Epilogue

19.4K 558 77
                                    

Veronica

"Farah said na may lakad daw kayo mamaya?" I asked Autumn habang naghahanda ako ng meryenda naming dalawa. Vale is not here, nandoon na naman sa bahay ng Tita Raine nya.

Nitong mga nakaraang araw napapadalas na ang pagpunta doon ng batang yun. Hinahayaan ko lamang dahil alam kung hindi naman sya pababayaan ng pinsan ng asawa ko.

Uh-huh! Isa na akong ganap na Morris. We got married last year at masasabi kong isa iyon sa pinakamagandang araw ng buhay ko. Marrying the person I wanted to spend my lifetime with is just so overwhelming. Pakiramdam ko nakalutang ako sa alapaap ng mga oras na iyon lalo na ng makita ko itong naghihintay sa akin malapit sa altar.

Sa France namin napiling magpakasal since doon ko sya unang nakita. Doon ko unang nasilayan ang maganda at maamo nitong mukha. Na kahit nakasimangot ang ganda pa ding titigan.

"Yes, honey. Magpapasama lang ang isang iyon." Yumakap ito mula sa aking likuran habang malambing na hinihimas ang aking tyan.

I'm four months pregnant, kaya labis ang tuwa na naramdaman namin noong malaman na nagdadalang-tao ako. Halos hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ng aking asawa at ni Vale na syang pinakamasaya sa mga araw na iyon. Simula kasi ng maikasal kami ng Dada nya palagi na itong nangungulit na magkaroon ng kapatid.

Alam kong si Farah at Maxine ang nagturo sa bata ng mga ganoong salita. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakakatikim palagi ng batok ang dalawang iyon mula sa kaibigan nila.

"Anong oras kayo uuwi?" Hindi ko maiwasang maitanong sa kanya.

Hindi nya ba maalala na wedding anniversary namin ngayong araw na ito? Nakakatampo na talaga ang babaeng ito. Kahit pagbati man lang wala akong narinig mula sa kanya.

"Why? May pupuntahan ka ba? Next week pa naman ang schedule para sa check up mo 'di ba?"

Gusto kong maiyak dahil hindi nga nito maalala kung gaano ka'special ang araw na ito para sa aming dalawa.

"Nothing, I'm just asking." Walang gana kong sagot na mukhang ikinagulat nya.

I didn't mean to act cold towards my beloved wife, but I just can't help it! Nakakatampo lang kasi.

Agad akong humiwalay sa kanya dahil pakiramdam ko babagsak na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Honey, may problema ba?" tanong nito na may pagtataka at pagaalala mula sa magaganda nitong mga mata.

Imbis na sumagot, dumiretso na lamang ako sa aming kwarto. Pumasok ako sa loob ng bathroom at doon palihim na umiyak habang nagbabagsakan ang tubig sa aking katawan mula sa nakabukas na shower.

I was startled a bit ng biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. And I know it was my wife.

"Nica, bakit umiiyak kana naman? Hmm? Gusto mo bang sumama na lang sa akin mamaya?" malambing ang boses ni Autumn na para bang nagpapatahan ng bata.

Hinubad nito ang basang-basa ko na ngayong damit habang binibigyan ng mumunting halik ang aking sintido, pababa sa aking leeg at pataas na naman sa aking tainga.

"I——It's okay. Lakad nyo iyon ng mga kaibigan mo."

Hindi ko maiwasang mapakagat labi dahil sa inis ng mautal ako. Imbis na magtampo at magalit sa asawa kong ito, mas nangibabaw pa ata ang init na nararamdaman ko ngayon. Lalo na ng simulan nitong masahiin ang magkabila kong dibdib while kissing and sucking my flawless neck.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt