CHAPTER 6

500 43 3
                                    


"Still GAB's POV"

We're here at the garden looking at our señorito sipping his cup of coffee in the veranda of his room and his topless kaya itong dalawa kong kasama ay parang may mga uod ang mga pwet dahil sa tanawing nakikita, if i know kinikilig ang dalawang ito

"Grabe ang gwapo talaga ni señorito, para s'yang Anghel na nalaglag dito sa lupa, grabe hulog s'ya ng langit" saad ni Mina habang nakatingin kay Miguel, I decided to call him Miguel in my thoughts since they can't hear my thoughts naman

"Napakamatipuno talaga ni señorito, tingnan n'yo 'yong katawan n'ya napakalalaki ng mga braso, halatang halata talaga na alagang alaga n'ya 'yong katawan n'ya" saad ulit ni Mina na may papikit pikit pang nalalaman, kahit kailan baliw talaga, I look at Miguel and I must admit he has a well built body,he looks like a model, with a six pack abs, wide back and muscles that can surely kill you if he used it to strangle you

"Napakaswerte ng mapapangasawa ni señorito" biglang saad ni Bea, kaya napatingin ako sa kanya

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya

"Syiempre bukod sa gwapo sya at may magandang katawan, masipag s'ya, kaya na n'yang tumayo sa sarili n'yang mga paa at kumawala sa mga magulang n'ya kung gugustohin n'ya, may sariling mans'yon, at talentado pa s'ya" saad ni Bea kaya napatango nalang ako, wala naman akong gustong sabihin o ni balak kontrahin ang mga pinagsasabi n'ya

"At alam mo bang isa s'yang sikat na manunula" saad ni Mina  kaya napunta sa kanya ang atens'yon ko

"Manunula?" Tanong ko

"Oo at katunayan n'yan may sarili na s'yang libro ng mga tula, ang gamit n'yang ngalan ay....hmmm Ginoong makata!? Oo tama Ginoong makata nga, at alam mo ba na sa bawat tula na nakapaloob sa libro n'ya ay parang kinikwento n'ya ang talang buhay n'ya" si Bea naman ang nagsalita at tila manghang mangha pa

"Kapag nabasa mo talaga ang mga tula n'ya ay tiyak na mauunawaan mo kung bakit ganyan 'yong ugali n'ya" saas ulit ni Bea

"Ikaw ba naman pagkaitan ng pangarap at ang masaklap pa don ehh 'yong mga magulang mo pa 'yong dahilan kung bakit hindi mo maabot 'yong mga pangarap mo" saad ni Mina , then suddenly I feel pity for him sa mga kwento nina Mina tila nagbago 'yong tingin ko kay Miguel, parang gusto ko s'yang pasayahin,i wish for his happiness, I've been here in this world for 2 weeks and i never even saw him smile nor smirk again, lagi s'yang nasa kwarto n'ya lalabas lang s'ya kung may iuutos o kakain and i never saw his parents visit him

"Hay nako tara na nga, baka pagalitan tayo ni Aling Rosa ehh kanina pa tayo wala don sa loob, baka nag aalburoto na rin don sa loob 'yong malandi at inggiterang si Helga" natatawang saad ni Mina at pati kami ni Bea ay natawa narin, and I know all of you are wondering who's Helga, she's one of the maid here in the Mansion but she act like she's the boss sa tuwing kaharap n'ya kaming tatlo, pero mukha naman s'yang anghel kapag kaharap n'ya sila Nanay Rosa at si Miguel tskk what a two sided bitch

"Tara na nga at baka tumalak na naman 'yon na parang manok akala mo naman kung sino ehh parepareho lang naman tayong katulong, tsaka nakakarindi pa naman boses no'n baka pagsumigay 'yon mabingi tayong tatlo haha " natatawa ko ring saad tsaka sila hinatak papasok ng mans'yon

.
.
.
.
.

When we arrive inside we saw Helga roaming around na parang may hinahanap s'ya, when her eyes landed to us she immediately come toward us

"Here comes the bitch" bulong ko sa sarili ko

"Andito na 'yong taong kung makaasta ehh reyna, kasambahay lang din naman pala, ang hula ko sisigaw na naman yan" bulong ni Mina na nasa right side ko , pinapagitnaan nila ako ni Bea ng makarating si Helga sa harap namin ay bigla nga s'yang sumigaw

"At saan kayo galing!! Ang dami daming trabaho dito na ibinilin sakin ni aling Rosa tapos kayo pagala gala lang!! H'wag kayong asal prinsesa parepareho lang tayong kasambahay dito" sigaw n'ya, bwesit naman napakasakit sa tenga

"At hindi nga ako nagkamali sisigaw s'ya tangina napakasakit sa tenga" bulong ni Mina tskk mukhang away na naman tohh

"Ehh sayo pala ibinilin bat ka galit samin, kung gusto mo ng tulong sabihin mo lang hindi 'yong sisigaw ka!! at nagmamakaawa ako sayo Helga h'wag kang sisigaw akala mo ba ang ganda ng boses mo pwess sasabihin ko sayo ang PANGIT NG BOSES MO, nakakarindi" mahinahon ngunit may pagsusungit na saad ni Bea

"Aba't sumasagot ka na" galit ba sigaw ni Helga

"Syiempre may bunganga ako, sabihin mo nga sakin bakit tayo binigyan ng bibig kong hindi natin gagamitin, at tsaka tungkol sa sinabi mong h'wag kaming asal prinsesa dahil parepareho tayong kasambahay, hoyy Helga kailan kami naging asal prinsesa huh!? may kanya kanya tayong ginagawa sa mas'yon nato at tapos na naming gawin ang mga gawain na nakaatang samin, ehh 'yong sayo? Diba ikaw 'yong umaasa samin, parepareho tayong kasambahay dito kaya gawin mo yong trabaho mo, yong trabaho mo bilang kasambahay hindi 'yong gawain ni señorito na magutos kung anong gagawin namin" saad ni Bea na mahinahon sa umpisa na naging sigaw na sa huli, grabe ang nanay n'yo teh ang hot ng ulo hahaha hinihingal pa s'ya dahil sa pinagsasabi n'ya

"Gawin mo 'yong trabaho mo h'wag 'yong kami 'yong pag iinitan mo dahil hindi mo ginagawa ang mga nakaatang sa'yo, sa tingin mo gagalaw ng mag isa yang mga plato para hugasan ang sarili nila!? Hindi matatapos 'yang mga trabaho mo kung dimo sisimulan, kaya galaw galaw din Helga, hindi 'yong putak ka ng putak kala mo naman magandang pakinggan, boses kambing naman" naiirita kong saad sabay role eyes pa

"Oo nga, Oo nga" saad ni Mina, kaya napatingin kami sa kanya at ang gaga tumatango tango pa haha, baliw talaga

"Kayo" sigaw ni Helga habang tinuturo kaming tatlo

"Ohh bakit?, dedede ka?" Pang-aasar ko sa kanya, the hell Gab anong pinaggagagawa mo, para kang baliw

"Hayss , hindi pa tayo tapos" sigaw ulit ni Helga bago nagmartsa palayo

"Taposin mo muna yang mga trabahong nakaatang sayo hindi 'yong mang-aaway ka bigla dika naman inaano" sigaw ko sakanya

"Haha para s'yang bubuga ng apoy kanina" tawang tawa na saad ni Mina

"Hindi ko alam bat tayo pinagiinitan n'yan ehh" saad ko

"Naiingit sa ganda nating tatlo, palibhasa kasi pangit haha" tumatawang saad ni Bea sabay aper nila ni Mina, hayss napailing nalang ako dahil sa pinaggagawa nila

"Ohh nawala atahh pagka mahinhin natin ahh!? Angas natin kanina ahh nakalimutan atah nating maging dalagang pilipina" tumatawa kong saad, hahaha para san pa't suot nami'y saya kung asal namin kanina'y  parang maninipa na..

~~~~~~~~~''''''

Hope ya"all enjoy this chapter
As usual 1000+ words
Make that star glow babies, that's if i deserve it.. Lol and if you have time kindly leave a comment just wanna read some feedbacks....
Thank you °³°

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now