Kabanata 20

201K 5.1K 5.7K
                                    

Maaga akong nagising dahil babalik na ako sa pag-aaral. Two weeks akong nagpahinga pagkatapos kong manganak, isang buwan nga sana gusto ni Thaigo, mabuti nalang pumayag siyang two weeks lang.

Kinuha ko na ang bag ko at tiningnan ang sarili sa salamin bago binalingan ang mag Ama kong mahimbing na natutulog. Sa crib ko nilagay si baby kagabe pero pag-gising ko kaninang madaling araw nasa gitna na namin siya ni Thaigo. Si Thaigo kasi minsan ang gumigising kapag umiiyak ang anak namin.

Lumapit ako kay Thairon at hinaplos ang pisngi niya " goodbye baby" bulong ko sa natutulog kong anak. Dumapo ang tingin ko sa ama niya. I extended my arm to touch his face and say my goodbyes pero pinigilan ko ang sarili ko.

I sighed and left our room

___



"Uy, Eris long time no see!" napatigil ako sa paglalakad ng humarang si Justin sa harap ko.

Justin,boyfriend ni Maris

"kumusta ka na?" nakangisi nitong sabi

"okay lang" pilit akong ngumiti at lalagpasan ko na sana siya at mga kaibigan niya ng hawakan niya ako sa braso

"Pupunta kami mamaya sa Bar, yung dati nating pinuntahan? naalala mo?" bulong niya sa akin

Tumango lang ako.

Syempre hindi ko makakalimutan 'yon. Doon ako first time nalasing at doon ko nakilala si Thaigo


"Sama ka sa amin mamaya. Huwag kang mag-alala, hindi ko isasama si Maris"

Agad kong inalis ang braso ko "hindi ako sasama" at tinulak ko siya

Ang landi mo talaga Justin! Sarap mong isumbong kay Maris!

Napatigil ako sa paglalakad ng muli niya akong hawakan. This time, sa bewang ko na siya nakahawak.

"Ano ba!" I hissed at pilit na inaalis ang kamay niya sa bewang ko. Nagsisitinginan na ang ilang estudyanteng nakakakita sa amin habang pangisi ngisi lang ang mga kaibigan niya.


"Sige, na. Libre ko naman eh" bulong niya sa tenga ko habang nakahawak parin siya sa bewang ko. Halos manindig ang balahibo ko sa kanya.

Itutulak ko na sana ulit siya ng may biglang sumuntok sa kanya.



"How dare you touch her?!" Sigaw ni Axel kay Justin matapos niya itong suntukin. Napahinto ang ibang estudyante sa paglalakad dahil sa nangyare.

Inis na tumayo si Justin at nilapitan si Axel

He smirked and looked at me "Boyfriend mo 'to, Eris?"

"Hin-"

"Oo" Axel interposed

Nagulat ako sa sinabi niya

"Kaya huwag mo siyang lalapitan" wika ni Axel

Hindi naman nakapagsalita si Justin. Hinila siya ng mag kaibigan niya palayo sa amin.

Agad naman akong nilapitan ni Axel at hinaplos ang buhok ko " Are you okay?"

"Ba't mo sinabi 'yon?"

He sighed and removed his hand on my head "mabuti narin 'yon para tigilan ka na niya"

"Basta nandito lang ako palagi" nginitian niya ako at nagulat ako sa sunod niyang ginawa

Niyakap niya ako

"t-teka... Axe-"

"I miss you" he gently said while hugging me tightly

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon