunit nagdulot ka naman niyon sa mga taong maiiwan mo.

Life is tough and hard, at hindi mo kailangang makipagsabayan sa mundong ito kung hindi mo na talaga kaya. Minsan kailangan natin ipahinga ang ating puso at isipan mula sa maingay at nakakabinging mundong ito.

Sa ilang buwan kong pabalik-pabalik sa psychiatrist ko. Marami akong nakilalang tao na mas higit pa ang pinagdadaanan kesa sa akin. Hearing their most tragic story makes me realized a lot of things. Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na labanan ang depression ko.

Kung sila nga lumalaban kahit na tinalikuran na sila ng mundo at ng mga taong malalapit sa kanila, ako pa kaya? Ako pa na laging ipinaparamdam sa akin ng aking pamilya at mga kaibigan ang pagmamahal nila para sa akin.

Pain is part of our lives. Hindi ka tao kung hindi ka nasasaktan. Minsan masyado lang tayong assuming, thinking na tayo lang ang nagiisang tao ang nasasaktan sa mundong ito.

Ngunit kong makikinig lamang tayo ng mabuti sa hinaing ng ibang tao. Doon natin malalaman how thankful we are dahil kahit papaano, may mga tao pa din na handang hawakan ang ating kamay upang hindi tayo lubusang malunod at matangay mula sa nakakabinging agos ng buhay.

"Shhh, tahan na." I console her habang masuyong hinahaplos ang kanyang likuran.

Two months after matapos ang sessions ko sa aking psychiatrist, hindi inaasahang nagkita kami ni Cassy sa party ng isa sa mga investors namin. Umiiyak itong humingi sa akin ng tawad. She even kneel in front of me begging for my forgiveness.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now