CHAPTER 11

422 33 1
                                    


"Maria alam mo na ba?" Tanong ni Mina

"Ang alin?" Tanong ko din

"Hindi mo nga alam haha" saad naman ni Bea

"Ang alin nga?" Tanong ko ulit

"Na may piging na mangyayari mamaya" sagot ni Mina

"At mga bigating negosyante ang mga dadalo, pupunta rin sila madam Esmeralda" saad pa ni Bea

"Ahh kaya pala naglilinis at na-aayos sila Nanay Rosa ng bahay" saad ko

"Tiyak na marami na namang matitipunong ginoo ang dadalo" kinikilig na saad ni Mina

"Ikaw talaga Mina puro nalang mga gwapo ang iniisip mo sa t'wing may mga handaan na nagyayari dito sa mans'yon" saad ni Bea tsaka binatukan si Mina haha nawala na naman ang pagkamayumi ni Bea haha

"Kisa naman sayo na puro pagkain 'yong iniisip" ganti ni Mina sabay hawak sa ulo n'ya sa parte kung saan s'ya binatukan ni Bea

"Ang importante busog 'yong t'yan ko, ei ikaw anong nakukuha mo d'yan sa paghahanap mo ng gwapo" saad ni Bea natatawa lang naman akong nakatingin sa kanilang dalawa

"Sakin? Idi busog 'yong mata ko" saad ni Mina kaya lalo akong natawa

"Mga siraulo haha tara na nga at baka hinahanap na tayo ni Nanay Rosa" saad ko at hinila sila

"Sandali saan nga pala sila Nanay Rosa?" Tanong ko sa kanila

"Nasa harden, doon kasi gaganapin ang piging" sagot ni Mina kaya agad ko silang hinila papuntang harden, naabutan namin sila Nanay Rosa kasama si Miggy na nagaayos

"Paki lagay nalang ho ng mga Mesa d'ya Mang kanor" dinig kong saad ni Miggy

"Aling Rosa" sigaw ni Mina kay Nanay Rosa na kasalukuyang nag-aayos ng dekorasyon, napatingin tuloy samin lahat ng nasa harden at kabilang nadon si Miggy

"Walanghiya ka Mina bat ka sumigaw" bulong ko sa kan'ya

"Hehe pasensya na, nalamon lang ng labis na kagalakan" saad n'ya

"Kagalakan?" Tanong ko sa kanya

"Kagalakan na makakita ng matipunong ginoo mamaya, kaya kahit nagaayos palang ay kinikilig na'ko" saad ni Mina, langya naman ohh

"Mina, ikaw talang bata ka, bakit ka sumisigaw kung pupwede ka namang lumapit saakin" saad ni Nanay Rosa, hayss baliw kasi

"Pasensya na ho Nay Rosa sadyang may sayad lang ho talaga ngayon si Mina" paumanhin ko at bahagya pang yumuko, pasimple ko ring kinurot si Mina kaya mahina s'yang napadaing

"Bumalik na kayo sa kan'ya kan'ya ninyong trabaho" saad bigla ni Miggy kaya dali dali naman silang sumunod, maglalakad na sana ako papunta kila Nanay Rosa ng may humawak sa kamay ko, ng tingnan ko ito ay laking gulat ko ng si Miggy ang bumungad sa akin, hindi ko alam na nakalapit na pala s'ya saakin

"Gab tulungan mo akong ayusin 'tong lamesa" saad n'ya sabay turo ng mahabang mesa na nakalagay dito sa harden

"Sige ano bang gagawin?" Tanong ko

"Lalagyan lang nitong mahabang tela, para magandang tingnan kapag nilagyan na ng mga pagkain mamaya" sagot n'ya sa tanong ko, kaya tumango nalang ako.

