Kabanata 3

245K 5.8K 1.3K
                                    

Nagising si Eris sa hindi pamilyar na kwarto. Luminga linga siya sa paligid at napahawak sa katawan niya. Inangat niya ang kumot at napatakip siya ng bibig ng makita niyang hubo't hubad siya at nagkalat ang mga damit niya sa sahig.

Anong nangyare?

Tanong niya sa sarili. Ang lakas ng kabog ng puso niya at pilit na inaalala ang nangyare kagabe. Tatayo sana siya para pulutin ang mga damit niya ng maramdaman niyang masakit ang nasa gitna ng mga hita niya. Doon unti-unti niyang naalala ang nangyare kagabe.

Nakipagtalik siya sa lalakeng hindi niya kilala

Bumangon siya kahit medyo mahapdi pa ang kanya at pumunta sa banyo para tingnan kung nandoon ba ang lalake, pero wala.

Sinuot niya ang damit niya kagabe at dahan dahang umupo sa kama

Napahawak siya sa kanyang sarili at napapikit nalang habang tumutulo ag kanyang luha

"Ang tanga, tanga ko!" Sabunot niya sa kanyang sarili habang umiiyak

Galit siya sa kanyang sarili kasi hinayaan niya ang sarili na gamitin ng lalakeng iyon, binigay niya ang kanyang sarili sa isang estranghero at basta nalang siya iniwan sa hotel na ito.

Natatakot siya na baka buntis siya. Hindi pa siya handa at nag-aaral pa siya at kung sakaling mabuntis nga siya, saan siya kukuha ng pera na panggastos rito? Ulila siya at nakikitira sa bahay ng kabigan ng mama niya. Nagtatrabaho siya sa isang fast food chain pero kulang pa nga iyon sa mga bayarin niya sa eskwelahan kaya minsan ay tumatanggap siya ng mga labahin para pangdagdag sa ipon niya para sa pag-aaral niya.

Napatigil siya sa paghikbi ng may makita siyang pera sa ibabaw ng mesa. Nilapitan niya ito at kinuha. Nakita niyang limang libo iyon. Napaisip siya kung kanino galing iyon hanggang sa pumasok sa isip niya si Thaigo, ang lalakeng kasama niya kagabe. Kinuha niya ang pera at kinuyom ang kanyang kamay hanggang sa malukot ang pera sa loob ng palad niya.

"Anong akala niya sa akin? Bayaran!?"

Pero hindi ko naman siya masisisi kung iyon ang iniisip niya sa akin. Lasing ako kagabe at sumama sa kanya kaya siguro akala nun isa talaga akong bayaran na babae.

___

"Eto po ang bayad ko" sabi ko sabay bigay ng bayad ko sa driver

Isang katok ko palang ay agad na binuksan ni lisa ang pinto. Pagod ko siyang nginitian.

"Oh, Eris ikaw pala?" Medyo gulat niyang wika at agad akong pinapasok sa inuupuhan niyang bahay.

Pagkaupo ko sa sala ay agad niya akong binigyan ng tubig. 26 years old na si lisa at parang ate na ang turing ko sa kanya. Dun ko siya nakilala sa fast food na pinagtatrabahuhan ko. Pareho kaming waitress dun.

"Ba't... ganyan ang damit mo at ba't mukha kang haggard" wika niya habang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa "Mukha kang nakipag sex kagabe, jusko!" Nabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya. Nilapag ko muna ang baso sa mesa. Feeling ko pumasok ang tubig sa ilong ko.

"Hay, naku ang batang to! Hinay hinay lang kasi sa pag-inom" medyo naiinis niyang sabi at hinimas himas ang likod ko

Unti unting tumulo naman ang luha ko dahil tama nga siya, nahulaan niya ang ginawa ko kagabe at galit na galit ako sarili ko kung bakit pa ako sumama kina Maris at nagpakalasing!

"Tama ka po..."

Napatigil siya sa paghimas sa likod ko "Ha? Anong pinagsasabi mo?" Umangat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya ng nakita niya akong umiiyak " Huy, ba't ka umiiyak? Anong nangyare sayo??" Nag alala nitong sabi at niyakap ako.

"M-May... nangyare po kagabe sa bar..." Kumalas naman siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mukha.

"Bar? Nag bar ka kagabe?" Nakita kong unti unting lumukot ang mukha niya "At kelan ka pa natutong mag bar? Ha? Eris?? Sinong kasama mo dun at anong nangyare?"

Gusto ko sanang ngumiti kasi para siyang nanay ko kung magsalita

Kumalma naman muna ako at pinunasan ang ang luha ko bago magsalita "Birthday po ni Maris kahapon at sinama nila akong kumain sa labas, akala ko uuwi din kami pagkatapos pero didiretso pala sila sa Bar,. ayoko po sanang sumama kaso pinilit nila ako"

Kumunot naman ang noo ni lisa "Aba't himala at sinama ka nina Maris?"

"Sa katunayan ayaw niya po talaga akong kasama kaso yung boyfriend niya po yung nag yaya at yung mga kaibigan nitong lalake. Nahihiya po akong tumanggi sa kanila kasi sinama po nila ako sa Restaurant at nilibre ng pagkain at pamasahe kaya sumama nalang ako"

Si Justin ang boyfriend ni Ate Maris. Mayaman ito at mabait kaso nga lang medyo iba siya kung makatitig sa akin minsan. Hindi rin ako madalas na lumalabas ng kwarto pag nandiyan kasi baka mapansin ni ate Maris yung mga titig niya sa akin at baka magselos pa at awayin ako.

"Hindi ko din po alam kung ano yung binigay nilang inumin sa akin kagabe. Mukhang juice naman iyon pero agad akong nahilo at nalasing"

Huminga ng malalim si lisa at napailing " Panigurado nilagyan nila ng pampalasing iyon. Mag-ingat ka kasi sa susunod" she sighed " Wala naman silang masamang ginawa sayo?"

Agad akong umiling "Pero... m-may lumapit pong lalake sa akin kagabe"

"Normal lang talaga sa mga bar yan, Eris basta ang importante huwag kang magpapahawak sa kanila at huwag na huwag kang sasama sa kanila pang niyaya ka kanilang-"

"S-Sumama po ako eh, a-at... may nangyare po sa amin" napapikit ako at yumuko pagkatapos kong sabihin iyon

"Jusmiyo!" Gulat nitong sabi at napatayo

Napaangat ako ng tingin kay ate lisa. Gulat parin ang mukha nito at nakatakip ang ang isang kamay sa kanyang bibig. Binuksan niya ang bibig niya at parang may sasabihin ito pero muli niya itong sinarado at naglakad lakad sa sala habang nakapamewang. Kabado naman ako habang nakaupo.

Dinig ko ang panay na pagbuntong hininga nito habang pabalik balik na naglalakad sa sala. Huminto siya sa paglalakad at tiningnan ako. Nagtama ang mga mata namin. Napapikit siya ng mariin bago naglakad pabalik sa tabi ko.

"Nakuha mo ba ang pangalan niya?"

"T-Thaigo, yun lang" mahina kong sai

"Hindi mo alam ang apelyido?"

Umiling ako. Tumango siya at nagbuntong hininga ulit

"Pano natin hahanapin yun kung sakaling buntis ka?"

"Hahanapin? Ba't pa kelangan natin siyang hanapin?" Sambit ko

She look at me boredly "Bakit? Kaya mo bang buhayin ng mag-isa ang magiging anak mo kung sakali? At nag-aaral ka pa"

"P-Pero hindi pa naman sigurado kung b-buntis ako"

"Eh paano nga kung mag bungga? Makakaya mo ba ng mag-isa ka lang?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya at mahinang umiling

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit

"Basta tawagan mo lang ako o punta ka rito kung may kailangan ka ha?" Tumango ako "tsaka balitaan mo ako agad sa magiging resulta"

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon