Kabanata 11

205K 6.4K 3.4K
                                    

Ngayun lang ako nakapunta sa rooftop ng mansyon kaya namang manghang mangha ako sa laki at lawak nito

Mas lalo akong na excite ng makita ko ang chopper at umaandar na ito. May mga tauhan sa paligid na nakatingin lang sa amin.

Habang naglalakad kami ni Thaigo patungo sa chopper ay umangat ang suot kong bistida dahil sa hangin. Napansin ni Thaigo ang paghawak ko roon kaya naman hinawakan niya ako sa aking paluspusan at binilisan ang lakad.

Pinauna niya ako sa pag akyat, agad akong inalalayan ng isang lalake mula sa loob ng chopper habang nasa likod ko naman si Thaigo.
Inabot ko ang dalawang kamay ko sa lalake sa loob at inangat ang paa ko.

Naramdaman kong umangat ang palda ng bistida ko sa likod pero hindi ko iyon mahawakan kasi nakahawak na ang dalawang kamay ko sa lalaking umaalalay sa akin.May cycling shorts naman ako pero maiksi  'yon! At nahihiya ako baka makita iyon ni Thaigo.

I stiffened a bit when I felt his hand at the back of my thigh.

I looked down at him and saw him holding the skirt of my dress while he's looking at the other direction. His hair was ruffled by the wind.

Napansin niyang huminto ako sa pag akyat kaya naman binalingan niya ako. Nang mag tama ang mga mata namin ay agad akong umiwas ng tingin at tuluyan ng pumasok sa loob ng chopper.

I scooted over when he entered and sat beside me. Napasulyap siya sa akin bago tinanguan ang tao sa harap at lumipad na kami.

Medyo kinabahan ako ng maramdaman kong umangat na kami. Tiningnan ko siya at nakatingin siya sa bintana. I did the same thing.

Napa 'wow' ako ng nasa taas na kami. Ang mansyon ay unti unting naging maliit sa paningin ko pati ang mga tao na nandun kanina, maski ang mga puno.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang langit at mga ulap.

Mas lalo akong lumapit sa bintana ng may makita akong ibon na lumilipad. I giggled when I saw another bird. I think they're couple? Sabay silang lumilipad na dalawa at magkatabi pa.

Nang lumayo na sila ay lumayo na ako sa bintana. Sumulyap ako kay Thaigo at nakita ko siyang seryoso na nakatitig sa akin.

Nginitian ko siya but he just averted his gaze at tumingin sa labas. Napawi ang ngiti ko at sumandal nalang sa upuan ko.

Pagkababa namin ay inalalayan naman ako ni Thaigo. Agad na may sumundo sa aming sasakyan and after a couple of minutes ay dumating narin kami sa aming pupuntahan, I guess?

Nakita kong may nagsidatingan na dalawang kotse at isang van that's for sure are Thaigo's bodyguards. Nakita ko rin si Dion na bumaba sa isang kotse at agad na naglakad patungo sa amin.

Nag umpisa ng maglakad ni Thaigo kaya agad akong sumunod sa kanya. Sumulyap ako kay Dion sa likod, nginitian niya naman ako.

Maraming puno sa paligid at may nakita akong bahay mula sa malayo. I looked at the surroundings at parang nasa farm kami??? parang nasa probinsya kami pero maganda ang tanawin at presko ang hangin.

Nasa malawak na garden kami ngayun at may kinakausap si Thaigo sa mga tauhan niya.

Nakita ko namang naglalakad palapit sa akin si Dion

"Dion, bakit tayo nandito?" Tanong ko ng makalapit na siya sa akin

"Well...." He mockingly said. Pinanliitan ko naman siya ng mata "Surprise, Mrs. Villamor!" malakas nitong sabi napatingin tuloy ako sa paligid. Nagsilingunan ang ibang tauhan sa amin pati si Thaigo ay napahinto sa pagsasalita sa kausap nito pero agad ding nagpatuloy

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Where stories live. Discover now