CHAPTER 16

406 31 1
                                    


"Look at how Paul stare at our Bea" bulong saakin ni Mina we're now at the car, we're on our way to Santa Clara

"Mukhang may natamaan na naman ng pana ni kupido" bulong ko din sa kan'ya, we're at the back seat, tsaka nasa Van nga pala kami ngayon, Hindi ito kasing gara at kasing advance ng Van sa mundo ko but still a Van lol

"Should we ship them?" Bulong na tanong ni Mina while looking at Bea in front of us, bali nasa driver seat si Miggy at katabi n'ya si Philip, nasa likod naman nila si Felix na walang katabi then si Bea at Paul at kami sa pinakahuli

"I think bagay naman sila at halatang may something din itong si Paul para kay Bea" bulong ko

"So should we?" Tanong n'ya ulit

"Why not" sagot ko nalang

"Anong pinagbubulongan n'yo girls?" Tanong ni Philip na ngayo'y nakatingin na saamin

"Wala" sabay na saad namin ni Mina, isa pa sa mga nagbago ng pag-uugali itong si Philip, kung dati ay lagi s'yang tahimik ngayon ay hindi na, s'ya pa nga minsan ang nag-uumpisa ng bardagulan nilang magkakaibigan

"Hmm...Philip pwede bang magtanong?" Biglang singit ni Bea

"Ano iyon?" Si Paul ang sumagot

"Tsk ikaw na pala si Philip ngayon, ang pagkakaalala ko kasi Paul ang pangalan mo" mataray na saad ni Bea, nagpipigil naman kami ng tawa ni Mina, yamot na yamot talaga s'ya kay Paul kahit wala naman itong ginagawa sa kan'ya

"Tsk sungit" saad ni Paul, inirapan lang naman s'ya ni Bea

"Savage ka dude" natatawang pang-aasar ni Felix kay Paul

"Ano ang itatanong mo Bea?" Natatawa na lamang na tanong ni Philip

"Anong ibig sabihin ng girls?" Nagtatakang tanong n'ya

"Babae or kababaihan" sabat ulit ni Paul, napaghahalataan na talaga s'ya

"Ikaw bat kaba sabat ng sabat hindi ka naman tinatanong" mataray paring saad ni Bea

"Tsk pasalamat ka nga sinasagot ka pa e, ang sabi ko kasi sayo tuturuan kitang mag-English ayaw mo naman" saad ni Paul, inalok n'ya dati si Bea na tuturuan s'ya nito e iyong bruha ma attitude denecline

"Kung ikaw lang din naman ang magtuturo h'wag nalang" saad ni Bea

"Aba ikaw na nga itong tinutulungan ayaw mo pa, tsaka ano bang ginawa ko sayo at yamot na yamot ka saakin huh" saad n'ya habang na ka cross arms na nakatingin kay Bea, gosh para na kaming nanunuod ng movie dito

"Ang pangit kasi ng pagmumukha mo" deretsang saad ni Bea, kaya napahagalpak kami ng tawa ni Mina lalo na nong makita namin iyong priceless na mukha ni Paul

"I-Ito pangit, seryuso ka? Pangit sa paningin mo ang mukhang to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Paul

"Pangit naman talaga ahh" saad ni Bea

"Malabo ba mata mo at hindi mo makita ang kagwapohan ko? Baka kailangan mo na ng salamin,mas hamak na pangit nga itong si Felix kisa sakin e" naiiritang saad ni Paul, inirapan lang naman s'ya ni Bea

"Gonggong bakit ako nasali dyan, tsaka mas gwapo ako sayo Paul h'wag kang ano" saad ni Felix, nako po mukhang magsisimula na naman ang bardagulan nilang dalawa

"H'wag kang feelingero dude, hindi mo mahihigitan o mapapantayan man lang ang kagwapohan ko" mahangin na saad ni Paul

"Aba't sumosobra ka nang gonggong ka ahh" saad ng ngayong naaasar na si Felix 

"Ayuko sanang sabihin to dude kasi ayaw kitang masaktan pero ito kasi ang katotohanan, hindi ka talaga gwapo sa katunayan n'yan ay mukha kang pwet" na-aasar parin na saad ni Paul, langya para na kaming baliw ni Mina dito dahil sa walang tigil na pagtawa

Love Against Time (COMPLETED)Where stories live. Discover now