CHAPTER 14

412 28 3
                                    


"Magandang umaga binibini, pwede bang makikain?" Malukong saad ng kaibigan ni Miggy, kaya nabatukan naman s'ya noong isa pa nilang kasama

"Tumigil ka nga, kahit kailan talaga ang kapal kapal ng mukha mo" saad n'ya

"Ohh bakit ba, e sa nagugutom ako e" sagot naman no'ong binatukan

"Ikaw puro pagkain inaatupag mo, kahit saan ka dalhin puro pagkain yang laman ng utak mo" saad naman noong isa, tahimik lang naman iyong isa nilang kasama

"Tumigil nga kayong dalawa" saad ni Miggy

"E kasi s'ya ehh"

"Anong ako?, baka ikaw"

"Ikaw naman nauna ahh"

"Anong ako nanaman sapakin kita d'yan ehh" pagtuturuan pa nilang dalawa

"I said shut up" sigaw ni Miggy na ikinagulat ng tatlo, maging ako nga rin

"Hoyy Miggy bat bigla bigla ka nalang sumisigaw?" Tanong ko sa kan'ya sabay kurot ng tagiliran nila

"Ehh sila kasi e, nag-uumpisa na namang magtalo at sa harapan mo pa" saad n'ya saakin at sinisi pa talaga ang mga kaibigan n'ya

"Naks naman, bumabait pag si Ms.Ganda iyong kausap ahh" panunukso ng lalaking nagtanong kung pwedeng makikain, sinamaan lang naman s'ya ng tingin ni Miggy

"Magpakilala kayo mga unggoy" saad ni Miggy

"Grabe ka sa unggoy ahh pero kung unggoy kami, ano ka? Gorilla?" Pang-aasar ng lalaking kaaway kanina ng lalaking patay gutom, bahagya naman akong natawa pero inirapan ako ni Miggy kaya napatahimik ako

"Tskk guys, this is Maria Gabriela, you can call her Maria" saad ni Miggy, na hindi na pinandin ang pang-aasar ng kaibigan

"Hi Maria, ako nga pala si Paul Deograsia" saad nong nang-aasar kanina

"Ako nga pala si Felix Garcia, ikinagagalak kitang makilala Maria" saad naman nong patay gutom haha, ngumiti lang naman ako at tumango

"Philip Garcia" pagpapakilala nong tahimik nilang kaibigan

"Magkapatid kayo?" Tanong ko kay Philip at Felix

"Hindi kami magkapatid" saad ni Felix

"Ahh magka apelyido kasi kayo kaya akala ko magkapatid kayo" saad ko

"Hindi kami magkapatid, magkakambal kami" saad ulit ni Felix na ikina-tanga ko, seryuso hindi daw magkapatid pero magkakambal, ayos paba utak nito

"Gago pareho lang iyon" saad ni Paul at binatukan pa si Felix

"Gago nakakadalawa ka na ahh" saad naman ni Felix habang hinihimas himas pa iyong batok n'ya

"Ang bobo mo kasi, hindi daw magkapatid magkakambal lang, normal ka pa ba bro" saad naman ni Paul

"E sa magkakambal kami ehh, at oo Paul normal pa ako" sagot naman ni Felix, naguumpisa nanaman po silang magtalo sa walang kwentang bagay

"Pasens'ya kana sa kanila, mga baliw talaga kasi iyan" bulong ni Miggy

"Ano kaba nakakatuwa nga silang tingnan e, pero pansin ko laging tahimik si Philip" saad ko kay Miggy

"Hayaan mo na s'ya, may problema lang iyan sa babae" saad naman ni Miggy

"Problema sa babae?" Tanong ko

"Hmm.. Iyong babae kasing gusto n'ya e iba iyong istado sa kan'ya at tsaka nakatakda na s'yang ikasal sa anak ng kasus'yo ng mga magulang nila, Arrange Marriage kung baga" mahabang saad ni Miggy, gosh uso din pala iyong arrange marriage dito

"Grabe naman, matatali s'ya sa babaeng hindi n'ya gusto" saad ko, habang nakatingin sa kan'ya

"Teka maghahanda pala ako ng meryenda para sa'yo at sa mga kasama mo" saad ko

"No just sit here beside me" bulong n'ya saakin

"Mina" sigaw ni Miggy

"Ano ka ba Miggy ako nalang kasi iyong maghahanda ng meryenda n'yo" saad ko, tiningnan n'ya lang naman ako tsaka bumaling sa paparating na si Mina

"Mina maari mo ba kaming ipaghanda ng meryenda" saad ni Miggy, tumango lang naman si Mina at bahagyang sumulyap kay Philip, wait itong Philip ba na ito iyong crush ni Mina

"Miggy tutulungan ko nalang si Mina" saad ko at tatayo na sana ng bigla ring tumayo si Philip

"Tutulungan ko nalang s'yang maghanda ng meryenda Miguel" saad n'ya at agad na sumunod kay Mina, bat parang may something sa dalawang iyon

"Pstt Miggy" kalabit ko sa kan'ya

"Hmm" sagot lang naman n'ya, kaya nagtanong na ako

"Iyong babaeng gusto ba ni Philip at nagtatrabaho dito sa mans'yon mo?" Tabong ko

"Bakit mo naman na tanong?" Tanong n'ya rin saakin

"At kailan pa naging sagot ang isa pang tanong?" Saad ko kay Miggy na natawa lang naman

"Hahaha Oo na nandito nga" sagot n'ya sa tanong ko kanina

"Si Mina ba?" Tanong ko ulit sa kan'ya at talagang inaalog alog ko pa s'ya

"Sagotin mo iyong tanong ko Miggy, si Mina ba?" Tanong ko ulit, tumatawa lang naman s'yang tumango

"Omg kinikilig ako sa kanila" saad ko na talagang bumubungisngis pa

"Alam na ba ni Mina?" Tanong ko na naman

"Ang dami mo namang tanong, pero Oo alam na n'ya infact nililigawan na s'ya ni Philip" saad ni Miggy kaya mas lalo akong kinilig, omg hindi man lang sinasabi ni Mina na nanliligaw na pala si Philip

"Pero alam na ba ni Mina ang tungkol sa Arrange Marriage?" Tanong kay Miggy ng maalala ang tungkol doon

"Hindi pa" sagot n'ya, suddenly I feel pity to Mina, wala man lang s'yang kaalam alam na iyong taong gusto n'ya ay nakatakda ng ikasal sa iba

"Don't be sad Gab, Alam kong gagawa ng paraan si Philip para hindi matuloy ang kasal, he love Mina so much that his willing to give up anyting including his wealth for her" bulong ni Miggy saakin, nakahinga naman ako ng maluwag dahil don, love realy find it's way huh

"Ohh tama na iyang harutan kumain na muna kayo" saad ni Mina at inilapag ang meryeda sa mesa dito sa sala

"Upo ka dito sa tabi ko Mina" saad ko kay Mina

"Nako may gagawin pa kasi ako Maria" saad niya

"Umupo kana Mina, saluhan mo kami dito" saad ni Philip kaya napatingin sa kan'ya si Mina

"Huwag kang mag-alala sa trabahong naiwan mo, uutusan ko nalang iyong iba para gawin iyon" saad ni Miggy kaya napatango naman si Mina

"Ano to kayo lang ang may kapareha, pano naman kami ni Felix" saad ni Paul

"Naiingit ka Paul?, tayo nalang kaya" saad ni Felix

"Eww gross, hindi tayo talo bro, babae hanap ko oyy" saad ni Paul

"Parang naiingit ka ehh, honey tayo nalang kasi" nagbabakla baklaang saad ni Felix at niyakap yakap pa si Paul

"Felix lumayo ka nga saakin" saad ni Paul na parang nandidiri pa

"hindi Felix ang pangalan ko Honey, ako si Felixia pero mas maganda kong tawagin mo akong Mahal" saad ni Felix na pinapangatawanan talaga ang pagbabakla bakalaan n'ya, natatawa lang naman kaming nanunuod sa kanila, maging ang tahimik na si Philip at ang cold na si Miggy ay tumatawa narin ngayon

*****************************

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now