Kabanata 29

193K 4.3K 4.8K
                                    

I jolt up when I heard a knock from the door. Kanina pa kasi ako nakatulala dito sa kwarto. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabe dahil sa nangyare kahapon. Bumabalik yung sa isipan ko ang mga nangyare kahapon.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang nakangiting si Manang Isabel.

"Bumaba na raw kayo, Ma'am. Kakain na po ng agahan at eto na pala 'yong pinabibili niyo kay Dion" inabot niya sa akin ang maliit na plastik

"Salamat po. Susunod po ako" nginitian ko siya at bumalik ako sa loob. Nagsuklay muna ako.

Nag-inuman sila ni Thaigo at mga Pinsan niya kagabe. Hindi kami nakapag-usap at hindi ko alam kung anong oras natapos ang inuman nila. Si Thairon naman hindi niya ako kinakausap simula kahapon. He got schocked when he saw me yesterday but the moment I hug and talk to him, he didn't say a word.

Ngumiti ako sa aking repleksyon sa salamin bago ko binaba ang suklay. Ang gaan sa loob na nandito na ulit ako. 'Yong hindi nakakulong, wala ng mananakit at sisigaw sa akin pero hindi ko maiwasang isipin si Tita Sandra. Mabait siya at mahal na mahal niya si Axel. Nalulungkot ako para sa kanya.

I sighed and left our room. Hindi na ako nagbihis. Naka pajama parin ako pagkababa ko.

Naabutan ko si Thairon na naglalakad palabas kasama si Manang Isabel.

"Tapos na po siya'ng kumain?" wika ko at lumapit sa kanila.

"Opo, Ma'am" binalingan ako ni Manang Isabel habang nakatitig sa labas si Thairon.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod sa harap niya.

He's frowning.

"Goodbye kiss naman kay Mommy" malambing kong sabi. He just look at me with a serious face.

Napawi ang ngiti ko.

I swallow hard and reach for his hand. "Nak, I'm sorry. Hindi na ako aalis, promise."

Marahan niya akong binalingan pero ang simangot sa kanyang mukha ay hindi parin naalis.

"I saw you with another guy, Mom" naestatwa ako sa sinabi niya.

Napaangat ako ng tingin ng makita ko si Thaigo na lumabas galing sa kusina. Papunta siya sa amin. Manang Isabel noticed it so she excused herself.

"He's just uh.... a friend" I tried to smile. Thaigo is already standing behind Thairon.

Binalingan ni Thairon ang kanyang Ama at tumingin ulit sa akin.

"Sumama ka sa kanya" bakas ang pagtatampo sa kanyang boses. Naramdaman kong uminit ang sulok ng aking mga mata pero pinigilan ko ang sarili kong maiyak sa harap niya.

I don't want to tell him the truth. He's too young for this.

Magsasalita na sana ako ng lumuhod din si Thaigo sa gilid ng anak namin.

"hey" he softly said. Thairon looked at him. "The guy you saw at the party with your Mom is just his friend" sinulyapan ako ni Thaigo.

" She needs to go with him because of work. They went on a... business trip kaya ngayun lang ang Mommy mo nakauwi" dagdag ni Thaigo.

"May trabaho na pala si Mommy? I thought sa coffee shop lang siya ni Lola?" napakurap kurap si Thaigo at muli akong binalingan.

"uh, y-yes... meron na. Dalawa na ang trabaho ko anak"

Thairon looked at me for a few seconds after he nodded.

"But..." binalingan ni Thairon ang kanyang Ama. " why do you look so angry while looking at the guy with Mom that night?. I saw you glaring at him, like you want to k*ll him using your stare..."

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now