CHAPTER 8

440 38 4
                                    


"Still GAB's POV"

"Maria ining" tawag saakin ni Aling Nina

"Bakit ho Aling Nina?" Tanong ko sa kanya ng makarating ako kung saan s'ya naroroon

"Maaari bang tawagin mo si Señorito at kakain na" saad ni Aling Nina

"Ahh sige ho Aling Nina" sagot ko lamang tsaka umakyat sa ikalawang palapag ng bahay at nagtungo sa kwarto ni Señorito

"Señorito" tawag ko sa kanya ngunit wala akong nadinig na sagot, kaya kumatok ako ng tatlong beses

"Señorito" tawag ko ulit ngunit wala paring tugon kaya kumatok akong muli

"Senori--to" saad ko at nabitin pa ang huling salita ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang isang napagwapong ginoo, Miguel is topless at towel lang ang nakatakip sa pang-ibaba n'ya, and waters are still dripping on his hair, he looks like a greek god, omg so hot

"Are you done checking me out?" Malukong saad ni Miguel na nagpabalik sakin galing sa pagpapantasya

"A-Ano?" Nauutal ko pang tanong

"Tapos ka na bang pagpantasyahan ang katawan ko Gabriela, at talagang nakanganga ka pa, ang gwapo ko ba talaga" saad niya with his famous smirk, walang hiya talaga Gab

"H-Hindi ahh, B-Bumababa k-ka na daw sabi ni A-Aling N-Nina handa na daw ang pagkain" saad ko at talaga nautal pa, ayan kasi daydreaming pa Gab, kamusta ang mahuli tsk tsk

"Hmm... Parang nag-eenjoy ka yata katititig sa katawan ko Gab at kahit nahuli kana ay sige ka parin ng sige" natatawa n'yang saad, at doon ko lang narealize na nakatitig na naman ako sa katawan n'ya, Gaga ka Gab

"Gusto mo bang bumaba ako ng ganito para naman maenjoy mo lalo 'yong view" saad n'ya pa

"H'wag" agaran kong turan at talagang tinulak ko pa s'ya papasok ng kwarto n'ya, nahawakan ko tuloy 'yong abs n'ya omayy ang tigas kyahh

"Okay, okay, ang damot mo pala Gab, ayaw mo e share 'yong view na nakikita mo ngayon at hindi lang nakikita nahahawakan mo pa" saad n'ya kaya napabitaw ako bigla at alam kong kanina pa pulang pula 'yong mukha ko,kaya ang luko nakangisi na naman,at taglish ang gago, pero isa lang ang masasabi ko gosh too much embarrassment

"Sige susunod nalang ako, and Gab please stop biting your lips it's giving me the urge to kiss you" saad n'ya tsaka isinara 'yong pinto, kaya lalo akong namula dahil sa sinabi n'ya, gago ano daw, kyahh

"Ohh Maria bat ka namumula may sakit ka ba?" Tanong ni Nanay Rosa ng makababa ako, at sinipat n'ya pa talaga 'yong noo ko

"Ahh wala po Nanay Rosa" saad ko tsaka ngumiti

"Saan ka ba nanggaling at ganyang 'yang mukha mo?" Tanong n'ya ulit

"Ahmm dyan lang po Nay" sagot nalang

"Ohh s'ya ako'y tulungan mo dito ining, pakilagay na lamang ito sa hapag" saad ni nanay at inabot sakin ang caldereta which is my favorite Filipino cuisine, kaya natakam ako bigla

"Ahh sige ho Nay" saad ko nalang at nagtungo sa hapag at nilagay ko ang caldereta malapit sa upuan ni señorito

"Andito na ang señorito" saad ni Nanay Rosa kaya napatayo ako ng tuwid

"Maria ipaghila mo ng upuan si Señorito" saad ni Nanay Rosa, akmang gagawin ko na ang iniutos ni Nanay ng biglang humakbang si Helga at s'ya na ang naghila ng upuan para kay señorito kaya hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko, ang akala ko ay uupo na si señorito Miguel ngunit nagkamali ako, tumingin s'ya sakin at ibinaling ang tingin kay Helga

"Hindi ko alam na Maria narin pala ang ngalan mo ngayon Helga" malamig na saad ni señorito na ikinalaki ng mata ni Helga, narinig ko naman sila Mina na tumatawa sa gilid ko

"Señorito?" Parang nagtatanong na saad ni Helga na wari ko'y gulat parin sa sinabi ni señorito

"Si Maria ang inutusan ni Nanay Rosa kaya bakit ka nandito?, maliban nalang kung Maria din ang pangalan mo" nakataas na kilay ni Miguel, bumungisngis naman lalo ang mga kasama ko, maging ako nga'y natatawa narin sa mga pinagsasabi ni Miguel

"N-Naisip k-ko ho kasi na mas m-malapit a-ako sa inyo señorito kaya ako na ang gumawa ng iniutos ni Aling Rosa" nauutal na saad ni Helga, napa role eyes naman si Miguel, ayy ang attitude

"Tsk epal talaga" saad ni Mina kaya napatingin kami sa kanya, napatingin naman s'ya sa paligid at unti unting nag peace sign haha, tumingin naman ako kay Helga na ngayon ay masama na ang tingin kay Mina

"Sa susunod kasi h'wag papansin, nasobrahan ka yata sa sipag ngayon at pati iyong iniuutos kay Maria ay ikaw na ang gumagawa" masungit na saad ni Bea haha, I really saw Francine to her by the way I miss that woman pati narin ang inaanak ko

"Bumalik ka na sa pwesto mo iha" mahinahon na saad ni Nanay Rosa, kaya dalidali sumunod si Helga na ngayon ay nakayuko,siguro dahil sa hiya tsk

"Gabriela" tawag sakin ni señorito kaya agad akong tumingin sa kanya

"Bakit ho señorito?" Agaran kong saad

"Señorito na ngayon parang nong kailan lang Miguel tawag mo ahh haha" tumatawang bulong ni Bea sakin kaya palihim ko s'yang kinurot sa tagiliran kaya mahina s'yang napa arey, kahit kailan napakasira ulo

"Hmm.. Nakakain kana ba?" Biglang tanong ni señorito kaya nabaling ulit sa kanya 'yong attention ko

"Hindi pa ho señorito" nag aalangan kong saad

"Tara kain tayo" pag aya n'ya sakin, kaya ang dalawa kong katabi ay parang mga tanga na nakangiti sakin tsaka sabay pang kinurot 'yong tagiliran ko kaya napaigik ako, napatingin naman sakin sila Nanay Rosa at pati narin si señorito, kaya ngumiti nalang ako ng alanganin, my gosh kahihiyan layuan mo'ko

"Ayos kalang ba Gab?" Tanong ni señorito Miguel

"Huh? Ay oo señorito okay lang ho" saad ko naman tsaka parang timang na alanganing tumawa

"So tara kain tayo!?" Parang tanong na hindi ni Miguel

"Ahh mamaya na ho ako kakain señorito, sasabay nalang ho ako kila Nanay Rosa" saad ko sa kanya, saglit naman s'yang natahimik at parang nag iisip

"Ganito nalang, sumabay nalang kayong lahat sakin" saad ni señorito Miguel sa mahinahong boses

"Nako señorito h'wag na po" saad ni Nanay Rosa

"Sige na Nay, pakitawag nalang din sila Mang kanor para makasabay kayo sakin" saad n'ya tsaka tumingin sa'akin

"Umupo na kayong lahat,At ikaw Gab, lumapit ka dito" saad ni Señorito kaya nagsi-upuan na 'yong mga kasama ko, ako nama'y lumapit kay Miguel gaya nga ng utos n'ya

"Bakit ho señorito?" Tanong ko sa kanya, tinuro n'ya naman 'yong upuang nasa gilid n'ya ngunit nakita kong papaupo na si Helga doon, kaya tumingin ako kay señorito na parang nagtatanong

"Umupo ka dito sa tabi ko"

~~~~~~~~~~~''~''

Cut na muna

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now