Kabanata 22

197K 5.7K 2K
                                    

Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Malaki iyon pero hindi ko gaano makita ang mga gamit sa loob dahil patay ang ilaw. Tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong silid.

Hinanap ko ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Umupo ako sa gilid ng kama at napahawak sa aking leeg habang pinagmamasdan ang hindi pamilyar na kwarto.

Nasaan ako?

Kasama ko si Axel kanina. Nagalit siya at parang may tinurok siya sa leeg ko at nawalan ako ng malay.

Hindi ko alam kung nasaan ako pero kelangan kong umalis dito.

Kinapa ko aking bulsa at wala doon ang aking cellphone. Lumapit ako sa maliit na drawer, nagbabakasaling nandoon ang cellphone ko pero wala. Napatigil ako sa paghahalungkat ng makita ko ang mga pamilyar na panyo na maayos na nakatupi sa loob ng drawer.

Kinuha ko lahat iyon at nilapag sa taas ng drawer.

Akin lahat ng 'yon!

Tiningnan ko 'yon isa-isa at puro sa akin 'yon. Bakit nandito ang panyo ko??

I wandered the whole room and I stopped in front of a closet. Dahan dahan ko 'yong binuksan. Puno iyon ng damit panglalake pero naagaw ng aking paningin ang isang kukay puti na kahon. Kinuha ko 'yon at binuksan.

Nalaglag ang panga ko sa aking nakita.

Puno 'yon ng mga litrato ko!

Halos lahat ng mga kuha ko ay nasa school. Naglalakad sa hallway, sa labas ng gate ang iba ay nasa loob ako ng classroom. Nakita ko rin ang dati kong mga pangtali sa buhok.

Napatigil ako sa paghahalungkat ng makita ang isa kong litrato na nagtatrabaho sa loob ng fast food chain.

Someone is stalking me.

Pero sino?

Ibabalik ko nasa ang mga litrato sa loob ng kahon ng mapansin ang isa pang litrato na hindi ko pa natitignan.

Napahawak ako sa aking bibig at tahip tahip ang aking puso habang pinagmamasdan ang litratong hawak ko.

It was a picture of Thaigo and our son, nasa labas sila ng gate ng mansyon. Ang mas kinatakot ko ay ang pulang ekis na nakamarka sa litrato nilang dalawa.

Nakarinig ako ng yabag mula sa labas kaya nagmamadaling binalik ko ang litrato sa kahon at tinago 'yon sa loob ng closet.

Pinunasan ko ang tumulo kong luha sa aking pisngi at hinanda ang sarili sa kung sino man ang paparating.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang tinitingnan ang paggalaw ng doorknob ng pintuan, hudyat na merong papasok.

"My queen is finally awake" nakangiti nitong wika at sinarado ang pintuan

Humakbang siya patungo sa akin pero agad kong tinaas ang kamay ko.

"Huwag kang lalapit" nanginginig ang boses ko

Napahinto siya sa paglalakad, bakas sa mukha niya ang pagtataka pero agad ring napalitan ng ngisi.

Tiningnan niya ang closet na nasa likod ko.

"You saw the box, didn't you?" humakbang ulit siya palapit sa akin kaya agad ko ulit siyang pinigilan

"d-diyan..ka lang" wika ko at umatras hanggang sa tumama sa closet ang likod ko.

Sumeryoso ang kanyang mukha at tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Yumuko ako.

Nakita kong inangat niya ang kamay niya palapit sa mukha ko kaya agad ko itong hinawakan.

"huwag mo akong hahawakan" sabi ko habang nakahawak sa palapuspusan niya.

Beautiful Mistake (Mafia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon