CHAPTER 24

315 17 0
                                    


"Mahal mo ba talaga ang anak ko?" Mahinahong saad ni Madam Esmeralda, hindi ko parin talaga maiwasang kabahan kapag kausap ko siya, wala dito si Miggy may kailangang ayusin sa kompaniya niya kaya mas doble ang kaba na nararamdaman ko ngayon

"Maniwala man ho kayo o hindi, pero mahal na mahal ko ho ang anak niyo madam" mahina kong saad

"Sa totoo lang hindi kita gusto para sa anak ko Maria, maraming babae jan na sobrang lamang sayo, mas maganda, hamak na mas mayaman , at mas matalino sayo" saad niya, awts ahh

"Pero kahit naman ho mas maganda, mas mayaman, at mas matalino sila sa akin ay hindi naman ho sila ang mahal ni Miggy, tsaka paumanhin ho Madam pero kahit anong gawin n'yo, kahit na humadlang pa kayo sa amin ay hindi ko ho hihiwalayan si Miggy, mahal ho namin ang isa't isa" magalang kong saad

"Alam ko na mahal niyo ang isa't isa, ramdam ko iyon, nakita ko ang mga pagbabago kay Miggy simula ng makilala ka niya, iyong dating mainitin ay naging mahinahon na, iyong dating seryuso ay pala tawa na, he change so much when she met you" saad niya sa akin kahit na positive lahat ng sinasabi nya, hindi parin nawawala ang kaba ko

"Pero sobra akong nasaktan ng sumbatan niya ako, noong sabihin niya lahat ng hinanakit niya" saad ni Madam Esmeralda, her emotion change too

"Pasensiya na ho madam sa inasal ni Miggy" pagpapa umanhin ko

"Hindi mo naman kasalanan, napagtanto ko na kasalanan ko nga talaga, hindi ko siya pinalaki yet he grow up well , hindi ako naging Ina sa kaniya, ang dami kong pagkukulang, tingin ko nga napakasama kong ina, hinadlangan ko ang pangarap niya, pinagtrabaho ko siya sa kompaniya kahit hindi niya ito gusto at hindi niya ito gamay, and now I'm forcing him to marry a girl that he doesn't love, kaya siguro ganon nalang siya ka galit" malungkot na saad niya, nagbabadiya narin ang mga luha niya

"Siguro nga po hindi kayo naging mabuting ina kay Miggy sa mga nakalipas na taon, buwan, linggo, araw o oras, pero pwede naman ho kayong maging ina ngayon, alam ko naman po na hindi kayo matitiis ni Miggy" pagapapagaan ko sa loob niya, I'm not saying this para mag-palakas but because I know she need those words

"Huli na ang lahat Maria, hindi ko alam kung magiging mabuti pa ba akong ina sa kaniya, Alam kong matagal na akong kinamumuhian ni Miguelito at nadagdagan pa ito ngayon, hindi ko na alam ang gagawin   Maria, iwan ko ba pero sobra akong natatakot ngayon, sobra akong natatakot na baka mawala sakin ang anak ko,na baka bukas pag gising ko stranger nalang ako sa kaniya" saad niya, and there her tears fall, kaya I hug her immediately

"No it's not Madam, makakabawi ka pa ho kay Miggy, marami pong paraan para makabawi ka, I know Miggy he may act strong outside but his broke inside, his soft hearted madam, trust me po he will forgive you in no time, kailangan niyo lang ho siyang suyuin at patuloy po na hilingin ang kapatawaran niya" nakangiti kong saad dito, habang yakap siya na ginantihan naman siya

"Don't worry madam i got your back, tutulungan ho kita, ako pong bahala kay Miggy" dagdag na saad ko, she hug me back

"Maraming salamat Maria, at huwag mo na akong tawaging madam, tita nalang, o mas mabuting Mommy nalang din, Sorry sa mga nagawa ko sa'yo iha, sana ay mapatawad mo ako" pagpapa-umanhin na saad niya

