Chapter 30

12.3K 477 66
                                    


Veronica

"Nasaan ka ngayon sweetie?" Mahinahong tanong ni Mom sa kabilang linya.

"Nasa park lang po. Gusto ko lang magpahangin." I heard my Mom heave a sigh. "Don't worry po. Uuwi din naman ako maya-maya." I assured her dahil alam kong nag'aalala ito sa akin.

"I understand sweetie. Just don't do anything to harm yourself, okay?" malambing na saad nito.

"Of course, I won't. Bye, Mom."

Malalim akong napabuntong hininga matapos kong maibaba ang tawag.

I was thinking kung saan ko pwedeng hagilapin si Autumn. Simula noong magkita kami sa loob ng kompanya ng mga magulang ko ay hindi pa ulit ito bumibisita roon. Hindi ko rin mahagilap si Mr. Carpio na syang pagtatanungan ko sana baka sakaling may alam sya sa whereabouts ng babaeng mahal ko.

Hindi rin pumayag si Maxine kahapon ng tanungin namin kung saan ang address ng kaibigan nya. Pinagtataboy pa kaming dalawa ng kapatid ko palabas ng condo unit nya.

I heave a long and deep sigh. Naiiyak na naman ako dahil sa mga nalaman ko kahapon, ngunit agad atang umatras ang aking luha ng may isang maliit na batang lalaki ang syang nadapa malapit sa kinauupuan ko.

Mukhang hinahabol nito ang balloon na lumipad na palayo sa kanya. Pansin kong nakahawak ito sa kanyang tuhod habang nakaupo pa rin sa damuhan hanggang ngayon. Walang pagdadalawang isip ko itong nilapitan.

Napaka'iresponsable naman ng mga magulang nito. Hinayaan lang ang bata na mag'isang maglaro dito sa park. Paano na lang kaya kung may masamang nangyari rito?

"Hi. Do you need help?" nakangiti kong tanong kahit hindi nya ako nakikita dahil nakayuko ito. Tingin ko nasa dalawa o tatlong taon pa lang ang batang ito.

Nakakapagsalita na kaya sya?

"Um, nasaktan ka ba?" tanong ko ngunit umiling lang ito. I guess naiintindihan naman nya ang mga sinasabi ko.

"Are you sure? Mukhang nasugatan ang tuhod mo oh. C'mon, let me help you. You can trust me, honey. I'm not a bad person. I'm harmless." malambing kong sabi dahil baka natatakot lamang ito.

Walang akong nakuhang sagot mula rito. Ngunit ng mag'angat ito ng tingin, pakiramdam ko natuod ako sa aking kinatatayuan.

The color of his eyes. May kahawig sya ng mata at ganito din sya tumitig sa akin noon.

He's like my Autumn.

"Mo...Mommy?" Naiiyak na sambit nito habang nakatingin sa akin.

Parang may kung anong humaplos sa aking puso dahil sa maliit at malambing nitong boses. Nagpalinga-linga ako sa aking paligid baka sakaling makita ko ang mga magulang ng batang ito ngunit wala man lang lumapit sa amin.

"Mommy! You're here!" masayang sigaw nito. Mabilis itong tumayo at nakangiting naglambitin sa aking binti.

Biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib dahil sa sinabi nito. Lumuhod ako sa kanyang harapan upang magpantay ang mukha naming dalawa.

Napangiti ako ng makita ng maayos ang mukha nito. Ang kulay abo nitong mga mata na kapareho kay Autumn ko, ang makakapal na kilay, ang mahahabang pilikmata, ang matangos nyang ilong at ang manipis nyang labi.

Ang gwapo ng batang ito! I bet, marami syang mapapaiyak na babae in the future.

"You're already here Mommy. Tita Ganda's right. You're gorgeous indeed." Natawa ako dahil sa kanyang sinabi. Ang bata-bata pa pero magaling ng mangbola.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now