"Ayan na sila Madam Esmeralda" Saad ni Bea sakin, Kaya tumingin Ako sa pinto papuntang garden, pumasok Naman don si Miggy Kasama Ang dalawang taong medjo may katandaan narin , nadito Kasi kami para magserve ng pagkain

"Ang ganda n'ya parin diba" Saad ni Mina na nakatingin ngayon kila Miggy tiningnan ko naman ulit sila Madan, and i can't deny the fact na despite of her few wrinkles in her face  she still look beautiful, lumilitaw padin 'yong ganda n'ya,siguro mas maganda s'ya noong kabataan n'ya

"Dumadating nadin 'yong ibang mga panauhin" saad ni Bea

"Handaq na ang aking mga matang mabusog sa mga matitipunong ginoo na dadalo ngayon" saad ni Mina kaya nabatukan namin s'ya ni Bea

"Iyang utak mo talaga Mina puro nalang matitipunong lalaki iyong laman" saad ni Bea, kaya hindi ko maiwasang matawa

"Paalala nandito kayo para magtrabaho hindi ang lumandi" saad ng kung sino, kaya napaharap kami sa pinanggagalingan ng boses, at nakita namin ang isang babae na nakatayo doon na sa tant'ya  ko ay kaedaran lang sya ni Miggy at halata din na mayaman sya dahil sa postura at pananamit nito, may kagandahan rin s'yang taglay kaya hindi na'ko nagtataka kung marami s'yang suitors

"Ayan na naman ang bruha" bulong ni Mina pero parang narinig atah iyon ng babaeng nasa harap namin

"Anong sabi mo" galit na saad n'ya

"Ahh ang sabi ko po ay ang ganda ganda n'yo po ngayon Ma'am Victoria" saad ni Mina at peke pang ngumiti

"Tsk, alamin mo kung sa'n ka lulugar babae, kasambahay ka lang dito kaya wala kang karapatang magsalita ng masama sakin" saad n'ya tsaka umalis

"Nakakain bruha talaga" saad ni Mina

"Mina naman kasi bakit kapa kasi nagsalita ng ganon" saad ni Bea

"Ehh nakakainis ehh tsaka bakit ba nandito iyong bruhang iyon" naiiritang saad ni Mina

"Bakit sino ba iyon Mina? At parang inis na inis ka" Nagtataka kong saad

"S'ya si Victoria Mendoza dating kasintahan ni Señorito, lagi yang nandito dati at parang impyerno ang bahay nato kapag nandito s'ya, sinisigawan n'ya lahat ng kasambahay na hindi sinusunod ang inuutos n'ya, pati nga sila Nanay Rosa at Mang kanor ay sinisigawan n'ya rin" mahabang saad ni Bea, so ex pala s'ya ni Señorito

"Ang sarap n'yang sakalin, para rin kasi s'yang si Helga na higad nasa loob iyong kulo, parang hindi makabasag pinggan pag nasa harap nila señorito, para namang demonyo kapag kami iyong kaharap" nanggagalaiti na saad ni Mina

"So bakit sila naghiwalay ni Mig- ni Señorito?" Tanong ko kay Mina

"Ayon nilandi iyong kaibigan ni Señorito, e nagsumbong ayon nakipaghiwalay si señorito" si Bea na ang sumagot sa tanong ko

"Ganyan talaga ang makakati, maghahanap at maghahanap yan ng pagkakamutan" sabat naman ni Mina

"Dapat sa kan'ya binubodburan ng asin para maibsan man lang kahit kunti iyong kati n'ya" saad ulit ni Mina

"Sira tama na nga yan at magtrabaho na tayo, ayan na iyong mga bisita ohh" saad ko at nagsimulang maglagay ng wine sa mga wine glass na nasa harap ko

"Ako nalang mag aalok sa kanila, para mapagmasdan din si Señorito Philip" kinikilig na saad ni Mina

"Kahit kailan ang harot mo talaga" natatawa kong saad bago ko ibinigay ang mga wine glass na may mga lamang alak.

*********************

Cut...

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now