Chapter 24

10.9K 382 19
                                    


Veronica

"Kumusta na kayong dalawa ni Autumn, apo?" nakangiting tanong ni Lola Edith.

"Ayos lang po, La. We're good." masaya kong sagot rito habang tinutulungan itong mag'bake ng cake.

Simula ng maging official ang relasyon namin ni Autumn napapadalas na ang pagpunta ko sa mansyon nila, dahil na din sa kagustuhan ng kanyang lola.

Hindi din naman ako nagrereklamo dahil gusto ko rin naman. Marami akong bagay na natutuhan mula kay lola Edith lalo na pagdating sa kusina at mga impormasyon tungkol sa girlfriend ko na minsan ay hindi nababanggit sa akin ng kanyang apo.

Kahit pa siguro araw-araw akong magpabalik-balik dito ay gagawin ko. Masayang kausap ang matandang Gallego. Ramdam kong genuine ang pakikisama nito sa akin na para isa ako sa kanyang mga apo and I admit, napamahal na sa akin si lola Edith.

Kaya nga ang hirap nitong hindi'an kapag naglalambing ito na pumunta ako sa kanilang mansyon, katulad na lamang ngayon. Ito talaga ang tumawag sa akin upang pumunta ako rito.

"Mabuti naman kung ganon. Masaya akong makita na halos hindi kayo mapaghiwalay ng apo ko. Magaan sa pakiramdam na malaman na may isang tao ang nagmamahal sa kanya ng totoo katulad ng pagmamahal na ibinibigay namin sa kanya." Matamis itong ngumiti sa akin.

"At least alam kong mapapanatag ang loob kong umalis sa mundong ito knowing na....."

"Mabubuhay pa po kayo ng matagal, La." Agad kong pagputol sa iba pa nyang sasabihin.

Hindi iyon maganda sa pakiramdam at pandinig. At alam kong hindi iyon magugustuhan ni Autumn kapag narinig nya ang sinasabi ng kanyang lola na para bang nagpapaalam na ito.

Mahina itong natawa dahil sa naging reaksyon ko. "Hindi natin hawak ang oras at panahon, apo."

Nakagat ko ang ibaba kong labi dahil sa sinabi nito. She's not my real Lola, pero nasasaktan pa din ako sa mga naririnig ko. Ano pa kaya si Autumn kung sakaling....damn!

Ano ba itong pinagiisip ko? Nahawaan na ata ako ni Lola Edith.

"Ang seryoso nyo namang dalawa dyan." Biglang sulpot ni Autumn mula sa aming likuran.

Pareho kaming napalingon ni lola Edith sa kanya ngunit agad kong nakagat ang labi ko ng makita ang hitsura nito na halatang kagigising lang. Naka'pajama pa ito at loose shirt at medyo magulo ang shoulder length nitong buhok. Pero bakit ang hot nitong tingnan sa paningin ko?!

Hustisya naman sa puso kong nagwawala na ngayon!

"Good morning to my beautiful Lola." Humalik ito sa pisngi ng matanda bago bumaling sa akin ang kulay berde nitong mga mata. "And to my gorgeous and sexy girlfriend as well." sambit nito bago dampian ng halik ang matangos kong ilong at ang aking noo.

"Go... Good morning too." Natawa ito ng mautal ako. Letche!

"Oh sya, tama na ang katamisan nyong dalawa. Baka hindi heart disease ang ikamatay ko kundi diabetes na." pagbibiro ni lola Edith dahilan para mamula ang buo kong mukha.

"La naman." tutol nitong katabi ko sa huling sinabi ng matanda na tinawanan lang nito bago kami iwan dalawa sa kusina.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nitong kasama ko na syang ikinalingon ko sa kanya. Napangiti ako ng makita ang nakakunot nitong noo. Ang aga-aga pa pero mukhang bad mood na agad itong mahal ko.

Fated To Love You (Cousin Series #1) √Where stories live. Discover now