CHAPTER 3

640 42 5
                                    


::CHAPTER 3

I woke up because of the noise around me, and I'm lying uncomfortable, when I open my eyes I saw an old lady looking at me kaya bigla akong napatayo

"What are you doing to my room" saad ko, nangunot naman ang noo nya at tumingin naman sya sa mga kasama nya at isa pa sa napansin ko ay nakasuot silang lahat ng mga makalumang damit

"Pasensya na binibini ngunit hindi ko maintindihan ang iyong sinabi" saad nya

"Don't you know how to speak English?" Nagtataka kong saad

"Binibini pasensya na talaga ngunit hindi kita maintindihan, ano ba ang lenggwahe na iyong ginagamit?"saad at tanong nya sakin

"I will repeat what I asked, What ar- i mean anong ginagawa nyo sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanila

"Ano bang sinasabi mo binibini?,hindi mo ito kwarto natagpuan ka namin sa gilid ng lawa na walang malay kaya dinala ka namin dito" saad ng kasama ng matanda, nilibot ko ang aking paningin sa silid kong saan ako naruruon at hindi nga ito saakin

"Wahhhhh!!"sigaw ko

"Binibini ano bang nangyayari sayo?" Tanong ng matanda habang di mapakali

"Asan ako?Gosh Asan ako?,I wish to escape my World for a while but not like this, Gosh where am I?" Natatarantang saad ko at naiiyak nadin ako

"Is it a dream? God please wake me up, I don't want this kind of dream" saad ko pa ulit

"Huminahon kayo binibini"saad ng matanda habang hinahagod ang likod ko, sa pag aalo nyang iyon ay unti unti akong kumalma

"Ngayong kumalma kana ay magpapakilala kami sa'yo binibini"saad ng matanda

"Ako nga pala si Rosa pero maaari mo akong tawaging Aling o Nanay Rosa, ito si Nina(sabay turo sa medyo may katandaan naring babae) at ito ang kanyang anak na si Beatrice" saad ni Nanay Rosa sa dalawang nakatayo sa likod n'ya,ngumiti naman ako sa kanilang dalawa

"Ikaw binibini ano ang 'yong pangalan?" Tanong ni Aling Nina, nataranta naman ako ulit diko alam kong sasabihin ko ang totoo kong pangalan o hindi

"Maria Aling Nina, Maria Gabriela Alcantara" saad ko dinagdagan ko ng Maria ang aking ngalan sapagkat ito ang unang pangalan na pumasok sa isip ko

"Kay gandang ngalan binibini ngunit hindi pamilyar ang 'yong gamit na apelyedo,Ano ba ang nangyari sa'yo binibini at napadpad ka sa baryo namin?,Sino ba ang 'yong mga magulang siguradong nag aalala na iyon ngayon" saad ni Nanay Rosa

"Matagal na ho akong Ulila Nanay Rosa, at hindi ko ho alam kung bakit ako napadpad dito" saad ko totoo naman talagang matagal na akong Ulila at hindi ko alam kong bakit ako napadpad sa lugar nato

"Ohh s'ya s'ya, ano na ang 'yong plano ngayon Maria?Hindi ka namin mapapatuloy dito ng matagal sapagkat katulong lamang kami sa bahay na ito, mabuti pa ay magpagaling ka kaagad at ng makauwi ka na sa inyo" saad ni Aling Nina, ang anak nya naman ay mataman lang na nakatingin sakin, hindi ako sanay na tawaging Maria for pity sake my name is Gabriela

"Wala ho akong uuwian Aling Nina,may bakante ho bang trabaho dito?,kung maaari ho sana ay tulungan n'yo akong makapasok" saad ko

"Sigurado ka ba binibini?Mukha ka namang mayaman ngunit bakit gusto mong maging katulong, maari ka namang umuwi sa inyo" saad ni Aling Nina

"Nako mukha lang ho akong mayaman aling Nina ngunit isa lamang po akong dukha" saad ko habang nakayuko,maigi nang manatili muna ako dito hanggat inaalam ko ang tungkol sa lugar kung saan naroon ako

"O s'ya bukas na bukas kung magaling kana ay ererekomenda kita sa aming Amo,magpahinga ka na muna" saad ni Nanay Rosa

"Thank yo-ang ibig kong sabihin ay salamat ho Nanay Rosa" saad ko, tumango lang naman sya at umalis na sila ni Aling Nina ngunit nanatili si Beatrice

"Kamusta na ang iyong pakiramdam  Maria?"tanong nya sakin

"Maayos na naman Bea" nakangiti kong saad, mataman ziyang tumingin sakin at mahinhin na ngumiti

"Hmm...napansin ko lang marunong kang magsalita ng Ingles, dito kasi ang mga mayayaman lamang ang marunong ng salitang 'yan,sila lang kasi ang may kayang makapag aral, iyan din ang ginagamit nilang lengwahe sa tuwing may mga piging o kasiyahan, kaya nagtataka talaga ako sayo Maria" saad nya ako naman ay yumuko lamang

"Ahmm.. H'wag mo ng pansinin 'yon Bea may nagturo lamang sakin ng mga simpleng salitang iyon" saad ko sa kanya

"At napansin ko rin ang kwentas na iyong suot, bihira lang din ang may mga ganyan ngayon, imbis kasi na bumili ng ganyan ay binibili na lamang ng pagkain" saad ulit nya habang nakaturo sa leeg ko, sinapo ko naman ang aking leeg kung saan ang kwentas na sinasabi nya,bigla namang lumaki ang mata ko ng maalala kung saan ko ito napulot, iyong weird na bata na nawala agad at ang weird na feeling ng sinabi ko ang mga katagang binitawan ko bago ako matulog, maaari kayang ito ang dahilan kung bakit ako naririto ngayon

"Maria, Maria" sigaw ni Bea sakin, grabe naman makasigaw toh, parang nawala ang isang mahinhin na babaeng kausap ko kanina

"Ano bang iniisip mo at natulala ka, kanina pa ako nagtatanong dito ehh" saad nya uli at bumalik na naman sa pagiging mahinhin

"Ahh wala may naalala lang ako, ano nga ulit 'yong tanong mo?" Saad at Tanong ko sa kanya

"Ka'ko saan galing yang kwentas mo?" Tanong nya sakin

"Ahm.. Bigay sakin ng inay ko bago sya nawala" pagsisinungaling ko sa kanya, at kailan ka pa naging sinungaling Gab, minus 1 talaga ako neto sa langit

"Ahh pasensya na at natanong ko pa" pagpapaumanhin nya

"Ano ka ba ayos lang at matagal narin naman yon" saad ko

"Beatrice,hay nako andito ka lang pala hayaan mo munang magpahinga si Maria, halika na at marami pa tayong gagawin"saad ni Aling Nina

"Sige Maria alis mo na ako ahh, paalam" saad nya bago sumunod kay Aling Nina

"Hayss" saad ko bago nagpasyang matulog.....

~~~~~~~~~~~~~

Wetweww..
1k words again
I hope you enjoy this Chapter babies

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now