Kabanata 27

177K 4K 2.4K
                                    

Tumigil na ako sa pag-iyak at wala ng bakas ng luha sa aking mga mata. Napatingin ako sa paligid ng makita ko ang mga lalakeng nagkalat sa malaking hardin.

Kumuha siya ng mga tauhan?

Napatigil ako sa paglalakad ng bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangising si Axel. Naka puting dress shirt at naka slacks. Titingnan niya ako habang naglalakad patungo sa kanya.

Hindi parin maalis sa isip ko si Thaigo at ang anak namin. Hindi ako nakapagpaalam sa anak ko. Ano nalang ang iisipin niya pag uwi niya mamaya at wala ako doon.

"Nagulat ka ba?" tanong niya habang tinitingnan ang kanyang mga tauhan. Hindi ako sumagot. Nakatayo lang ako sa harap niya. " Kumuha ako ng mga tauhan para hindi ka na makatakas ulit" humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang pisngi ko.

I glared at him

"Hindi mo na ako matatakasan pa, Eris" at hinila niya ako papasok sa kanyang bahay.

His house is big. Cream ang kulay ng bahay niya, may malaking chandelier, malawak na living room at may second floor na silver ang hawakan ng hagdanan. Maraming paintings ang nakasabit sa dingding ng sala at may dalawang vase na malalaki sa gilid ng flat screen tv. Tumungo kami kami sa dining area, hindi kagaya kin Thaigo na mahaba ang mesa, sa kanya ay sakto lang and it's made of glass.

Alam ko naman na mayaman ang pamilya ni Axel at sa pagkakaalala ko ay meron silang kompanya at iba pang negosyo, dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

"Kumuha din ako ng mga katulong" wika niya at hinila ang upuan sa gilid ko. Tiningnan ko ang mga pagkain sa harap ko. Marami 'yon. Parang may okasyon lang.

Napatingin ako sa mga kasambahay na agad nag sialisan ng makita kami.

"Umupo ka na" sabi ni Axel sa gilid ko.

"Hindi ako kakain" malamig kong sabi. Nakita kong gumalaw ang kanyang panga at humigpit ang hawak niya sa upuan.

"Pinaghanda ko 'to para sa'yo kaya kumain ka na"

"Ang anak ko nasaan na? Sigurado ka bang hindi mo siya sinaktan?" hinarap ko siya. I noticed the dark circles under his eyes.

"Yup, I didn't hurt him" nanatili ang titig ko sa kanya. " Hindi ako nagsisinungaling. Marunong akong tumupad sa usapan, ikaw lang naman ang hindi. Kumain ka na"

I almost rolled my eyes. "Hindi nga ako kakain" sabi ko at aalis na sana ng hilahin niya ang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya.

"Huwag mo akong ginagalit, Eris" mariin ang pagkakasabi niya at halata ang galit sa kanyang mukha. " Iniwan ko muna ang trabaho ko para sa'yo tas umaarte ka ngayun!?"

Matalim ko siyang tinitigan. "Hindi nga ako kakain!"

Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya 'yon sa bulsa niya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa braso ko.

"Hello?... why?"

"Bitiwan mo nga ako" sabi ko at pilit na inaalis ang braso ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya roon. Nasasaktan na ako.

"okay, I'll be there" pinatay niya ang tawag at binalik 'yon sa bulsa niya at hinila ako palabas ng dining area. Tumungo kami sa second floor at nakita ko ang dalawang lalake na nakatayo sa tapat ng kwarto niya. Tumabi sila ng binuksan ni Axel ang pinto at pumasok kami.

Binitiwan niya ang braso ko pagkapasok namin. Nakita kong namumula ang braso ko. Kumuha siya ng itim na coat at binalingan ako.

"Babalik ako sa kompanya. Dito ka lang" nakita ko siyang may kinuha siyang susi sa kanyang drawer.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon