CHAPTER 7

480 40 4
                                    

"GAB's POV"

I'm here at Miguel's room to tidy things up, inutusan n'ya 'ko kanina bago s'ya pumunta sa factory nila, base on what Mina and Bea said they own Sugar factory, Shoe factory, and Food factory, they also have Mining company, Fuentes Family is one of the most richest Family here in this world, they also have a lot of enemies in business world such as Davis, Parker, and  Reagan Family , this three Families are the most strongest opponents that Fuentes have, they're almost at the same level

Anyway when I'm done here, isasama ako nila Bea sa palengke nila, Since hindi pa ako nakapaglibot dito, they want to tour me around but we don't have time since we're working so they grab this chance to take me kahit sa palengke man lang

"Maria hindi ka pa ba tapos d'yan?" Sigaw ni Mina sa labas

"Almost don---I mean malapit na" sigaw ko pabalik, hays kahit mag iisang b'wan na'ko sa lugar na ito ay hindi parin ako sanay, minsan ay nakakaligtaan kong hindi nga pala ako maaaring magsalita ng Ingles dito

"Bilisan mo r'yan at aalis na tayo" sigaw n'ya ulit kaya dali dali ko nang inayos 'yong mga furnitures na nasa side table ni señorito tsaka kinuha ang mga cleaning tools na dala ko bago lumabas, nang malagay ko ito sa lalagyan ay agad akong nagtungo kila Bea

"Tara na" nakangiti kong saad Kaya tumango ang dalawa

"S'ya nga pala, saan tayo sasakay?"Pagtatanong ko sa kanila

"Sa kotse ni Señorito" sagot naman ni Bea

"Woahh, sigurado kayong sa kotse tayo sasakay? tsaka madami na bang mayroong kotse dito?" Di makapaniwa kong tanong

"Oo naman, pero mga mayayaman lang ang nagkakaroon nito, bukod sa mahal ay limitado lang ang binibintang kotse dito" saad ni Bea, so ang mundo 'to ay nasa gitna palang nagpagbabago o paglago ng ekonomiya, hmmm interesting, nang makarating kami sa garahe ng bahay ay nakita ko ang isang makalumang kotse, sa mundo namin bihira nalang ang may ganitong kotse since makabago na lahat doon ay upgraded na pati mga kotse, akalain mo 'yon may kotse na dito pero wala pang cellphone, kahit keypad man lang sulat kamay lang 'yong ginagawa nila para makapagpaabot ng message 

"Sino nga pala ang naka imbento ng kotse dito?" Tanong ko sa kanila, bago pumasok sa back seat ng kotse, kasama ko si Mina sa back seat at nasa front naman si Bea

"Ay hindi ko ba nasabi sa'yo?, Si señorito mismo ang may gawa ng kotseng ito, may sarili silang pagawaan ng sasakyan Maria" saad ni Bea kaya napanganga ako, what!? Miguel discover and build this thing? Hindi ko tuloy maiwasang humanga sa kanya, siguro super talino n'ya, seriously Gab siempre matalino s'ya kaya nga nakagawa s'ya ng kotse diba, minsan talaga napapatunayan ko na sa sarili ko na ang bobo ko

"Ang talino n'ya diba, kaya ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya mapamayaman o mapamahirap man, kaya ang dami mong kaagaw Maria" saad ni Bea

"Ano!? At bat mo nasabing ang dami kong kaagaw, hindi naman ako nakikipagpaligsahan ahh, at tsaka hindi ko s'ya gusto" sigaw ko sa kanila natawa lang naman silang dalawa

"Ayy hindi ba!? Kala ko may gusto ka kay señorito ehh" natatawang saad ni Bea

"At bat mo nasabi aber?" Tanong ko sa kaniya

"Ang mga titig mo Maria alam ko na yan ehh, para kang may lihim na pagnanasa kay señorito haha" natatawang saad ni Mina

"Ano!? Anong pagnanasa 'yang sinasabi mo" saad ko habang naka cross arm pa, 'admit it Gab pinagnanasaan mo talaga si Miguel' saad ng utak ko at tila isa itong echo dahil sa pagpapaulit ulit nito

"Sabing hindi ko nga pinagnanasaan si Miguel ehh" sigaw ko bigla, narinig ko namang tumatawa 'yong mga kasama ko kaya napatingin ako sa kanila, kahit nga si Mang kanor na nagmamaneho ng sasakyan ay natatawa rin, kaya nakaramdam ako ng hiya

"Oyy iniisip n'ya si señorito haha wala na namang nagsasabing pinagnanasaan mo s'ya at ano sabi mo? Oyy Pa Miguel Miguel ka na ngayon ahh" natatawang saad ni Mina at sinusundot sundot pa talaga 'yong tagiliran ko

"At kailan mo pa sinimulang tawaging Miguel si Señorito huh!? Haha" natatawa ding tanong ni Bea

"Sa isip ko lang naman dapat 'yon ehh" namumula kong saad

"Na'ko Maria si señorito ay parang isang matayog na pader, mahirap marating, lalo na kung wala kang kakayahang akyatin" makahulugang saad ni Mang kanor

"Si Mang kanor talaga, h'wag kayong ganyan hindi naman porket mahirap tayo ay wala na tayong karapatang mahalin ang isang taong hindi natin kaestado" saad ni Bea

"Sinasabi ko lang naman ito kay Maria upang maiwas o mapigilan n'ya ang kung anong nararamdaman n'ya kay señorito, sapagkat s'ya lamang ang masasaktan kapag nagkataon" saad ni Mang Kanor

"Naniniwala naman ho akong ang isang mayaman ay nararapat lamang sa isang mayaman, ang isang mahirap ay nararapat lamang sa kapwa nito mahirap, tsaka hindi ko naman ho gusto si señorito" saad ko pa habang nakayuko, to be honest I'm against of what i say, I'm against of their beliefs that rich people should only love rich people, and poor are for poor only, I mean bakit sila ganon, di naman nila nasisigurado kung kanino mahuhulog o kung sino ang mamahalin ng puso nila, rich or poor they have their rights to love who they want to love, in my world may ibang tao na ganito ang paniniwala pero mayroon din naman na kasalungat nito, in fact madami ng couples ang nagpapakasal kahit magkaiba sila ng estado sa buhay, so I'm wondering bakit ganito sila dito, hmm.. Maybe for power or for fame, 'nako Gab napakasinungaling mo talaga' saad ko sa utak ko when i realize that i lied again, iba 'yong paniniwala ko sa sinabi ko

"Tara na Maria andito na tayo" saad ni Mina kaya napatingin ako sa kanya tsaka ngumiti, bumaba na ako sa kotse, when i roam my eyes isa lang ang masasabi ko WOW, ang linis ng palengke nila, maraming tao ang nandito ngunit napakalinis parin ng paligid para bang alagang alaga nila ang lugar na'to, medyo maingay din dito pero di kasing Ingay mg palengke sa mundo ko, hindi nagsisisigaw 'yong mga tindera dito mahinahon lang sila habang nagtitinda at nagaalok na sakanila bumili

"Tara Maria dito tayo" saad ni Bea tsaka ako hinatak papunta sa bilihan ng mga karne at isda

"Magkano ho ito Ate?" Tanong ni Mina habang tinuturo ang karne ng baboy

"Singkuwenta lang ining" saad ng medyo may katandaan naring babae, woah singkuwenta? Ehh saamin nga nasa 220 or 250 na ang isang kilo ng karne

"Pabili nga ho ng limang kilo" saad ni Mina

"At limang kilo din ho ng isda" saad naman ni Bea

"Ang dami naman n'yan" saad ko

"Siempre pang isang linggo na'to" sagot naman ni Bea, nang mabayaran na nila ang pinamili ay nagtungo naman kami sa bilihan ng mga gulay at prutas at nagumpisang pumili ng mga bibilhin

"Ohh ano nabili n'yo na ba lahat ng nasa listahan?" Tanong ko sa kanila, Nang matapos kami sa pamimili, gumawa kasi ng listahan si Nanay Rosa para sa pamimilhin namin

"Oo tara na, at magluluto pa tayo uuwi pa naman si señorito" saad ni Bea na ikinatango ko

"Bilisan natin at baka mapagalitan tayo ng Miguel ni Maria" malukong saad ni Mina na ikinalaki ng mga mata ko, akmang hahampasin ko na s'ya ng dali dali s'yang lumakad palayo at ang bruha tumatawa pa

"Mina" tanging naisigaw ko nalang

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 7 is done...
I hope y'all like it.......

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now