Kabanata 9

195K 6.4K 2.6K
                                    

"Tu and vosotros is informal and it refers to second person while Usted and Ustedes is informal and it refers to third person"

"Ah...okay" mahina kong sabi at tumango kahit hindi ko naman naiintidihan ang sinabi ni Dion

Nakuwi na kami at sumunod ako ngayun sa kanya dito sa mini bar. Gagawa daw kasi siya ng cocktail drink. Habang gumagawa siya ay nagtanong ako tungkol sa kanya. May lahi pala siyang español kaya nagtanong ako tungkol sa language nila at ang dami niyang sinabi, ni isa wala naman akong naintindihan.

"Ang hirap naman ng pananalita niyo" sabi ko at binuksan ang siopao na binili ko kanina

"Madali lang naman kapag pinag aralan mong mabuti" sabi niya binago shi-nake yung inumin niya. Nakaupo lang ako habang tiningnan siya sa ginagawa niya. Nasa counter kami at nasa loob siya.

"Wala bang bartender dito?" Sabi ko habang kumakain

"Meron pero kaya ko naman eh" sabi niya at kumuha ng baso. Kumuha siya ng cherry at nilagay sa ibabaw nito. Iinumin niya na sana ito ng magsalita ako.

"Anong nilagay mo jan?" Tanong ko at binuksan naman ang ice cream ko

"Why? You wanna try?"

Agad akong umiling

"Kidding. Bawal dn naman sayo to" sabi niya at agad itong ininom. Napangiwi siya bago ito nilapag sa mesa

"Mataas ba alcohol niyan?"

"Yup. It has brandy""

Magtatanong pa sana ako ng biglang may pumasok. Diretso siyang nakatingin saken bago bumaling kay Dion.

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko

"Kanina pa kayo?" He asked no one in particular. Tumango naman si Dion at binalik ang mga ginamit niya.

Halos pigilan ko ang paghinga ko ngayung nasa tabi ko siya. Maski pag kain ko biglang bumagal.

Napansin kong tinitingnan niya ako pero hindi ko iyon pinansin ng lumapit sa amin si Dion at nagsalita.

"Yan ata pinaglilihian niya" sambit nito habang nakatitig sa kinakain kong Siopao bago binalingan si Thaigo si gilid ko

I glance at Thaigo who's looking in my food

"Yan ang pinaglilihian mo? Siopao and ice cream?"

Napapunas naman ako sa aking bibig kahit wala naman itong dumi bago ko siya binalingan "uh, siguro?... pero yung ice cream paborito ko lang talaga yan"

Tumango naman siya ng biglang magsalita si Dion

"Hindi ba, palagi mo siyang nakikita na kumakain ng Siopao?"

Napatigil naman ako sa pagkain at binalingan si Thaigo sa tabi ko ng biglang gumalaw ang kanyang panga

Napatitig ng ilang segundo si Dion kay Thaigo dahil hindi ito sumagot

"Hindi ba? Naikwento mo sakin noon, nung palagi mo siyang sinusundan-"

Narinig ko ang marahas nitong paghinga bago tumayo

Sinusundan?

Palagi akong sinusundan ni Thaigo noon???

"Magbibihis lang ako" seryoso nitong sabi "You should eat your dinner too" sabi nito bago ako tinalikuran at naglakad palabas. Agad ko namang binalingan si Dion

"Anong sinabi mo na sinusundan niya ako?" Nagtataka kong tanong. Yumuko naman si Dion at itinukod ang dalawang siko sa taas ng mesa

"Hindi niya pa ba nasabi sayo?" Bulong niya. Umiling ako

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon