CHAPTER 12

405 29 2
                                    


I'm in the middle of serving the guest when someone approach me

"Hi young lady, can I asked what's your name?" Tanong nito saakin, tiningnan ko naman s'ya at sinuri, matangkad s'ya, may singkit na mga mata, makisig at maayos din ang pananamit n'ya, tsaka medyo may kaputian din pero mas lamang parin si Miggy, wait bat ko nga ba siya kinocompare kay Miggy, hayss

"Hey young lady" tawag pansin n'ya saakin di ko alam na nahulog na pala ako sa malalim na pag-iisip

"Paumanhin ginoo, ngunit hindi ko ho kayo maintindihan" pagkukunwari ko pa

"Oh-huh... I forgot, magandang gabi binibini maari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Tanong n'ya saakin , nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi ngunit sa huli ay napagpasyahan ko ring sabihin

"Maaari mo akong tawaging Maria" saad ko sa kan'ya

"Hmm.. Maria, Ako nga pala si Silas Davis" nakangiting saad n'ya at nilahad ang kan'yang kamay, tinanggap ko naman ito at alanganing ngumiti

"Nagtatrabaho ka kay Mr.Fuentes?" Tanong n'ya sakin, gosh hindi ba halata kaya nga ako nandito ehh tskk, hays ayan na naman ang pagiging suplada ko, ayuko lang talaga ng taong alam na nga ang sagot nagtatanong pa, they look stupid kapag ganon

"Oo isa ako sa mga katulong n'ya" sagot ko na lamang

"Pero hindi ka mukhang katulong, ang ganda mo para maging katulong lang" saad n'ya saakin, hindi naman talaga ako katulong sa mundo ko, I'm a model and a businesswoman for fuck sake, hindi agad ako nakasagot sa kan'ya nag-iisip pa ako ng maiisasagot

"Hmm.. Sabihin man nating hindi bagay ang maging katulong saakin ay wala din naman akong magagawa, ipinanganak akong mahirap kaya ako narito ngayon" saad ko na lamang, hindi ko kasi talaga alam kong anong sasabihin ko

"Pero maa---"naputol ang sasabihin n'ya ng may tumawag bigla sa kan'ya

"Mr.Davies" saad ng isang matandang lalaki na ngayon ay nasatabi na ni Silas

"Ohh Mr.Parker nice to see you here" saad naman ni Silas ng hinarap n'ya iyong lalaking tumawag sa kan'ya, may pinag-uusapan sila sa harap ko I think it's about business but I didn't bother to listen to their conversation, Nagserve lang ako ng wine at inabot ito sa mga kasama ko na naglilibot upang mag-alok ng wine

"Hmm, Maria ako'y pupunta muna sa mga kasamahan ko, at s'ya nga pala ikinagagalak kitang makilala" saad n'ya tumango lang naman ako sa kan'ya at ipinagpatuloy ang ginagawa ko

"Maria" saad ni Mina na kararating lang din dala ang mga wine glass na walang laman

"Ohh?" Sagot ko lamang

"Sino iyong lumapit sayo?" Tanong n'ya saakin

"Silas Davis daw pangalan n'ya" saad ko habang busy parin sa ginagawa

"Gaga hindi mo ba kilala iyon?" Tanong n'ya saakin, at bruha minura pa talaga ako

"Bakit ano bang meron sa kan'ya?" Tanong ko naman pabalik

"Hindi mo talaga s'ya kilala?, Anak lang naman s'ya ni Mr.silencio Davis isang politiko dito sa lugar natin at may kompan'ya din sila at mahigpit itong kalaban nila Señorito" paliwanag n'ya

"Isa sila sa sinasabi mong tatlong pamilya na mahigpit na kalaban ni señorito" saad ko sa kan'ya

"Mismo" saad n'ya kaya napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Silas and to my surprise Miggy is there, I think they're talking about business too, seryusong seryuso kasi ang mukha ni Miggy and dark aura is all over him, gosh nakakatakot pala s'ya when it comes to business

