Kabanata 5

210K 6.6K 3K
                                    

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Akala ko ba ayaw niyang maniwala saken na siya ang ama ng dinadala ko, pinagtabuyan pa nga niya ako noon sa Bar pero ba't bigla bigla namang nagbago ang isip niya?

Hindi ko pa siya kilala ng husto at parang ayaw ko maniwala sa kanya, para lang kasi siyang napipilitan pero naiisip ko na kahit hindi ko pa siya gaanong kakilala mas mabuti parin siguro na sumama ako sa kanya kesa sa manatili ako dito at baka mapano pa ang anak ko kapag nagtagal pa ako dito. Hindi nila alam na buntis ako at wala akong plano na ipaalam sa kanila.

Still feeling unsure about my decision, pumasok ako ng bahay para kunin ang mga gamit ko gaya ng gusto niya.

Pagkapasok ko ay nakita ko ang mag-iina sala na tinitingnan ang damit ni Maris na may mantsa. Nanginginig ang paa ko habang naglalakad paakyat sa kwarto, pilit kong iniiwasan ang mga titig nila ng makita kong naglakad papalapit sa akin si Auntie lorna.

Napatigil ako sa paglalakad ng hinarangan niya ako. Mukha itong galit na galit. Yumuko ako, hinanda ko ang sarili sa akong ano mang gagawin o sasabihin niya sa akin pero walang nangyare. Umaangat ako ng tingin at nakita siyang nakatingin sa likod ko, nakaawang ang bibig nito na parang nabitin ang sasabihin.

"Sino ka?"

Umikot ako at nakita si Thaigo na nakatayo sa hamba ng pintuan. Nagtataka din ang mga mukha nila ni Maris at Annie habang nakatitig kay Thaigo

"Bilisan mo at may pupuntahan pa tayo" seryoso nitong sabi at tatalikod na sana ng lapitan siya ni Auntie lorna

"Huy, lalake sino ka??" Galit na tanong ni Auntie lorna habang nakahawaka sa bewang niya

Unti unti siyang humarap habang nakapamulsa

"I'm Eris's boyfriend"

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi niya habang narinig ko na napasinghap sina Maris at Annie.

Boyfriend???? Anong pinagsasabi ng lalakeng to!

"T-Talaga ba?.." nauutal na wika ni auntie lorna at binalingan ako "Ba't hindi ko naman sinabi sa amin Eris na may boyfriend ka na pala?" Nakangiting sabi sa akin ni auntie lorna, pero alam kong plastik lang iyon.

"Umupo ka muna. Kukuha ako ng maiinom mo" sabi ni auntie lorna

"Huwag na po at aalis rin naman kami agad"

Mahinang hinampas naman ni Auntie lorna ang braso niya na kaagad na kinunot ng noo ni Thaigo.

"Sige na" pilit pa itong tumawa. Nagtaka naman ako sa mga kinikilos niya. Ba't bigla naman siyang naging mabait?

Nang dumaan siya sa akin ay bigla niya ako binulungan

"Sumama ka sakin sa kusina" agad naman akong sumunod sa kanya

Kumuha siya ng juice sa ref kaya naman kumuha ako ng baso ng bigla siyang magsalita

"Huy, Eris san mo nakilala ang lalakeng yun?"

Napalunok naman ako "uh.. "

Dapat ko bang sabihin na nakilala ko siya sa bar?? Baka mamaya ano pang isipin nito

"Mukhang naka jackpot ka dun ah. Pananamit at amoy palang, pang mayaman na. May kotse ba?" Tumango naman ako

Nilapitan niya naman ako "Alam mo, kung ako sayo huwag mo ng pakawalan yan. Magpabuntis ka na kaagad para wala na siyang kawala sayo. Basta huwag mo kaming kalimutan na padalhan ng pera dito ha?"

Ganoon talaga ang naisip niya saken?
Grabe na talaga ang paningin niya sa akin. Hindi ako ganung babae, Oo at nabuntis niya nga ako pero aksidente lang naman iyon, pareho kaming wala sarili nun dahil sa kalasingan.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon