CHAPTER 13

405 32 3
                                    


"Ano na nga Maria?" Tanong ni Mina

"Kayo na ba?" Tanong naman ni Bea, kanina pa nila akong kinukulit na dalawa, asking what they so last night hindi talaga nila ako tinitigilan simula pa kagabi

"Wala nga, sabihin na nating magkaibigan lang kami ni Señorito" saad ko sa kanila, totoo naman kasi wala naman talagang namamagitan saming dalawa

"Magkaibigan daw pero kilig na kilig kagabi" saad ni Bea na ngayon ay may mapang asar na na ngiti

"Nakakairita ka Miggy, Sakalin kita d'yan ehh" saad ni Bea at pilit ginagaya iyong boses ko

"Ayos lang naman na sakalin mo ako,
Sakalin ng pagmamahal" saad ni Mina at pilit ding ginagaya iyong boses ni Miggy

"Miggy umayos ka nga, kinikilig ako" panggagaya ulit ni Bea sa boses ko at talagang ginaya pa iyong ginagawa ko kagabi, langya ako na iyong nahihiya para sa ginawa naming harotan ni Miggy

"Hahaha Oo na aalis na, baka mangisay ka pa d'yan sa kilig pagbumanat pa ako" Saad ni  Mina, mga siraulo talaga

"Mga sira" saad ko at nagpatuloy sa paglalakad

"Suss kunwari ka pa ei kinikilig ka lang naman" saad ni Mina

"Ano na nga Maria, kayo na ba?" Tanong ni Bea, ang kukulit talaga

"Tumigil nga kayong dalawa, sabing wala nga kaming relas'yon" saad ko

"Wala pa sa ngayon" bulong ko, I mentally slap my self, gosh Gab ano ba iyang pinag-iisip mo

"Suss basta sabihin mo samin kung meron na haha" tumatawang saad ni Mina, hindi ko naman maiwasang mamula, langya nakakahiya

"O s'ya tara na at tutulong pa tayong maglinis sa Harden" saad ni Bea tsaka naunang umalis kaya sumunod nalang kami ni Mina.

"Maria Ining" tawag sakin ni Nanay Rosa, kasalukuyan kami ngayong naglilinis sa Harden

"Bakit ho Nay?" Tanong ko sa kan'ya

"Tulungan mo nga ako dito Ining" saad n'ya habang tinuturo iyong mga malalaking bulaklak

"Kaya ba natin ito Nay?" Nag-aalangan kong saad mukha kasing mabigat

"Wala kasi dito sila kanor, nagpaalam kay Señorito na uuwi muna nagkasakit kasi iyong Apo n'ya" saad ni Nanay Rosa

"Ehh iyong iba Nay?" Tanong ko ulit, hindi naman sa nagtatamadtamaran hindi lang talaga kaya kasi malaki iyong paso ng bulaklak na ito at mukhang hinulmang semento ito dahil narin sa bigat nito

"Baka kasi hindi natin makaya Nay, tsaka baka masaktan ho kayo kung tayo ang magbubuhat" pagpapaliwanag ko

"Ako na Nay" saad ng baritong boses sa likod ko, nang lingunin ko ito ay natagpuan ko si Miggy na nakatayo sa likuran ko may mga kasama din ito

"Sigurado ho kayo Señorito?" Tanong ni Nanay Rosa, tumingin naman si Miggy sakin tsaka tumango kay Nanay Rosa, ng akmang bubuhatin na ito ni Miggy ay nagsalita ako

"Miggy sigurado ka ba? Mukha kasing mabigat iyan, baka masaktan ka" nag aalala kong saad, nagsinghapan naman ang tatlong kasama n'ya pati narin si Nanay kaya napatingin ako sa kanila, bakit kaya , may problema ba sa sinabi ko?

"Ayos lang Gab, tsaka anong akala mo saakin? Mahina kayang kaya ko ito" saad n'ya saakin

"Hindi naman sa ganon Miggy baka kasi mas'yadong mabigat, kami nalang ang magbubuhat, maghahanap nalang ako ng tutulong, tsaka trabaho ko naman iyan" saad ko sa kan'ya

"Ayaw mo akong pabuhatin kasi baka mabigat, tapos ikaw ang magbubuhat edi ikaw ang masasaktan n'yan, mas mabigat to para sayo Gab, tsaka hindi ito ang trabaho mo, ang trabaho mo lang ay ang maglinis ng kwarto ko, ang maghain ng kakainin ko at sumabay sakin kumain, at idagdag mo narin ang pag-aalaga saakin" saad ni Miggy, nalaglag naman bigla ang panga ko dahil don, takte ano daw ang simple simple ng sinasabi n'ya pero apektado ako mas'yado

"Totoo ba tong naririnig ko, Si Miguelito na yelo ay naging si Miguelito na nagpapasok sa kwarto, nagpapasabay kumain, nagpapa-alaga at nag-aalala sa isang babae" saad ng kasama n'ya

"At take note hindi natin nagagawa iyon" saad ng isa pa nilang kasama

"Natamaan na ba itong si Miguelito" saad pa ng isa

"Tumahimik nga kayo" naiiritang saad ni Miggy

"Tulungan n'yo ko dito" saad n'ya na agad namang sinunod nong tatlo

"May namamagitan ba sa inyong dalawa ni Señorito ining?" Biglang taning ni Nanay Rosa

"Haluhh wala Nay, magkaibigan lang kami" agarang sagot ko naman

"Ayos lang namang magkagusto kay señorito lalo na't nakikita kong unti unti na s'yang nagbabago dahil saiyo, natutunan n'yang ngumiti at tumawa dahil sa iyo, kung mahal n'yo man ang isa't isa ay taos puso ko kayong susuportahan" saad ni Nanay Rosa, kaya napangiti ako ng bahagya sa kan'ya

"Haha wala talaga Nay, tsaka kung sakaling magkagusto po ako sa kan'ya tiyak na wala po akong pag-asa haha" natawa kong saad

"Bakit mo naman nasasabi iyan Ining?" Tanong ni Nanay

"Kasi ho Nay nasa taas s'ya nasa ilalim ako, kung baga langit s'ya lupa ako, malabong malabo, ang hirap n'ya kasing abutin" saad ko kay Nanay habang nakatingin kay Miggy na nagbubuhat parin

"Hindi basihan ang istado sa buhay kapag nagmamahal ka Ining" saad ni Nanay saakin

"Maaaring hindi basihan ang istado kung nagmamahal ka pero ang tanong, pahihintulutan ba ng mundo ang inyong pag-iibigan? Kahit mahal n'yo ang isa't isa kung tutol ang tadhana wala ring patutunguhan" mahaba kong saad, ngumiti naman saakin si Nanay Rosa bago nagsalitang muli

"Maaring marami ang humadlang at sumubok sa inyong pag-iibigan ngunit kung magkahawak kamay kayong lalaban walang makakatalo sa inyo, kahit tadhana, oras, o kahit ang mundo pa ang humadlang sa inyo kung kasing tigas kayo ng bato at kasing tibay ng pader mananatili kayong nakatayo at patuloy na lumalaban" mahaba ring sagot ni Nanay

"Kahit anong unos pa ang dumating Maria, kahit mawala ka pa makakahanap at makakahanap parin ng paraan ang puso mo para makabalik sa tunay na nagmamay-ari nito" makahulugang saad ni Nanay, napatingin ako sa kan'ya ngumiti lang naman s'ya saakin na akin ding tinugunan

"Nay ano hong pinag-uusapan ninyo ni Gab?" Sulpot bigla ni Miggy

"Ahh wala iho" saad ni Nanay

"May gagawin po ba kayo ni Gab?" Tanong n'ya ulit

"Bakit mo natanong iho?" Tanong pabalik ni Nanay

"Hihiramin ko ho sana si Gab, tsaka ipapakilala ko narin sa mga kaibigan ko" saad ni Miggy, tumango lang naman si Nanay kaya agad akong hinila ni Miggy

"I'll introduce you to my friends" bulong nito saakin

"Bakit naman?" Tanong ko sa kan'ya

"Nothing I just want to introduce you" bulong n'ya naman ulit

"""""""""""""""""""""""""

Chapter 13 is done
Only 17 to go!!
O diba ang layo pa haha

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now