"Nako Tita wala ho iyon, kalimutan niyo na ho iyon, wala naman ho kasing kaso sakin iyon" nakangiti kong saad at kumalas sa pagkakayakap ko kay Mada--este Tita

"Ngayon alam ko na kung bakit ka nagustohan ng anak ko, hindi ka nga talaga mahirap mahalin Maria, napakabuti ng puso mo, feeling ko nga wala kang badside ehh" nakangiti niyang saad, humupa nadin ang kabang nararamdaman ko, umaliwalas nadin kasi ang mukha ni tita, nako tita kong alam mo lang, masama din ang ugali ko minsan

"Hindi naman po tita, all of us had our bad side, imposible naman kasing wala, we just need to know or to learn how to handle it, like me I had my bad side and I hate everytime it take over my body, lalo na kapag galit na galit ako nakakapagsalita ako ng mga bagay na hindi dapat" mahaba kong saad

"J-Just like when Miss Victoria came here and started to flirt with Miggy, Hmm sorry for my words madam, I-I hmm answered her back and said the things she don't want to hear, I'm sorry for doing that madam, but i just did it for her to wake up, she's being disparate to take Miggy back to her" saad ko, langya bumalik na naman ang kaba ko, kasi tita Esmeralda is now silently looking at me, tahimik nadin akong nagdarasal na huwag siyang magalit

"I-I'm really sorry tita" mahina kong saad, geez hindi nako mapakali sa kina uupuan ko

"No it's okay iha, you did the right thing, i know Victoria is being desperate but I let her, Naging sarado ang isip at puso ko, akala ko kapag kinontrol ko si Miguelito, ay magiging ayos ang buhay niya, na kapag pinilit ko siya kay Victoria ay magiging masaya siya sa huli, na kapag pinilit ko siyang bitawan ang pangarap niya ay mas magiging successful siya, but I'm wrong, yes he has the wealth but i didn't realize that the bright future i wanted for my son, are long gone, at dahil din mismo sakin, the future he wanted were shattered because of me" malungkot na saad niya

"Past is past madam, you can no longer turn back time to fix the mistakes you've done, but it's never to late madam, gaya ng sabi ko kanina hindi pa huli ang lahat, pwede ka pa hong bumawi kay Miggy" nakangiti kong saad, shaking the nervousness I was feeling

"I'll take that as an advice iha, thank you for the time and thank you for comforting me, and please say sorry to Miggy for me" nakangiti niyang saad sa ka tumayo kaya ganon din ako

"Hmm. I think it would be better if you're the one who will tell that to him tita, but don't worry po ang iyong paghingi ng tawad ay makakarating po kay Miggy" magalang na saad ko, tumango lang naman siya sa akin bago umalis

"Hayss" malaks na buntong hininga ko at pabagsak na umupo sa sofa

"Ang lalim yata ng pag buntong hininga mo" saad ng kararating lang na si Bea kasama si Nanay Rosa, galing kasi sila sa palengke

"Nangaling kasi dito si Madam Esmeralda" saad ko kaya agad siyang napabaling sakin, at pati si nanay Rosa

"Inaway ka ba ni Esmeralda?" Tanong ni Nanay Rosa

"Hindi naman ho Nay, humingi nga ho siya ng tawad ehh, ang bait nga ho ni Madam" saad ko, may kung ano namang emotion ang naglalaro sa mga mata ni Nanay Rosa, tila ito'y pagkabahala? Ngunit bakit naman siya mababahala

"Iha huwag na huwag kang magtitiwala agad" paalala niya sakin, tumango lang naman ako sa kaniya, naging weird bigla si Nanay Rosa, I wonder why?

"Bakit kaya ganon nalang iyong reaction ni Nanay Rosa?" Tanong ni Bea ng makaalis si Nanay

"Baka nag-aalala lang" saad ko at nag kibit balikat

"Siguro nga" saad naman ni Bea at tumabi sakin, at nag umpisa ng magtanong

~~~~~~~~~~~~~
Hope you enjoy this chapter my stars

Your vote and comments are highly appreciated ^.^

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now