"Miguelito looks hot and scary at the same time" saad ni Victoria sa kasama n'ya, nandito kasi sila sa harap ko nagparefill ng wine, will i agree to her statement

"Will the maid might hear you, they may think that you're still fantasizing your ex, it's true tho" saad naman ng kasama n'ya

"Did you forgot that they can't understand us, they're just bunch of fools" saad ni Victoria, tika uminit ata bigla ulo ko hindi dapat nila pinagsasalitaan ng gan'yan ang mga katulong, they're too much purkit ba hindi sila marunong mag Ingles ay mga bobo na sila, for me she's more stupid like the fuck nakapag-aral s'ya at nasa mataas s'yang pamilya kaya marunong s'ya mag Ingles but if she's not I think she's stupider

"That's to harsh but you're right Hahaha, a bunch of losers" tumatawang saad ng kasama n'ya, kunti nalang talaga at masasakal ko na silang dalawa, arghh nakakainis

"Gosh Victoria Miguelito is coming towards us" saad naman ng bruhang kasama ni Victoria

"H'wag kang magpahalata Alice, just pretend you didn't see him" saad naman ni Victoria, nyah nyah nyah h'wag ka magpahalata Alice tsk, i said mocking her in my mind,  sarap talaga sakalin ehh, nakakapikon argg

"Ohh hi Miguelito long time no see" saad ni Victoria, tsk papansin

"Nyah Nyah Hi Miguelito Nyah Nyah" bulong ko mocking her again, bwesit na bwesit ako, oo, kung pwede lang sabunutan yang Victoria the slut na yan ay ginawa ko tskk

"It's not good seeing you Victoria" saad naman ni Miggy sa malamig na boses, hahaha buti nga sayo papansin ka kasi nabara ka tuloy, para tuloy akong matatawa dito

"W-What?" Nauutal na saad ni Victoria, habang tinitingnan nila si Miggy na parang hindi makapaniwala, takte kahit ako nga haha pero imbis na magulat ay natawa pa ako

"I said I'm not happy to see you, now if you'll excuse me you're wasting my precious time" malamig na saad ni Miggy bago n'ya ito nilampasan, langya tawang tawa parin ako pinipigilan ko lang, Victoria's expression is priceless so as Alice

"Are you tired now Gab?" Tanong ni Miggy saakin na ngayo'y nasa harapan ko na

"Magtagalog ka nga Miggy" saad ko sa kan'ya, baka kasi may makarinig na marunong akong mag Ingles baka maghinala pa huhu

"Haha okay, okay, pagod ka na ba Gab?" Natatawa n'yang saad, gago ang gwapo

"Hindi naman mas'yado" saad ko sa kan'ya

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kan'ya

"I'm here to check on you" saad n'ya takte nag Ingles na naman

"Sabi ko magtagalog ka" saad ko sa kan'ya at bahagya s'yang kinurot sa tagiliran, natawa lang naman s'ya

"Hahaha Oo na hindi na mauulit, gusto ko lang namang asarin ka" tumatawa paring saad n'ya

"Tsk okay lang ako, bumalik ka na nga doon" naiirita kong saad

"Ohh kita mo h'wag daw mag Ingles pero ang sabi 'Okay' o diba Ingles iyon hahaha" saad n'ya, takte naman

"Nakakairita ka Miggy sakalin kita d'yan ehh" saad ko sa kan'ya

"Ayos lang naman na sakalin mo ako, sakalin ng pagmamahal" saad n'ya, langya naman

"Miggy umayos ka nga, kinikilig ako" saad ko habang nakahawak sa pisnge ko langya feeling ko namumula na ako

"Hahaha Oo na aalis na, baka mangisay ka pa d'yan sa kilig pagbumanat pa ako" saad n'ya at natatawang umalis, siraulo talaga, ng tumingin ako sa gilid ko ay nakita ko sila Bea na nakatulala habang nakatingin saakin, wait narinig ba nila

"A-Ano i-iyon" nauutal na saad ni Mina, confirm narinig nga nila

*********************

Yoww cut muna mga beshieeee

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now