CHAPTER 17

366 24 1
                                    


Exhausted that's what I'm feeling right now, four hours na kaming naglalakad at feeling ko ilang minuto nalang ay bibigay na ang mga tuhod ko

"Hindi ba pwedeng magpahinga muna tayo, nakakapagod maglakad oyy" hinihingal kong saad

"Oo nga kahit sampong minuto lang" saad ni Bea na sinang ayunan naman ni Mina

"Malapit na tayo guys, mga isang oras nalang" saad ni Paul

"Isang oras nalang? At talagang nilalang mo lang talaga ang isang oras, ay kung baliin ko kaya yang buto mo" naiiritang saad ni Bea

"Miggy pahinga muna tayo please" saad ko sa kaniya

"Fine, limang minuto lang okay" saad n'ya kaya napangiti ako

"Tsk ang rupok"bulong ni Felix ngunit hindi ko iyong narinig

"may sinasabi ka Felix?" Tanong ko dito ngunit agad naman siyang umiling sa akin

"Hindi ba muna tayo kakain?" Tanong ni Mina

"Pagkain na naman yang nasa isip mo" saad ni Philip, sinamaan lang naman s'ya ng tingin ni Mina

"E sa gutom na ako e" pagdedepensa ni Mina sa sarili

"Pagdating nalang natin sa taas, malapit na naman tayo para deretso pahinga nadin" saad ni Miggy kaya sumang ayon nalang kami

AFTER walking for hours finally we reach our destination at isa lang ang masasabi ko it's perfectly beautiful, the view and the fresh air, worth it talaga yong pagod namin sa pag-akyat

"I'm done setting my tent" saad ni Miggy

"Me too" sabay sabay na saad ng tatlo pa naming kasamang lalaki

"Guys apat lang iyong tent na dala natin so pumili na kayo ng kasama n'yo" saad ni Paul

"I'll occupy one of the tent since sobra naman ng isa bahala na kayo pumili ng mga kasama n'yo" saad n'ya at pumasok na sa isang tent

"I'll be with Mina" saad ni Philip

"No" agad na saad ko, kaya tumingin s'ya saakin ng may pagtataka

"Lalaki ka at babae si Mina, alam kong magkasintahan na kayo pero hindi parin pwede ang pangit tingnan ng ganon, and i also promise Nanay Rosa and Aling Nina to take a good care of these two girls so no, no, no, bawal kayong magsama sa iisang tent" mahaba kong paliwanag at may pa iling iling pa na nalalaman

"Ngayon lang naman Maria e, promise wala akong gagawing masama kay Mina, at tsaka magkakalapit lang naman ang tent natin hindi naman kami aalis" saad ni Philip at napapakamot pa sa ulo

"Kahit na hindi padin magandang tingnan" pagrarason ko pa

"Let them Gab, hayaan mong sulitin nila ang bawat minuto na magkasama silang dalawa" saad ni Miggy habang nakatingin kay Philip

"Alam mo naman iyong about sa arrange marriage ni Philip diba?, pagkauwi na pagkauwi natin galing dito epapa engaged agad s'ya nila Tita, so let them be happy together Gab, let them savor every minute they have hmm" bulong saakin ni Miggy, kaya napatingin ako bigla sa kan'ya, alam na ba ni Mina? Nasabi na ba ni Philip sa kan'ya na nakatakda na s'yang ikasal sa ibang babae

"Gab sige na please" malambing na saad ni Mina saakin, I look at her and there I saw her smiling while looking at Philip, Ano kayang mararamdaman n'ya pag nalaman n'ya iyong totoo

"Sige" tanging naiusal ko nalang, napatalon naman siya dahil sa tuwa

"Gab tayo nalang sa isang tent" saad ni Bea kaya napatango nalang ako

"kami ni Miguel sa isa pang tent" saad ni Paul bago ito umalis at dinala na ang gamit n'ya sa loob ng tent

"Gab let's go" saad ni Miggy tsaka ako hinila kung saan, kaya nagtataka ko s'yang tiningnan

"Saan tayo pupunta Miggy?" Tanong ko sa kan'ya

"May ipapakita lang ako sayo" saad n'ya kaya hinayaan ko nalang syang hilahin ako

"Woah ang linis naman dito Miggy" namamangha kong saad, nandito kami sa isang sapa grabe ang linis dito at ang linaw din ng tubig, may panaka naka ring bulaklak sa paligid

"Pwede bang maligo dito Miggy?" Tanong ko sa kan'ya, ilang beses na kaya akong nakapagtanong sa kan'ya ngayong araw hehe

"Yes actually dito tayo maliligo Gab" sagot n'ya sa akin, oo nga naman wala naman kaming dalang tubig panligo so dito nga talaga kami maliligo, bobo lang Gab

"Hmm I have something to give you Gab" saad n'ya bigla, kaya napalingot ako sa kaniya, nakaupo kasi ako sa gilid ng sapa at nilalaro ang malinaw na tubig nito

"Ano naman iyon?" Tanong ko sa kaniya, may bigla naman s'yang dinukot sa kaniyang bulsa, lumapit sya sakin bago ipinakita saakin ang isang kwentas na nakasabit sa kamay niya, color silver ito at may heart na pendant napansin ko din ang maliit na bato sa ginta ng pendant nito, simple but beautiful

"Para saakin yan Miggy?" Wala sa sarili kong tanong sa kaniya

"Yup" sagot n'ya saakin bago s'ya yumuko at isinuot ito saakin

"Hindi ko naman kaarawan ahh, bakit may pa ganito ka?" Nagtataka kong tanong sa kaniya,nakatayo nadin ako ngayon at matiim na nakatingin sa kaniya, sandali siyang tumahimik bago nagsalita

"I like you Gab" biglang saad n'ya kaya gulat akong napatingin sa kanya ngunit nakaiwas na ito ng tingin saakin

"W-What?" Tauutal kong saad

"I like you, No I think I'm already in love with you, I tried stopping it Gab I promise I tried, pero kasi kahit anong pagpipigil ko mas lalo lang ata akong nahuhulog sayo, with your stupid act , with your beautiful smile and laughs, with your Wrangle attitude and with your sweet gestures, hindi ko alam na sa bawat araw na magkasama tayo unti unti mo na pala akong binabago" pag amin n'ya saakin, I don't know what to say, gosh I'm speechless

"I learn to smile, I learn fo laugh, I learn to be patient, I learn how to forgive, I learn how to be sweet, I learn how to love, and it's all because of you" nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita sya

I still didn't know what to say, plus my heart is beating too fast that i didn't know what to do anymore, i don't know what to feel, hindi ko alam kong matutuwa ba ako, malulungkot o maiiyak, I'm super confused sa kung anong nararamdaman ko ngayon

"Maria Gabriela Alcantara Can I court you?" Tanong n'ya sa akin ng walang pag aalinlangan, para naman akong tuod sa kinatatayuan ko, Gosh this man is confessing to me for fvck sake

"Woah I don't know what to say" I said honestly

"You don't need to answer now Gab, but I'm still courting you whether you like it or not" saad niya bago ako tinalikuran, tiningnan ko lang naman siya habang palayo siya sakin, but then suddenly I remember something, hindi ko nga pala alam iyong daan pabalik, kaya agad akong tumakbo para habulin s'ya, langya okay na sana e parang nasa pelekula na ako huhu

~~~~~~~~~~~~~~~~~

Cut

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now