CHAPTER 26

322 16 0
                                    

"STILL GAB's POV"

"Maria ining tara na at mamamalengke na tayo" tawag sa akin ni Nanay Rosa, inaya niya kasi akong mamalengke ngayon, dahil wala siyang katulong, busy din kasi ang iba dahil may kaniya kaniya silang gawain na iniutos ni Miggy, and for now wala na namang gumugulo saming Victoria at wala ring Helga na sumisira ng araw ko

"Andiyan na ho Nay" magalang na saad ko, syiempre kailangan nating maging magalang mga teh

"Tara na at naghihintay na si kanor don sa labas" saad ni Nanay Rosa, ngumiti ako sa kaniya bago ko hinawakan ang kamay niya

"Ohh Rosa andiyan na pala kayo, Sige na at sumakay na kayo ng tayo'y makaalis na" saad ni Mang kanor, na agad naming sinunod ni Nanay Rosa.

NANDITO na kami sa palengke, naghiwalay kami ni Nanay Rosa para matapos kami agad siya sa karne at Isda ako naman sa gulay at prutas

Abala lang ako sa pag check kong nabili ko na ba lahat ng inilista ni Nanay Rosa sa ibinigay niyang listahan

"Patatas-check, repolyo-check, carrots-check, sitaw-check" mahina kong saad

"Oyy Maria ikaw ba yan?" Saad ng isang pamilyar na boses sa likuran ko kaya agad akong napalingon doon, and there i saw Silas, told you maaari mo siyang makita sa mga lugar na hindi mo aakalaing pupuntahan ng isang mayaman na gaya niya

"Ohh Silas ikaw pala, at anong ginagawa ng isang mayamang ginoo dito sa palengke?" Saad ko at pabirong nagtanong sa kaniya

"Suss hindi ka na nasanay na makita ako kahit saan Maria, ehh ilang beses na tayong nagsasalubong sa mga lugar na ganito" saad niya sa akin, kaya napatawa ako ng bahagya at tumango, totoo naman kasi lagi nalang, kahit sa sakayan ay nakakasalubong ko siya, mas isa pang pagkakataon na nagkasama kami sa isang kalesa

"Ano ngang ginagawa mo dito sa palengke, huwag mong sabihin na namamasyal ka dito haha" natatawa kong saad

"Syiempre hindi, mamamalengke sana kasi si Aling Amanda kanina, naubusan kasi ng stock, e wala iyong tagapagmaneho idi nagpresenta ako na ako nalang, sakto at wala naman akong gagawin, tsaka para makapagpahinga din si Aling Amanda, lalo na at kakagaling niya lang sa lagnat" sagot niya sa tanong ko kanina

And he was talking about their house maid Aling Amanda, this guy sa kabila ng minsang seryuso niyang mukha ay may kasweetan din palang tinatago, hes always like this, he always care to the people around him, kadugo man niya o hindi

"Ang sipag natin ahh, tyaka nga pala kamusta na si Aling Amanda? Maayos na ba siya?" Tanong ko dito

"Maayos na naman siya, kailangan lang ng kaonting pahinga" sagot niya sa akin

"Hmm, libre ka ba ngayon Maria? Kung hindi naman pwede ba kitang ayain sa malapit na karenderya diyan sa kanto? Matagal tagal na rin mula ng huli tayong nag-usap" saad niya, napa-isip naman ako bigla, wait busy ba'ko? Naalala ko naman bigla si Nanay Rosa

"Pasensiya na Silas pero kasama ko kasing namili si Nanay Rosa, sa susunod nalang siguro, pasensiya na talaga, hayaan mo babawi ako sa susunod" nakangiti kong saad

"Ahh ganon ba, tsaka ano kaba Maria hindi mo kailangang humingi ng tawad, sige mauna na ako baka kasi may gagawin ka pa, at nakaka-istorbo na ako sayo" saad niya, natawa lang naman ako, may pagka OA din toh minsan ehh

"Sige, paalam Silas" nakangiti kong saad, kumaway naman siya saakin

"Sino iyon ining?" Sulpot na tanong ni Nanay Rosa, na ikinagulat ko, bahagya pa akong napaiktad

"Ano ka ba nay nakakagulat ka naman" saad ko habang humahawak sa dibdib ko, nagulat talaga ako promise

"Si Silas po iyon Nay, Si Silas Davies kaibigan ko" nakangiti kong saad

"Davies? Parang pamilyar ang apelyedo niya, teka siya ba ang anak ng kalaban ni Señorito sa larangan ng negosyo?" Tanong ni nanay kaya tumango ako sa kaniya

"Nako alam na ba ito ni Señorito Ining?" Tanong ulit ni Nanay

"Hindi pa ho Nay, hindi naman ho siguro magagalit si Miggy, tsaka kaibigan ko lang naman ho si Silas" sagot ko sa kaniya

"Kaibigan nga lang ba?" Tanong niya sa akin, kaya napakunot ang noo ko

"Oo nay tsaka mahal ko po ang señorito kaya hinding hindi ko ho siya ipagpapalit, at parang kapatid lang naman ho ang tingin ko kay Silas at wala na hong hihigit pa don" sagot ko naman sa tanong niya

"Siguro nga'y kaibigan lang ang turing mo sa kaniya, pero ganon din kaya ang tingin niya sayo? Alam kong hindi lang kaibigan ang tingin niya sayo ining, sa mga klase ng tingin niya sayo alam na alam ko na may gusto siya sayo" saad ni Nanay Rosa, kaya wala sa oras na napatingin ako sa kaniya

"Paano niyo naman ho nasabi yan Nay?" Tanong ko ulit dito, nakakaramdam narin ako ng kaba, gosh paano kong tama nga siya, alam kong hindi ko masusuklian ang nararamdaman ni Silas

"Ang klase ng tingin niya sayo ay kapareho ng ginagawad niyo ni Señorito sa isat isa, sa tuwing tinitingnan niyo ang isat isa" saad ni Nanay Rosa sa akin, hindi ako nakaimik dahil don, sana mali ang hinala ni Nanay

TULALA, tulala ako habang pauwi sa bahay, still thingking about what Nanay Rosa said, hindi naman diba? Hindi naman possibleng magkagusto sakin si Silas diba? Ayukong mag assume, pero pinapanalangin ko na sana mali lahat ng iyon

"Hon tulala ka" saad ni Miggy, snapping me in my deep thought, ano bayan kailangang laging may taong kuma-usap sakin para lang mabalik ako sa realidad

"Lumilipad na naman kung saan iyang utak mo, tell me saan ka na ba nakarating?" natatawang saad ni Miggy, kaya napanguso ako

"Tae mo tsk" saad ko tsaka umirap sa kaniya tumawa lang naman siya, kaya nahampas ko siya ng Unan, nandito kasi kami sa Sala

"Hmm.. What's bothering you ba?" Conyo niyang saad, tsaka pinalubo ang magkabila niyang pisnge, gagstok ang kyut niya, kaya hindi ko napigilang kurutin siya sa pisnge

"Arey hon stop that masakit" reklamo niya, pero tumawa lang ako sa kaniya

"So what's bothering you nga?" Tanong niya ulit, habang hawak hawak ang pisngeng pinisil, pisil ko

"Wala naman hon, I'm just thingking that I'm so lucky to have you" nakangiti kong saad

"Ilang beses mo na bang sinabi iyan sakin haha" saad ni Miggy at bahagyang natawa

"Totoo naman kasi napaka swerte ko dahil ang isang Miguelito Fuentes ay nobyo ko" nakangiti kong saad

"And I'm so lucky to have you too hon" nakangiti niyang saad, mapupunit na yata ang mukha niya dahil sa lawak ng ngiti niya

"And I remember, may party pala sa Mansion nila Mommy sa ikalawa hon, punta tayo, Philip and Mina will be there too, tsaka gusto nga palang isama ni Paul si Bea" saad niya sa akin

"Sige, iyang kaibigan mo parang patay na patay na sa kaibigan ko" saad ko

"Suss sinabi mo pa" saad niya, tapos pareho kaming natawa, para kaming baliw na dalawa dahil sa kakatawa, hayss hope this day never end.

~~~~~~~~~~~~~~

Yay ilang Chapter nalang goodbye Gab at Miggy na tayo may Stars ^.^

Hope you enjoy this story my stars

Your vote and comments are highly appreciated, thank you in advance mwuaps^°^

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now