Kabanata 10

204K 6.1K 1.8K
                                    

"Sige na, gusto ko lang naman malaman eh" pangungulit ko kay Dion. Tinatanong ko siya tungkol kay manong driver na pinatanggal ni Thaigo.

Nandito kami ngayun sa kusina. Gumagawa kasi ako ng assignment ko, hindi pa nga ako tapos. Bumaba ako kasi bigla akong nagutom at nakita ko siya dito sa kusina, kumakain.

"Wala nga akong alam" sabi nito habang kumukuha ng ulam

"Imposible namang wala kang alam" humalukipkip ako at napa buntong hininga " Naaawa lang ako sa kanya" biglang lumungkot ang tono ng boses ko kaya napatingin si Dion sa akin "Kasalanan ko naman yun eh"

Narinig ko ang malalim na paghinga ni Dion bago binaba ang kutsara "Oo, na sasabihin ko na" wika nito at uminom ng tubig

Napangiti naman ako

"Hindi siya tinanggal ni Thaigo, pinalipat lang. Doon siya magtatrabaho sa bahay ng magulang nina Thaigo"

"Talaga?? mabuti kong ganoon" Napangiti naman ako sa sinabi ni Dion. Mabuti naman at hindi siya tinanggal ni Thaigo

"Ewan ko ba't nagbago isip niya" sabi ni Dion bago sumubo ng kanin " basta bigla niya lang ako sinabihan kanina na huwag na lang daw tanggalin"

Napa tango nalang ako habang iniisip ang sinabi ni Dion. Oo nga, galit na galit siya kanina,akala ko talaga tuluyan ng mawawalan ng trabaho si Manong.

Magpapaalam na sana ako kay Dion ng mapansing kung kumakain siya ng ice cream

Napabalik ako sa upuan ko

"S-San.. ka bumili ng ice cream?"

Napahinto siya sa pagbukas ng ice cream " ah, eto?" Tanong niya

Tumango ako

"Hindi ba sinabi sayo ni Thaigo?" Nag tataka niyang tanong

"Yung alin?"

Napangisi siya bago magsalita "He bought you a fridge full of ice cream" at may tinuro siya sa may bandang gilid ko "Yan oh"

Napakunot naman ang noo ko at nilapitan ang isang ice cream freezer. Ngayun ko lang napansin na meron palang ice cream freezer!

Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang iba't ibang klase ng ice cream. May ice cream in a cone, meron din yung sa stick and yung sa tub. Bigla naman akong naglaway

"Paborito mo raw kasi kaya binilhan ka niya" biglang sumulpot si Dion sa tabi ko habang kumakain ng ice cream

"Pero... Siopao naman pinaglilihian ko diba? baka naman akala niya, pinaglilihian ko din to?"

Nagkibit balikat lang si Dion bago bumalik sa upuan niya

Napatingin ako sa freezer at kumuha ng isang magnum ice cream na nasa tub.

"Sige, balik na ako sa taas. Hindi pa ako tapos sa assignment ko" paalam ko kay Dion tumango naman siya


Past twelve na at hindi parin ako tapos. Inaantok na nga ako, siguro bukas ko nalang tatapusin yung iba.linggo pa naman bukas.

Nakaupo ako habang nakatingin sa kawalan habang kumakain ng ice cream ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Nakita kong medyo nagulat si Thaigo ng makita ako. Sa kama siya unang tumingin, akala niya siguro tulog na ako.

Medyo madilim kasi lamp shade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong kwarto pero halatang parang bagong gising lang siya. Naka white sando siya kaya naman kitang kita ko ang tattoo niya sa dibdib at sa braso.

Medyo magulo ang buhok niya pero ba't ang gwapo niya parin???

Walang nagsalita sa amin hanggang sa umiwas siya ng tingin at tumikhim

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now